Chapter 49
3rd Person's POV;
"Kamusta siya Cherry?" Tanong ni Aila sa ginang na nagchecheck sa kalagayan ng anak."Hindi ko masasabing okay lang siya dahil sa kalagayan niya pero sigurado akong dahil sa sobrang pag-iisip at walang maayos na tulog kaya siya nawalan ng malay." Ani ng ginang.
"Ano ba kasing ginagawa ni Arkhon makikisabay pa ba siya kay Cross." Naiinis na sambit ni Chase.
Kasalukuyang kausap ni Cherry ang redtape at si Aila nang hindi nila napansin ang batang lalaki na nakatayo sa pinto.
"Casspian." Ani ni Lucas ng makita ang bata sa pinto na agad tumakbo paalis.
"Yo Lucas." Ani ni Iggy ng makita nila ang binata na pinto at nakatingin sa kabilang bahagi ng hallway.
"Nakita niyo ba si Casspian?" Ani ni Lucas bago tiningnan ang mga kaibigan sa loob.
"Hindi niyo ba kasama ni Bright?" Tanong ni Iggy.
--
Habang nakasiksik sa pinakasulok ng rooftop tahimik na humihikbi ang batang si Casspian.Iyak lang ito ng iyak hanggang sa bumukas ang pintuan ng rooftop at may dalawang pares na sapatos ang huminto sa harap niya.
"Andito ka lang pala."
Napaangat ng tingin si Casspian ng may lumuhod sa harapan niya at ngumiti.
"*sob*Hzeck." Umiiyak na sambit ni Casspian ng hawakan siya ng lalaki sa pisngi.
"Nag-alala ako sayo." Ani ni Hzeck matapos siya yakapin ni Casspian.
"Sina daddy at papa natatakot ako Hzeck ayokong iwan nila ako." Umiiyak na sambit ni Casspian.
"Hindi mangyayari yun hindi naman malala ang lagay ng papa at daddy mo, nagpapahinga lang sila." Ani ni Hzeck bago binuhat si Casspian pa bridal style at siniksik sa dibdib niya.
"Magpahinga kana din, alam ko this past few days hindi ka nakakatulog." Bulong ni Hzeck sa batang lalaki.
Binuksan ng binata ang pinto ng rooftop bago bumaba at sa pangalawang palapag napatigil siya ng may lalaki dun na nakatayo.
Nakapamulsahan itong nakatingin sakanila lalo na sa batang buhat niya.
"Kukuhanin mo na ba siya?" Tanong ni Hzeck na kinataas ng gilid ng labi ng binata bago sinuot ang itim nitong hood at umalis.
Palihim na nag-gitgit ang binata lalo na ng makita niya ang paraan ng pagtingin nito sakanya nang makita ang pagbuhat niya sa batang lalaki.
--
"A-Alica."Nabitawan ni Aila ang hawak na paper bag ng makita ang anak sa dulo ng hallway na dadaanan niya papunta sa kwarto ni Cross.
"Mom." Ani ni Alica ng makita ang ginang hanggang sa---.
"Bumalik ka Alica." Mangiyak ngiyak na sambit ni Aila matapos yakapin ng mahigpit ang anak.
"Mom wag nanaman tayo mag-iyakan dito kararating ko lang." Pumipiyok na sambit ni Alica ng makita ang pag-iyak ng ina.
"Saan ka ba nagpupuntang bata ka?! Alam mo ba halos ikutin na ng daddy mo ang buong mundo para mahanap ka." Mangiyak ngiyak na sambit ng ginang habang hinahaplos ang pisngi ng anak.
"Mom diba sinabi ko na babalik ako?" Ani ni Alica bago lingunin si Creed na nakapamulsahang natingin sakanila.
"Anak pamilya tayo bakit kailangan mo pa umalis." Ani ng ginang na kinangiti ng dalaga.
"Para po hanapin ang sarili ko mom at hindi ko magagawa yun kung andito ako." Ani ni Alica bago bumuga ng hangin at niyakap ang ina.
"Pero ngayon andito na po ako hindi na ulit ako aalis magkakasama na tayo." Dagdag ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Devil
General Fiction●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Prologue "You'll a fucking devil Acosta hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa buhay ko ha?!" Bulyaw ng binata habang nasa loob sila ng i...