Chapter 11

2.8K 120 10
                                    

Kasagsagan ng paglakas ng hangin at ulan dulot ng bagyo. Ayon sa balita ay nasa category two ang buong Martirez. Gayunpaman, sinagasa ng mag-asawang Anton at Janina ang masamang panahon sakay ng owner type jeep para puntahan ang pinakamalapit na hospital. Wala silang pasyente na naka-confined doon, bagkus, isang sanggol ang kanilang susunduin.

Yakap-yakap ni Janina ang plastic envelope na naglalaman ng mga dokumentong aprobado ng korte at DSWD para maging legal ang kanilang pag-ampon sa bata. Ipinarada ni Anton sa parking lot ng pagamutan ang jeep at magkasamang tinawid ng mag-asawa ang ulan habang nakasukob sa iisang payong.

Naghihintay sa kanila sa lobby ang nurse na si Nelfa. Ito ang nag-aalaga sa sanggol matapos ang trahedyang sinapit ng mga magulang ng bata noong isang linggo lamang.

"Akala ko hindi na kayo darating, dito tayo." Iginiya sila ng nurse patungo sa pedia ward.

"Kumusta ang bata, ma'am? Wala na po ba siyang lagnat?" tanong ni Janina. Noong Lunes nang bumisita siya ay may lagnat ang sanggol.

"Wala na. Maayos na ang kalagayan niya."

Pumasok sila sa malawak na ward na hinahati-hati ng kulay berdeng kurtina. Sa ikatlong kama mula sa kanang hanay ay naroon ang pitong buwang sanggol na babae at payapang natutulog.

"Siya si Jellyann. Nasa inyo na ang mga papeles, hindi ba? Kayo na sana ang bahala sa kanya," sabi ni Nelfa na hinimas ang nakamedyas na paa ng bata. "May kapatid siyang lalaki at nauna nang sinundo rito ni Mr. Sarmiento. Ayaw ko nga talaga sanang magkahiwalay silang magkapatid pero wala akong magagawa." Malungkot na dagdag ng nurse.

Magkahalong saya, awa at ligalig ang sabay na humaplos sa puso ni Janina habang nakatitig sa sanggol. Magiging isa kaya siyang mabuting ina rito? Apat na taon na silang kasal ni Anton pero hindi pa rin sila biniyayaan ng anak. Naisip niyang baka hindi siya magiging isang mabuting magulang kaya pinagkait iyon sa kanila.

"Aalagaan namin siya at mamahalin bilang tunay naming anak," pahayag ni Anton.

"Aasahan ko po iyan." Kinuha ni Nelfa ang tumutunog na cellphone at sinagot ang tawag. "Yes, doc. Nandito po iyong mag-asawa na aampon kay Jellyann. Yes, po...ah...okay po. Noong isang araw pa po sinundo ni Mr. Sarmiento si Ghaile. Okay naman po ang kondisyon ng magkapatid." Naglakad palabas ng ward si Nelfa at iniwan sila roon.

Dahil lumakas pa ang hangin at bugso ng ulan, nagpasya ang mag-asawa na roon na lamang magpapalipas ng gabi sa hospital. Hindi ligtas na i-uwi sa bahay nila ang sanggol ngayong mapanganib ang panahon.

Dumukwang si Janina at sinikop ang bata sa kanyang mga bisig. Ibubuhos niya rito ang pagmamahal na kaya niyang ibigay. Tumingin siya kay Anton na nakangiting pinagmamasdan silang mag-ina.

-----------------------

Hindi matingnan ni Jelyn ang ina pagkatapos nitong i-kwento ang katotohanang hindi lamang puso niya ang winasak kundi pati ang kanyang kaluluwa. Her empty eyes cut across the flower vase above the centertable.  Hinimatay siya kanina at dito na siya nagising muli sa hospital. The same hospital where her parents picked her up before when she was a baby.

Hindi niya matukoy kung alin sa kanyang nalaman ang mas masakit. Na ampon lamang siya o dahil kapatid niya ang lalaking iniibig. May mas sasakit pa ba roon? Bawat sulok ng kanyang puso ay unti-unting inaagnas ng kirot. Sa sobrang sakit, walang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Walang iyak na umaahon sa kanyang lalamunan. Dahil hindi sapat para sa lagim na kanyang nararamdaman ang mga luha at hagulgol.

Paano niya sasabihin kay Ghaile? Paano niya sasabihin na magkapatid sila at maaring ang nararamdaman nila para sa isa't isa'y lukso lamang ng dugo? Sana ganoon lang kadali. Sana kaya niyang talikuran na lamang basta ang binata. It wasn't the world, not the people around them either. Nor did fate. It was the law of nature, it was humanity against them.

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon