3rd Person's POV;
Napamura na lang si Cross sa isipan ng wala siyang makitang taxi kahit saan.Dahil sa pag-aalala mas pinili nitong tumakbo papunta sa labasan para duon kumuha ng masasakyan.
"Damn!" Mura ni Cross makalipas ang ilang minuto ng makaramdam siya ng sobrang pagod.
Matapos huminto ng ilang minuto tatakbo ulit siya ng may sumulpot na sportcar na bigla na lang humarang sa kanyang daan.
"Hop in." Ani ni Arkhon matapos buksan ang sasakyan galing sa loob.
"Arkhon." Ani ni Cross.
"Sakay hahatid kita sa inyo." Ani ni Arkhon na agad kinatalima ng binata bago sumakay at sinara ang kotse.
"Maraming salamat." Ani ni Cross matapos isuot ang seatbelt at paandarin yun ni Arkhon.
"Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero may utang ka sakin." Ani ni Arkhon na kinapokerface ni Cross pero imbis umalma pinili na lang nito manahimik at tumingin sa labas.
Huminga ito ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili para maiwasang mag-alala masyado sa anak.
"Hindi ko alam kung saan ang bahay niyo, turo mo na lang sakin yung daan." Ani ni Arkhon.
"Cross." Tawag ni Arkhon nang hindi umimik si Cross hinawakan nito sa balikat ang binata dahil sa pagkabigla natabig yun ni Cross na kinatingin ng binata.
"Sorry." Ani ni Cross na nagulat din sa ginawa.
"Nanlalamig ka, baka lagnat laki lang yun masyado kang napaparanoid." Ani ni Arkhon bago mas pinabilisan ang pagpapaandar ng kotse.
"Hindi mo ako naiintindihan, hindi ka magulang." Sagot ni Cross na kinangiwi ni Arkhon.
"Hindi ko din naman pinangarap." Sagot ni Arkhon na kinatingin ni Cross sa labas ng bintana.
"Kasi wala kang naalala." Bulong ni Cross.
"Nasaan ba ang ina ng anak mo at ako ang hinahabol mo?" Flat na tanong ni Arkhon.
"Balak mo bang ipaako sakin ang responsibilidad ng babaeng yun ha?" Tanong ni Arkhon ng---.
"Labas si Casspian dito Arkhon kung wala ka din naman magandang sasabihin tungkol sa anak ko, manahimik kana lang." Putol ni Cross.
"Baba mo na ako dito, salamat." Ani ni Cross pero hindi yun hininto ni Arkhon.
"Bakit ayaw mo ihinto yung kotse." May inis na sambit ni Cross.
"Hindi diyan ang bahay niyo." Sagot ni Arkhon na kinagusot ng mukha ni Cross.
"Kukuha na lang ako ng taxi ihinto mo na it---."
"Sorry kung naooffend ka sa mga sinasabi ko, pero hindi ko intention na may masabi na kung ano sa anak mo." Putol ni Arkhon na kinatahimik ni Cross ng ilang minuto.
"This past few days frustrate lang ako dahil hindi ko alam kung pano kita pakikitunguhan." Ani ni Arkhon na kinatingin ni Cross.
"Hindi ako nakakapag isip ng ayos pag nasa paligid ka kaya pilit kitang pinalalayo sakin, iniinis at ginagalit pero nung time na ikaw na ang umiiwas hinahanap naman kita, naguguluhan ako pero parehong ayokong nasa tabi kita o lumayo ka ng sobra." Dagdag ng binata na kinaiwas ng tingin ni Cross.
"We need to take it slowly, I guess." Ani ni Cross na kinatingin sa kanya sandali ni Arkhon bago tumingin ulit sa kalsada.
"Anong gagawin ko?" Tanong ni Arkhon na hindi alam ni Cross kung para ba sa sarili o sa kanya ang tanong.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Devil
General Fiction●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Prologue "You'll a fucking devil Acosta hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa buhay ko ha?!" Bulyaw ng binata habang nasa loob sila ng i...