Kabanata 1" inday! gumising kana, may pasok kapa! aalis na kami nang tatay mo" sigaw sakin ni inay
"opo! ingat kayo" bumangon na ako sakin higaan para mag-ayos.
Frist day of school ngayon at 4rth year high school na ako. bumaba na ako para mag-luto nang kakainin namin mag kakapatid.
tatlo kami mag-kakapatid at ako ang pinaka bunso samin ang kuya kong panganay na si kuya sky torres na third year college na, at si kuya island torres na frist year college naman.
Gusto ko mag-aral sa maynila dahil sabi nang tiya cindy ko na kapatid ni mama ay maganda daw doon lalo pag doon ako naka-pagtapos nang pag-aaral sa college.
kumain na ako at hinihanda ko ang baon ko para makatipid " kuya kumain na lang kayo aalis na ako ha" aniya ko kay kuya sky . tumango lang naman siya sakin at umalis na ako.
Pumunta naman ako sa bahay nang kababata ko para sabay na kami pumasok." tao po!" sigaw ko sa malaki nilang gate
" o ikaw pala citrine" sabi sakin nang matandang kasambahayan nila cairo
" goodmorning nanay sita, si cairo ho?" tanong ko sa kaniya " nandito pa, halika pumasok ka muna dito mo na siya antayin" pumasok naman ako.simula naging mag-kaibigan kami ni cairo ay lagi ako pumupunta sa palasyo nila o bahay. sobrang laki kasi ang kanilang bahay dito. kahit mayaman sila ang tingin nila sa mahihirap dito ay parang kapantay lang nila. hindi kagaya sa kabilang bayan na puro mayayaman ang naka-tira kaso sobrang sama naman ang kanilang ugali.
"kahit kailan talaga ang bagal ni cairo" bulong ko sa akin sarili. habang nag- aantay ako kay cairo ay kinuha ko ang cellphone ko na di keypad lang. bigay yon sakin ni itay nong kaarawan ko.
"kanina kapa?" tinignan ko naman siya simula ulo hanggang paa. kaya marami nakakagusto sa kaniya sa school dahil sa taglay niyang kakagwapuhan." umagang-umaga lutang kananaman diyan?" sabi ni cairo habang nag aayos nang gamit niya.
"tss, kahit kailan talaga ang kupad mong kumilos" sabay kain ko nang tinapay na binigay sakin ni nanay sita, inirapan lang naman niya ako. hindi ko alam kung lagi nag-kakaroon nang buwan nang dalaw tong si cairo daig pa kasi ang babae na sobrang suplado .
" maria citrine. anong oras palang at sasakay naman tayo sa kotse sa tingin mo ba malalate pa tayo?" sabi niya sakin." che wag mo nga ako tawagin nang maria" inis na sabi ko sa kaniya,ayaw ko sa lahat na tinatawag ako na maria
"bakit pa kasi nilagyan pa ni tita josephine ang pangalan mo nang maria, e hindi ka naman mahinhin para kang pwet nang manok putak nang putak" binato ko naman siya nang unan na nakalagay sa upuan nila " wow ha edi sana sinabi mo sa nanay ko" nang matapos siyang kumain ay umalis na kami ni cairo.
hindi naman kami sobrang hirap siguro nasa medium na pamumuhay kami. may sarili kaming lupa na minana ni papa sa lolo andress ko, siya lang kasi ang tangi nilang anak. si mama ko naman may kapatid siya na si tiya cindy na naka- pangasawa nang kano. kaya simula noon doon na siya naka-tira sa ibang bansa. matalik silang mag-kaibigan noon ni mama at papa hanggang sa nanligaw si papa at nag-pakasal sila. nang maka-rating kami sa school ay nag-paalam na kami kay manong hunyo na asawa ni nanay sita.
"ano kaya ang section ko ngayon?" tanong ko kay cairo. simula noong elementarya hanggang third year high school ay mag-kaklase na kami ni cairo" wala kabang bagsak?" tanong niya sakin habang naka-tingin sa daan" wala naman, naka-pasa ako sa exam, kung meron naman sana sinabi na yon nila inay at itay" ang sabi ko sa kaniya. "yun naman pala"
"grabi bagay talaga sila "
"sinabi mo pa, sabagay sino pa naman hindi makaka-gusto sa isang cairo rodriquez mayaman na gwapo pa"
BINABASA MO ANG
Im inlove my bestfriend( COMPLETED )
General FictionPano pag na hulog kana sa matalik mong kaibigan? Pero natatakot ka umamin dahil iniisip mo na baka masira ang inyong pag-kakaibigan na matagal ninyong binuo? Kaya mo ba na mawala siya sa buhay mo? Handa kana ba sa magiging decisyon mo? o Hindi kana...