Kabanata 16

79 5 0
                                    


kabanata 16

Nang uwian na ay dumiretso kami sa bar ni kael dito sa may bgc, nag hanap naman kami nang pwesto at nag order na rin kami. maraming waitress at bouncer ang nakakakilala sa amin ni devine dahil minsan dito kami umiinom.

"wow yung totoo mag papakalasing tayo?" aniya ni mamita

"oo naman wala naman na pasok bukas" binuksan ko naman ang tequilla, nag order naman kami nang iba pang inumin, kagaya nang empi, the bar,whiskey at san mig. meron pa silang ibang alak dito kaso hindi na ako nag order nun

"y-yung totoo citrine inom lang ba o mag papakamatay pa tayo?" aniya naman ni elma, mahina naman tumawa si devine

"hahaha kung saan ang kaya niyo inumin diyan" aniya naman ni devine

binuksan ko ang tequilla at nag salin sa baso sabay inom, shit ang pait tlaga

"wow! mukhang sanay kana citrine sa panginginom ah" biro ni mamita

"sino ba nag turo sakin" biro ko

"haha oo na po, oh cheers sa pusong wasak!" sabay taas naman ni mamita ang hawak niyang baso at ganun din naman kami ngumiti lang ako.

Nang maka lahati ko na ang tequilla ay binuksan ko naman ng whiskey, uminom muna ako sabay kagat ko nang lemon, shit mas matapang pa ata ang whiskey

"ok ka lang?" tanong ni devine kami na lang kasi ang naiwan dito

"hmm"

"hindi ka iinom kung hindi ka ok citrine" tinignan ko naman siya sabay inom ko nang alak nang nasa kamay ko, alam niya ang tungkol sa past ko dahil sinabi ko iyon sa kaniya at alam niya ang tungkol sa amin ni cairo

"kilala mo ba si steve?" aniya ko

"hmm, iyong bagong doctor sa company natin?"

"oo, friend ko siya at pinsan niya si cairo, nang iaccept ko sa instagram si steve tumingin-tingin ako nang picture niya at nakita ko" tumingin ako sa kaniya bago ipag patuloy ang sasabihin ko "si kael,steve.cairo at iyong trinity actually may kasama pa silang isang lalaki"

"trinity?" hinawakan niya ang kaniyang baba at nag isip.

"parang narinig ko na ang name na iyan kay kael"

"kaibigan ata nila iyon, inistalk ko ang babae at nakita ko doon ang picture nila ni cairo na magka-hawak kamay at may sing-sing may caption na forever" tumingin ako sa may dance floor at ininom ang alak ko.

ang sakit lang, akala ko may kinakapitan pa ako iyun pala wala na oo alam ko naman na hindi dapat ako ganito, pero masisi ko ba ang sarili ko kung na hulog ako sa kaniya. ang hirap pigilan mahulog sa tao lalo pa sa kaibigan ko pa

"nasaan ang promise ring niyo?"

"hindi ko alam, wala na iyon sa daliri niya"

mahabang katahimikan ang nag muntawi sa aming dalawa hanggang dumating sila mamita at elma para mag paalam dahil kailangan nila umuwi nang maaga, samantala nandito pa kami ni devine

"ikaw hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya

ngumiti naman siya sakin "nope, sasamahan kita"

"papuntahin mo na lang si kael dito"

"sige wait lang tawagan ko lang ha" sabay alis niya

habang wala pa si devine ay inubos ko ang tequilla at ang whiskey kaya mahilo-hilo na ako papuntang cr. nang makarating ako nag hilamos lang ako at nag lagay ulit nang lipstick. nang maka labas ako sa banyo ay nag dadalawa na ang aking paningin, shit lasing na ata ako ah

Im inlove  my bestfriend( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon