Kabanata 10

74 4 0
                                    


kabanata 10

Simula sinabi ko iyon kay itay, sinusubukan ko na maging handa kung kailan siya kukunin ni papa God. hindi naman kasi natin alam kung kailan kukunin tayo minsan nga ang iba ay oras na lang ang bibilangin mawawala na sila, yung iba nga kakapanganak lang kinukuha na agad. masakit tanggapin pero wala akong magagawa siguro tutuparin ko na lang kung ano ang pangarap namin ni itay.

Siya ang naging kasangga ko pag lagi ako may kaaway, siya ang taong nilalapitan ko pag sobrang bigat na ang pakiramdam ko at siya din yung tao na nakakaitindi kung ano ako. Siguro kailangan niya na mag pahinga dahil ayaw ko rin naman na nakikita siya na nahihirapan sa sakit niya. kahit hindi sabihin nang doctor na ang mga tubo na nakasaksak sa kaniya ay iyun na lang ang kinakapitan, pag inalis iyon alam ko mawawala na samin si itay.

Nandito ako ngayon sa room dahil kailangan ko na mag review dahil malapit na ang exam sa st.manuell sa susunod na buwan na iyon. kailangan ko maka-pasa dahil iyon ang pangarap namin ni itay.

"citrine" tawag sakin ni terri na kakarating lang

"why?" aniya ko pero nasa reviewer ang aking paningin

"kamusta ilang araw ka hindi nag paramdam ah?"

"ito nag rereview lang naman ako"

"kailan ba daw ang exam doon?"

"sa susunod na buwan na, ang iniisip ko nga luluwas pa ako nang maynila" malungkot na sabi ko

"oh bakit parang hindi ka masaya?, diba yun din ang gusto mo makapunta sa maynila?" takang tanong sakin ni terri

"oo kaso hindi ko naman mababantayan si itay"

"tss, alam mo kung alam lang ito ni tito baka sabihin nun sayo na mas unahin mo ang exam na yan, diba iyan rin naman ang pangarap niyo ni tito?"

"oo mamimiss ko kasi sila" yun na lang ang sinabi ko, at binalik ulit ang aking focus sa pag rereview.

Hanggang matapos ang buwan na ito, ay umuwi si tita cindy para sunduin ako dahil kinabukasan na ang exam namin sa st.manuell.

"ingatan mo ang anak ko doon cindy ha" aniya ni inay

"oo naman ito ang paborito kong pamangkin" sabay yakap sakin

"kami tita?" aniya ni kuya island

"hindi habulin ka kasi nang babae" napakamot nalang si kuya sa ulo. lumapit ako sa pwesto ni itay at hinawakan ang kaniyang kamay.

"itay antayin mo ako ha?, ipapakita ko saiyo ang score ko pag naka-uwi na ako rito" masayang sabi ko

"o-oo anak, ga-galingan mo ha, go-goodluck sa i-iyo i-ingat ka doon"

"opo itay" hinalikan ko naman siya sa noo bago mag paalam sa kaniya.

"anak ingat ka doon ha, ang laki pa naman nang maynila" wika ni inay

"hindi naman tanga yan si citrine inay" aniya ni kuya island

hinampas naman siya ni inay sa braso "ikaw puro ka kalokohan"

"kaya nga sana hindi ka sagutin ni terri" masungit kong sabi

"h-hoy yang bibig mo ha!" inis na sabi sakin ni kuya

"may pera kaba?" tanong naman ni kuya sky sakin.

"oo meron naman kuya" ngiting sabi ko

"sige na aalis na kami ate" aniya ni tita cindy

"sige ingat kayo bye"

kumaway naman ako sa kanila bago kami umalis, hindi ko man lang nakita si cairo kainis din talaga ang mokong na iyon kahit goodluck kiss, ay ano ba yang iniisip mo citrine

Im inlove  my bestfriend( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon