The freezing drops of cold shower bite his skin, washing away the traces and smell of disinfectants. He is in nocturnal shift for about a week now. He had finished three surgeries overnight in between his rounds.
Isinara ni Ghaile ang shower at hinablot ang tuwalya. Ibinalot sa ibabang parte ng kanyang katawan. Dumaan siya sa lavatory at nagtoothbrush. Kailangan na niya ng haircut. His hair is getting longer.
Paglabas niya ng banyo ay may bihisan nang nakahanda sa kama at sa corner table malapit sa floor to ceiling window ay may umuusok na kape sa mug katabi ng home-baked bread at butter.
He smiled. Nilapitan iyon at dinampot ang tasa. Humigop ng kape. The warmth flows down like the bright rays of the morning sun that shines through the open windows. Thoughts from the events months ago fight their ways into his mind.
Maayos na ang lahat.
Everything is back on track and everyone is home now. The families from the Red Scorpion are taking refuge on Lotus Montaña, rebuilding their lives and preparing to join the community again. Ang mga may pananagutan sa batas ay nililitis. Ang mga nagkasala ay pinatawan ng parusa ngunit binigyan ng sapat na pagkatataon para magbago.
Higit sa lahat...
Nakabalik na sa piling nila si Jrex. Kompleto na ulit silang magkakapatid. Hindi natatapos ang hamon at mga pagsubok sa buhay. Pero suportado nila ang isa't isa.
Inubos niya ang kape at nagbihis. Pupunta sila ngayon ni Jellyann sa city hall para sa charter day. Taun-taon ay imbitado silang magkakapatid doon lalo at parating nangunguna sa major partners ng siyudad ang Andromida Conglomerate pagdating sa nga programa at pangunahing serbisyong pampubliko.
"Oh my! Are you done already? God, hindi pa ako nakapag-ayos!" Tarantang pumasok ng pintuan si Jellyann at dinaluhong ang wardrobe nito para pumili ng susuutin.
"No need to rush, babe. We still got two hours to go," natutuwa siyang panoorin itong maliksing kumikilos kahit bumibilog na ang tiyan na nakausli mula sa suot nitong maiksing cotton shorts at hanging blouse.
Gustung-gusto nitong parating nakasuot ng seksing outfit kahit nasa bahay lang. Ang dahilan nito ay para hindi raw siya titingin sa iba. Ngayong nasa kasagsagan ito ng pagbubuntis ay masyadong selosa at kulang na lang lagyan ng koldon ang mga mata niya.
He's not complaining though. He loves her more because of her surprising jealousy and tantrums. Natigil siya sa pagrorolyo ng manggas ng kanyang long-sleeves paaakyat sa ibaba ng siko niya nang makita niyang halos dalhin nito sa kama lahat ng damit na laman ng cabinet.
She had trouble choosing what to wear. Ayaw naman niyang makialam at baka sumpungin lang ito. In the end she chose the peach gown that Julie has made for her.
It only has strings at the back. Off-shoulder, revealing her cleavage. Her breasts are enough turn-on. Buti na lang at buntis ito. That would be a warning for boys to back-off. Hanggang sakong ang haba ng damit at may slit na pahilis. Sequenced with small but glittering beads of purple stones.
"Bagay ba sa akin?" tanong nitong umikot-ikot sa harapan ng salamin.
"I love you," sagot niya.
Ngumuso ito at inirapan siya. "Ang tanong ko ay bagay ba sa akin. Halatang umiiwas ka," sikmat nito. "Ano, bagay ba?" nagpose pa ito sa harap niya.
Muli niya itong hinagod ng malagkit na titig. She's out of figure already and she knows that. She's just too confident and that's captivating. Kahit pa lumalaki ang ilong nito at ang mga labi ay tila laging kinakagat ng bubuyog.
"Mahal kita, alam mo iyan." Ngumisi siya.
Dumampot ito ng unan at hinambalos sa kanya. "Alam ko, Ghaile, napapangitan ka sa akin!" May hinampo nitong maktol. "Ano? Umamin ka, pangit na ako sa paningin mo ngayon?"
BINABASA MO ANG
NS 09: LUST TOUCHED ✅
RomanceA surgeon of great substance and the ladies' golden apple. This is how Dr. Ghaile Sarmiento Andromida strikes his balance. Inside and outside the medical arena, he is known to be notorious for breaking hearts left and right. Crushing into the surfac...