Kabanata 23

68 4 0
                                    


kabanata 3

Nagising ako dahil sa pag-alog sa akin ni cairo, simula naging ok kami ay nakakapasok na siya nang kwarto ko at ganun na din ako. sabagay hinahayaan niya lang ako maka pasok sa kwarto niya ako lang tong nag iinarte.

"i'm sleeping" aniya ko sabay talikod sa kaniya.

"it's eight o'clock  na maria, you need to wake up you have a work" habang hinihila niya ang aking kumot.

"boss naman kita kaya ok lang yun"

"no maria, pag hindi ka pa talaga babangon diyan bubuhatin kita at dadalhin kita sa banyo mo" wika niya, tinignan ko naman siya at naka ayos na siya habang ako ay pang tulog parin ang suot.

"fine, mauna kana pumasok" aniya ko habang bumabangon

"no, i will wait you, kaya bilisan mo" sabay alis niya sa kwarto ko

Wala naman ako nagawa kundi bumangon at mag ayos, nang matapos ay bumaba na ako at nakita ko siya sa may sala na nag babasa nang magazine. dumiretso naman ako sa may kusina at nakita ko doon ang breakfast na niluto ni cai.

Nang matapos ay umalis na kami, nang makarating ako sa may opisina ay ang daming mata na naka-tingin sa akin.

"artista kana ngayon" aniya ni elma na kakarating lang din

"chismosa kana ngayon ah" balik na sabi ko, tumawa naman si mamita

"araw-araw na ata kayo sabay ni sir cairo ah" aniya ni mamita

Simula nun gusto niya na sumabay na ako sa kaniya ewan ko ba kala mo may sakit pa ako kahit wala naman na. wala rin naman kasi nakakaalam kung ano meron talaga sa amin, ang daming kumakalat na kesyo nanliligaw daw sakin si cai, kesyo kami daw ito ang malala kesyo daw ginayuma ko si cairo.

Kaya ang hirap maging maganda ang dami nagiging insicure, hay pinoy nga naman, nag buntong hininga lang ako at hindi pinansin si mamita. Pag tingin ko sa tabi ko wala pa doon si devine, madalas na ata umabsent si devine angyari kaya doon.

Natapos ang araw ko na puro trabaho lang dahil nag hahabol din kami nang mga na tambakan na sales. umuwi na sila mamita at elma habang ako nag aayos parin nang gamit ko.

"let's go?" wika ni cairo habang naka-mulsa

"wait matatapos na ako" aniya ko na hindi siya pinapansin, nang matapos ako ay bumaba na kami ni cairo.

"ingat po sa pag-uwi mam at sir" ngiting sabi nung guard saamin

"salamat po kuya" aniya ko, sabay punta kami sa may parking lot

"oo nga pala daan muna tayo sa may bakershop malapit sa may village" wika ko kay cairo

"sino papabigyan mo?" tanong niya sakin

"si violet hilig kasi nun sa chocolate cake"

Nang makarting kami doon  ay nakita ko doon si ate minda ang cashier nang bakershop

"hello ate, pabili naman nang chocolate cake at carrot cake" ngiting sabi ko

"sige, boyfriend mo ba?" tanong niya sakin sabay nguso kay cairo na naka-upo habang naka-tingin sa cellphone niya

"hehe hindi ate minda kababata ko po" aniya ko

"sus ganyan kami nang asawa ko citrine, kababata ko din siya hindi ko nga alam na magiging kami kasi ang dami kong naging jowa noong kadalagahan ko noon"

"ate minda naman iba na kasi ngayon"

"kahit iba na ngayon, depende kung may nararamdaman kayo sa isa't-isa" wika ni ate minda, na curious naman ako.

Im inlove  my bestfriend( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon