Chapter 29

2.8K 128 3
                                    

"This is Jellyann, daughter of the late Edilbert Alba. I'm here calling you all, members of the Red Scorpion. There is no need for us to fight in order to survive. There should be no more lives to sacrifice, no more bloodshed for our children. If you trust my father, I believe this is not what he really wanted to see for your family and for the organization. I am willing to stand behind you on your ground as a leader but under the new set of rules. I despised war and fighting. I won't tolerate terrorism to continue. If you are with me, then, come to me."

Ghaile's eyes are glued lovingly on his wife talking in front of the camera, addressing the Red Scorpion. Nagkasundo sila ni Jrex na sa ganitong paraan ilalatag ang negosasyon para sa mga miyembro na gustong magbagong-buhay. Wala na kasi silang oras na kumbinsihin isa-isa ang mga ito. Buti na nga lang at napakiusapan pa niya ang mission control ng Nephilims na suspendihin muna ang pagtugis sa grupo.

Tumingin sa kanya ang asawa. Banayad siyang tumango para kompirmahin ang pagsang-ayon niya sa mensahe nito. Jrex is standing beside her wearing the face of Peter Falcon and posing as her bodyguard.

Mabagal ang pagtanggap ng sistema niya sa katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ng kapatid. Ang mga pinagsamahan nila ni Jrex at ang nagbibigkis sa kanila bilang pamilya ay mas matimbang kaysa sa galit na pilit umaahon sa kanya.

They might be originated from the opposing side but they were both robbed of their chance to have parents while growing up. Kahit nasasaktan siya sa katotohanan, pipiliin pa rin niya ang kapatid kaysa sa nakaraan na alam niyang hindi na magbabago at maibabalik. Bagamat nais pa rin niyang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang.

"We've sent it loud and clear," pahayag ni Jrex pagkatapos ng live broadcast na tiniyak nitong mapapanood sa lahat ng network ng Red Scorpion.

Umalis siya sa pagkakasandal sa dingding at nilapitan ang asawa. Niyakap niya ito. Dinampian ng halik sa ulo. She was emotional in the ending part of her message. Dama niya ang paghahangad ng puso nito na maitama ang maling paninindigang umiiral sa organisasyon.

"I love you," anas niyang muli itong hinagkan sa sentido.

"Sana pakinggan nila ako," naiiyak nitong sambit.

"Makikinig sila, magtiwala ka lang. You've speak your heart out to them, every piece of your message will reach them, no doubt." He re-assured.

Tumango ito at yumakap sa kanya.

The blinds of the windows turned up and the tinted glass becomes clear giving them an exquisite view of the landscapes below and the clear spectrum of the space up to the blue sky. Ang lugar na kanilang kinaroroonan ay isa sa mga nayon ng Martirez, ang Barbara. They's staying in a house that features as a vacation home but this is one of the Ragnarok's satellite base.

Kasama nila sa loob ng sound proof na silid ang mga tauhan ng Ragnarok. Jairuz Randall Monte-Aragon was the one providing assistance to Jrex for his investigation until now.

"Tinanggap na ba ni Lyam ang leave mo?" tanong ni Jellyann habang pababa sila sa garden ng bahay mula sa second floor. May hagdanan doon na direktang maghahatid sa kanila sa hardin na hitik sa winter plums.

"No, he is asking for further explanations and I can't tell him yet about Jrex. Mag-aalala lang iyon." Hinapit niya sa baywang ang asawa.

"Paano iyan? Pati ang leave ko ayaw din niyang i-accommodate."

"I'll talk to him later," pinisil niya ang balakang nito.

"Ghaile!"

Nilingon nila si Jrex na sumunod sa kanila. Tinanggal na nito ang prothetics at ang suot na military uniform. Hinintay nila ito.

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon