Apat na table ang inokupa nila. Bawat mesa ay may apat na manlalaro. Two versus two.
Table 1
Sahire and Jeneviv versus Athrun and Gabrylle.
Table 2
Julie and Mayee versus Alexial and Lyam.
Table 3
Melanie and Anne Marie versus Ramses and Rheeva.
Table 4
Glen and Lenlen versus Vhendice and Rajive.
"Seryosohin ang laro, boys!" sigaw ni Athrun na ang titig ay nakapako lamang kay Safhire.
Tumikwas ang kilay ng babae.
"Ang matatalo iinom ng salted coffee!" salo ni Vhendice na ikinawi ng magkakapatid.
"Palalanguyin kita, gusto mo?" hamon dito ni Lenlen na tinusok sa dulo ng tako ang tiyan ng asawa.
Si Jelyn ang nagbigay ng hudyat para simulan ang laro. Namayani sa buong billiard house ang maingay na salpukan ng mga bola at tako at ang malulutong na mura ng magkakapatid mula sa iba't ibang mesa.
Si Jelyn ay tahimik lamang na nakaantabay mula sa kanyang upuan habang nakikipagpalitan ng chat kay Ghaile.
Him: You make it sound like living with girls around is a sin.
Her: I didn't, definitely. But living with girls and playing around with their feelings is what you called sin.
They were on the same topic again. About his girls and is denying, using his made-up amnesia as an excuse.
Natigil siya sa pagrereply nang matanaw na nagbigayan ng high five sina Rheeva at Ramses. Another win for the boys?
Sa unang mga rounds ay kapansin-pansin ang husay ng grupo ni Athrun kaya sunud-sunod nang nananalo ang mga ito. Maya't-maya ay sina Athrun naman at Gabrylle ang nagbungguan ng kamao. Panalo ulit? Samantalang wala pang naitala ang girls. May dahila talaga at kampanteng-kampante ang mga kalalakihan.
Ngunit sa ikaapat na round ay nagsimulang gumawa ng diskarte ang grupo ng mga reyna. Sa unang table, si Athrun na ulit ang titira para sa huling bola na ipapasok sa pocket. Dinikitan ito ni Safhire at dinakma ang pundilyo ng asawa. Hinawakan ang kargada. Sablay ang tira ni Athrun. Maldita itong inirapan ni Safhire at tinalikuran.
"Damn it!" Walang nagawa si Athrun kundi magmura at hinabol ang asawa. "Please, can I have a kiss? I'm dying here!"
"Athrun!" umangal si Gabrylle.
"Eyes here, Gab!" sikmat ni Jeneviv.
"Yes, baby!"
Athrun and Gabrylle were completely locked down. Naipasok ni Jeneviv ang huling bola at panalo ang girls sa table 1.
Habang sa mesa naman nina Julie at Mayee, tatlong bola na lang ang naiwang nasa ibabaw at kailangang ipasok sa pocket. Alexial is on the game. Pumosisyon ito upang tumira.
"Sige, ipasok mo iyan, buong taon kang hindi tatama sa akin." Banta ni Julie.
Naudlot ang atake ng lalaki at namumutlang tumingin sa asawa. "Buong taon?"
"Two years, gusto mo?"
"No, shit!" Binitawan ni Alexial ang tako at nagtaas ng kamay, tanda ng pagsuko.
"Alex, you jerk!" kastigo ni Lyam sa kapatid.
"What? Ayaw kong maging zombie!"
"Bakit, Doc Love?" Kinalabit ni Mayee ang asawa. "Gusto mong manalo? Sige lang, gawin mo. Maghuhubad ako rito."
BINABASA MO ANG
NS 09: LUST TOUCHED ✅
RomanceA surgeon of great substance and the ladies' golden apple. This is how Dr. Ghaile Sarmiento Andromida strikes his balance. Inside and outside the medical arena, he is known to be notorious for breaking hearts left and right. Crushing into the surfac...