Alam ni Jellyann na sasabihin man niya kay Ghaile o hindi ang kanyang binabalak ay malalaman pa rin nito iyon. May tiwala siya rito. Tiyak rin niyang nakasubaybay din sa kanya si Peter Falcon dahil kung magpadala ito ng mensahe ay tila ba alam nito ang bawat detalye ng ginagawa nila ng asawa niya. Kulang na lang ay isipin niyang nasa paligid lamang ito at nagmamanman. Kaya kailangan niyang ingatan ang bawat kilos alang-alang sa kaligtasan ng kanyang asawa.
Ipinasok niya sa clutch bag ang baril. Makikipagkita siya kay Peter Falcon sa dalawang dahilan: Una, aalamin niya ang plano ng Red Scorpion laban sa asawa niya. Pangalawa, siya ang magiging lead ng mga Andromida sa kinaroroonan ng kaaway. Natatakot siya pero normal lang ito dahil tao lang naman siya. Takot siyang mapahamak at lalong takot siyang iwanan si Ghaile.
Ngunit, walang matatapos kung paiiralin niya ang takot. Kung siya ang talagang pakay ng sindikato, ipapain niya ang sarili para tuluyan nang masugpo ng mga Andromida ang grupong nagbibigay ng sakit ng ulo sa lipunan simula pa noon.
Galing sa opisina ng asawa ay dumaan siya sa operating room kungsaan kasalukuyang may surgery si Ghaile. Banayad niyang kinapa ang nakapinid na pintuan at pumikit. Naging malinaw sa utak niya ang larawan ng lalaking nasa likod ng pintong iyon, muling hinahamon ang kamatayan para magligtas ng buhay. Nagbigay iyon sa kanya ng lakas ng loob.
May sampung minuto pa siya bago makabalik sina Yamraiha at Liehnard na inutusan niyang kunin ang laptop. Sinadya niyang iwan iyon sa Sky Garden para may excuse siya sa dalawang matitinik niyang bantay.
Taas-noong nilandas niya ang pasilyo at sumakay ng elevator pababa sa basement. Doon ang usapan nila ni Peter na magkikita.Bahagyang nanginginig ang mga tuhod niya kaya pinukpok niya ang mga iyon bago lumabas ng elevator pagsapit niya sa ibaba. Isang itim na sasakyan ang nagbigay sa kanya ng signal sa pamamagitan ng headlights niyon. Tinunton niya iyon. Mahigpit na hawak ang clutch bag.
Bumaba ang salamin ng bintana sa VIP seat sa unahan at mula sa loob ay sumenyas sa kanya si Peter Falcon. Bumuga siya ng hangin at binuksan ang pinto. Sumampa siya.
"You're not going to regret this. I'll be giving you a huge favor despite of your being an enemy to the Andromida." Binuhay nito ang makina ng sasakyan at umusad sila palabas.
Napaismid siya sa tinuran ng lalaki. "Anong pabor? Ang madala ako sa bunganga ng mga taong pinagsisilbihan mo at nang makuha mo ang reward?" Prangka niyang atake rito.
"Who's serving who?" Humalakhak ito. "Don't you miss my kiss, Doctor Jellicious?"
Her breathing snapped at that. How did he knew? And that endearment, only Jrex has the gut to call her that way. Pero natulala na siya nang tanggalin nito ang facial prosthetics at tumambad sa kanya ang tunay na katauhan sa likod ng mukha ni Peter Falcon.
"Jrex? Oh my,God!" bulalas niyan natutop ang bibig at nanginig ang katawan sa magkahalong tuwa at kababalaghan.
"Congratulations, Jel." May inabot ito sa dashboard. Isang maliit na regalong nakabalot ng kulay pula. "Here, be sure to wear this always. I'm sorry about the last time, I've crossed the line. Thank you for not telling my brothers about me. That was sort of a test and you passed. You gained my trust."
Hindi siya makabwelo sa mga tanong niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang emosyon. Pero tumatango siya kahit hindi pa lubusang ma-proseso ng utak ang sorpresang tumambad sa kanya.
"Alam na nilang buhay ka," nawika na lamang niya.
"They'll know, eventually. Mga kapatid ko iyon, magagaling sila. And your husband, he's my buddy. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya kaya nandito tayo ngayon sa ganitong sitwasyon."
BINABASA MO ANG
NS 09: LUST TOUCHED ✅
RomanceA surgeon of great substance and the ladies' golden apple. This is how Dr. Ghaile Sarmiento Andromida strikes his balance. Inside and outside the medical arena, he is known to be notorious for breaking hearts left and right. Crushing into the surfac...