Chapter 19

2.7K 121 8
                                    

"Pakiusap, doctor! Maawa po kayo sa anak ko! Gusto ko po siyang magkaroon ng normal na buhay. Pero hindi po iyon mangyayari kung nasa piling ko siya kaya kunin niyo na po sana siya." Humahagulgol na nagmamakaawa ang pasyente ni Roque matapos itong ilipat sa ward galing ng delivery room.

Hindi nakahuma ang doctor. Nandito sana siya para sabihin dito na may karamdaman ang anak nito. The newborn baby has a Neonatal Polycythemia. Ngunit, tila mas malalim pa ang pinaghuhugutan ng ina ng bata. Hindi depression ang nagtulak dito para sabihin iyon kundi pagmamahal dahil ang babaeng ito ay asawa ng lider ng malaking sindikato sa bansa. Ang Red Scorpion.

Umalis siyang hindi nasabi ang pakay at naguguluhan kung anong gagawin. Sasagipin ba niya ang sanggol mula sa sakit nito o hahayaan na lamang na mamatay upang iligtas sa kapalarang nakatadhana rito?

"Ano po iyon, doc? May Polycythemia ang sanggol?" bulalas ng nurse na si Nelfa habang nasa labas sila ng bursery at tinatanaw ang sanggol na babaeng pinapadede ng isa pang nurse sa feeding bottle.

Tumango si Roque. "There are too many red blood cells in the infant's blood. Inherited disease and genetic problem, perhaps. Her mother has signs of multiple myeloma. Kailangan niya ng exchange transfusion."

It is potentially a life-saving procedure that is done to counteract the effects of serious changes in the blood due to a disease.

"Saan po tayo kukuha ng ipapalit na dugo?"

"Iyon din ang iniisip ko at hindi basta papalitan lamang ang dugo niya. Stem cells transplant ang tunay na magliligtas sa kanya."

"Bone marrow po? Paano iyon? Wala siyang kapatid, di ba? Panganay ang sanggol na iyan!" hirap ang loob na pahayag ni Nelfa.

Napailing na lamang siya at huminga ng malalim. Ang sinabi ng ina ng bata ay nagtagal sa kanyang utak at patuloy siyang nililito kung anong dapat gawin.

"I heard from Nelfa that you are looking for a bone marrow donor? May nakita na ba kayo?" Ginulat niya ng tanong na iyon mula sa pinto ng kanyang opisina.

Dagling nag-angat ng paningin si Roque at suminghap nang magtagpo ang mga mata nila ng babaeng nakatayo sa bungad ng pinto.

"Hello, Roque! Long time no see," malambing nitong bati.

Leylla Diaz.

The former country's beauty queen and his ex-girlfriend. Pero nagkasala siya kaya pinagpalit siya nito sa pinsan niyang mekaniko at iniwan ang marangyang buhay. Hanggang ngayon sinisikdo pa rin ng presensya nito ang kanyang puso.

"Come, Leylla. Napasyal ka? Si Gilbert, kasama mo?" Lumagpas ang paningin niya sa likod nito, umaasang naroon ang kanyang pinsan.

"Ako lang mag-isa. Pina-check up ko si Ghaile, may sinat kasi." Pumasok ito. "Ano iyong sinabi ni Nelfa na naghahanap kayo ng bone marrow donor para sa isang sanggol?"

"Oh, that?" kinamot niya ang batok. "Wala kaming mahanap."

"Can I see the baby? Baka may maitulong ako. Nagkwento kasi si Nelfa at naawa ako sa nanay ng bata. May taning na raw ang buhay?"

"Stage 3, multiple myeloma. Hindi na kayang agapan."

Nagtungo sila sa nursery ngunit hindi pumasok. Inutusan lamang niya ang nurse na ilapit sa dingding na salamin ang sanggol upang makita ni Leylla.

"Kailangan niya ng exchange transfusion."

"Oh, she's too cute. Baka pwedeng magbigay sa kanya ng dugo si Ghaile," wika ng babae.

"Very rare ang blood type ng anak mo tapos ipamimigay mo lang? AB Negative, that's too expensive." Napailing siya.

"Why not? If it could save the baby's life. Children is an emblem of hope, Roque. As long as you heard them cry, rest assured the world will keep going."

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon