Cross Acosta's POV;
"Saan niyo ba ako dadalhin!" Nangagalaiting sigaw ko matapos ako ipasok ni Elliot sa kotse at pagitnaan ako ng dalawa."Pupunta tayo ngayon sa mga Freya." Sagot ni Cohen na kinamura ko matapos niyang iistart ang kotse.
"Don't tell me isusurrender niyo ako sa mga putanginang yun para mamatay!" Singhal ko kay Cohen.
"Now I know nakakatanga talaga ang pagmamahal." Out of the blue na sambit ni Percy na nasa passenger seat.
"What do you mean by that." May diin na sambit ko.
"See, nevermind." Tatawa tawang sagot ni Percy magsasalita ako ng---.
"Pagdating sa mansyon papasok kami, nasa sayo na yun kung papasok ka o hindi." Ani ni Cohen na kinadilim ng anyo ko.
"Bakit ba hindi niyo ako maintindihan? Hindi---."
"Hindi lang kasi namin matanggap na ganun mo kadaling isinuko si Arkhon Cross, halos ikamatay na ng tao yung mga time na kailangan mo ng tulong ... yung sapilitan ka ding kinuha ng grupo ni Janus at nasa ilalim ka ng impluwensya ng drugs." Putol ni Percy na kinakuyom ng kamao ko.
"Wag mo ako sumbatan Percy dahil lahat na ng bagay ginawa ko para maibalik sakin si Arkhon, hinayaan ko siyang pumili kahit sa huli alam kong pagsisihan ko." Nanggagalaiting sambit ko na kinatingin ni Percy sa rare view mirror.
"Hindi ko iniexpect na ganyan kahina ang tinuring na leader ng grupo."
"Anong sabi mo?!" Susugurin ko si Percy ng sabay akong iniupo ng kambal na Sikat.
"Wag mong masamain ang sinasabi namin Cross kasi lahat naman yun totoo, hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon?" Ani ni Rise na kinatahimik ko.
"Mas matanda ka samin, hindi ka namin naiintindihan lalo na sa sitwasyon niyo ni Arkhon."
"Pero Cross kaya mo bang makitang mapunta sa iba si Arkhon na alam mo kung gaano ka kamahal nung tao? Gagawin mo siyang miserable dahil lang naging duwag ka now tell me, hindi ka ba nun naging unfair kay Arkhon?"
Ani ni Cohen na kinatahimik ko ng ilang minuto hanggang sa huminto kami sa madilim na bahagi ng lugar.
"Malapit na dito ang mansyon at balak namin kaladkarin pabalik si Arkhon." Ani ni Cohen bago lumabas kasunod si Percy.
Binuksan na din nina Rise at Elliot ang pinto sa magkabilang bahagi ng kotse.
"Ikaw na bahala Cross kung susunod ka samin o hindi." Ani ni Elliot mula sa labas at ilagay ang small knife sa upuan bago umalis.
3rd Person's POV;
"Wag kayong papatay." Bilin ni Cohen matapos nilang talunin ang gate at makitang magpaikot ng patalim sa kamay ang kambal na Sikat."Nah, I can't promise." Sagot ni Elliot na kinatingin nina Percy.
"El." Ani ni Chase na kinagusot ng mukha ni Elliot matapos umiwas ng tingin.
"Whatever." Bulong ni Elliot bago naunang maglakad na kinakibit balikat ni Rise.
"Sino kayo?!"
Nagkanya-kanyang takbo ang redtape ng paputukan sila ng mga tauhan ng mga Freya.
Habang nagkakaputukan sa mansyon ng mga Freya tahimik na tinanggal ni Cross ang tali sa katawan at paa.
'Pero Cross kaya mo bang makitang mapunta sa iba si Arkhon na alam mo kung gaano ka kamahal nung tao? Gagawin mong miserable si Arkhon dahil lang naging duwag ka now tell me, hindi ka ba nun naging unfair kay Arkhon?'
"Ano bang alam nila sa nararamdaman ko?" Bulong ni Cross hanggang sa maalala ang mga pangako nitong binitawan kay Arkhon na ititigil na ito at hindi na guguluhin.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Devil
General Fiction●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Prologue "You'll a fucking devil Acosta hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa buhay ko ha?!" Bulyaw ng binata habang nasa loob sila ng i...