kabanata 2
Dumaan ang isang linggo na kilala din namin ang magiging adviser namin na si Mrs. rosales ang tiya n terri. tumambay muna kami ni terri sa may canteen para don muna mag palipas nang oras dahil wala kaming guro sa science hindi kasi pumasok si madam gonzaga.
"malapit nang intrams natin ah" sabi ni terri habang kumakain nang tinapay
"august pa ang start nang intrams, wala pa nga tayong classroom president e" sabi ko habang nag cocompose nang kanta, yon lang naman kasi ang libangan ko. hindi ako kagaya ni cairo at terri na mahilig mag-basa nang libro.
"kaya nga tapos wala pa tayong muse at adonis. hindi kagaya sa ibang section meron na"
"malay mo maisipan yon ni madam rosales" puro lecture lang kasi ang ginagawa namin pag nandiyan si madam rosales.
" mukha na ikaw ang magiging muse ah?" sabay ngisi niya sakin.
"tss, malamang sa ganda ko pa naman"
" hoo! lakas talaga nang hangin ano?" pang-asar niya sakin
"nag-sasabi lang naman ako nang totoo"
"hahaha oo na, isang taon na lang mag tatapos na tayo"
"kaya nga bilis din nang panahon"
"ano balak mo?"
"balak ko?,gusto ko maka-pagaral sa maynila"
"ang tanong papayagan kaba nang magulang mo?" tanong niya sakin, yon din ang iniisip ko, hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila kung ano ang balak ko pag nag-kagraduate ako.
"hindi pa, wala pa ako plano sabihin sa kanila na gusto ko mag-aral sa maynila"
"sabi nang pinsan ko, mahirap daw mag-araw sa maynila"
"depende naman siguro yon, kukuha ako nang scholar para maka-pag aral ako sa maynila" umalis naman na kami sa may canteen dahil malapit na ang third subject namin na kay madam rosales.
"sabagay pwede din yon"
"ikaw ano plano mo?" tanong ko sa kaniya
"siguro hindi muna ako mag kokolehiyo tutulungan ko muna sila inay at itay"
"sayang naman, bakit ayaw mo mag-aral sa maynila?" tanong ko sa kaniya
"may kapatid pa ako nag-aaral sa elementary citrine, kung mag-aaral ako sa kolehiyo baka hindi na kayanin nila inay at itay" gusto ko minsan talaga tulungan si terri lalo alam ko na panganay siya, kaso ganon din kami lalo may sakit din si itay.
Nang makarating kami sa room namin ay nilabas ko ang notebook ko sa math, yon kasi ang sunod namin na subject.
"hys! kahit kailan ang hirap mag solve" inis na sabi ko, sa pag divide lang naman ako nahihirapan lalo pag malalakihan na numero.
"haha angyari sayo?" tawa na sabi sakin ni terri na kakarating lang, pinakita ko naman ang notebook ko sa kaniya.
"alam mo mas madali si divide kesa sa iba, hahatiin mo lang naman kasi yan" tinuruan naman ako ni terri kung pano kunin ang sagot.
"see sabi ko sayo, parang pag-ibig lang kasi yan citrine"
"konek nun?" takang tanong ko sa kaniya
"ang pag-ibig kasi minsan hinahati yan, hindi mo kailangan ibigay sa taong mahal mo ang lahat, kailangan mag-tira ka para sa sarili mo" tinignan ko namna siya
"may pinag-dadaanan kaba?" tanong ko sa kaniya
"haha baliw wala nu, pati pala sa pag-ibig slow ka citrine haha" sabay tawa niya, hindi ko alam kung payo kaibigan yon o pang asar e.
BINABASA MO ANG
Im inlove my bestfriend( COMPLETED )
Genel KurguPano pag na hulog kana sa matalik mong kaibigan? Pero natatakot ka umamin dahil iniisip mo na baka masira ang inyong pag-kakaibigan na matagal ninyong binuo? Kaya mo ba na mawala siya sa buhay mo? Handa kana ba sa magiging decisyon mo? o Hindi kana...