3rd Person's POV;
"Hzeck."Napatingin ang binatilyong guardian ng pumasok sa silid niya ang batang Acosta na dala ang bulaklak.
"Bud anong problema?" Tanong ni Hzeck matapos ibaba ang hawak na libro ng sumampa sa kama niya ang bata at bahagyang yumuko.
"Nahihirapan na si papa, Hzeck anong magagawa ko para makatulong?" Naiiyak na tanong ni Casspian na kinakamot sa ulo ni Hzeck bago nilapitan ang alaga at guluhin bahagya ang buhok nito.
"Bilang magulang CN mas mahalaga ang buhay ng kanilang anak kaysa sa kahit na anong bagay sa mundo." Ani ni Hzeck na kinatingin ni Casspian.
"Ibig sabihin kaya ba hindi makuha ni papa si daddy Arkhon dahil sakin?" Tanong ni Casspian.
"Not exactly CN, pero kung sakaling nakuha ni Kuya Cross si Kuya Arkhon ng walang pahintulot ng mga Freya siguradong magkakagulo at masasabi kong dehado si Kuya Cross lalo na't ayaw niya tanggapin ang pagiging Acosta."
"Gaano ba kahalaga ang impluwensya at estado para maging ganito ka complicated bumuo ng pamilya." Nalulungkot na sambit ni Cass na kinatingin ni Hzeck.
"CN masyado ka pang bata para problemahin ang mga ganyang baga---."
"Pero ayokong nahihirapan ang papa ko! Gusto ko ng buong pamilya kasama ang daddy Arkhon ko, Gusto ko maging masaya si papalolo!" Umiiyak na sambit ni Casspian bago bumaba ng kama at tumakbo palabas ng kwarto.
"Casspian." Bulong ni Hzeck habang nakatingin sa pintong pinaglabasan ni Casspian.
---
Katulad ng dati pag namimiss niya ang papa at nalulungkot siya pumupunta siya sa paborito niyang lugar sa palasyo.Sa loob ng kagubatan na malapit sa ilog at maraming bulaklak.
Tahimik na umiiyak dun si Casspian habang inaalala ang mukha ng papa niya at mga narinig niya sa kwarto.
"Ayoko ng may nahihirapan dahil sakin, kung hindi lang ako mahina ... kung may kaya din akong gawin hindi mahihirapan ang papa ko."
"Sa batang limang taon na tulad mo dapat iniisip mo kung anong laro ang gusto mong gawin, anong gamit ang iyong sisirain at kainin ang gusto mong pagkain."
"Manahimik ka, hindi ko kailangan ng opinyon mo." Lumuluhang sagot ng batang lalaki na hindi inabalang tingnan ang binatang nasa likuran at nakasuot ng hood.
"Kung papayag ka sa kasunduan na nais ko, ibibigay ko lahat ng bagay na hinihiling mo ... kapangyarihan, impluwenya at proteksyon." Ani ng lalaki na kinatigil ng batang lalaki na ngayon ay nakatingin sa reflection nilang nasa tubig.
Hindi makita ang mukha ng lalaki na nasa likod pero kitang-kita ng batang lalaki ang ngisi nito na kinayuko bahagya ng bata.
"Ano bang gusto mo mangyari?" Bulong ng bata.
"Kailangan mo pumirma ng kasunduan sa age of 10 at magpapakasal ka sakin pagdating mo ng 21." Sagot ng lalaki na kinasimangot ng batang si Casspian bago nilingon ang lalaki.
"I'm 5 years old pa lang, why me?" Tanong ni Casspian matapos punasan ang pisngi.
"Is that yes? At nagtanong kana." Bored na tanong ng lalaki.
"I don't even know you, pano ako mag yeyes?" Nakakunot ang noong tanong ni Casspian bago tumayo at harapin ang lalaki.
Napataas ang gilid ng labi ng binata ng lumakas ang hangin at mahawi ang buhok ng batang lalaki na nagtatakip sa mata ng batang Acosta na ngayon ay nakatingala at nakatingin sa kanya.
"Makikilala mo lang ako pag nag 21 kana." Nakangising sambit ng lalaki bago tumalikod at humakbang palayo.
"Babalik ulit ako para makuha ang sagot mo." Ani ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Devil
General Fiction●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Prologue "You'll a fucking devil Acosta hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa buhay ko ha?!" Bulyaw ng binata habang nasa loob sila ng i...