Chapter 29

1K 45 0
                                    

3rd Person's POV;
Hating gabi na pero hindi pa din nakakatulog si Cross kaya napagpasyahan nitong lumabas ng kwarto para bumili ng maiinom.

Naglakad palabas sa studio si Cross hanggang sa makarating siya sa lobby ng studio at makitang sobrang lakas ang ulan sa labas.

"Ang malas." Bulong ni Cross at babalik ito nang masalubong niya si Arkhon na napatingin din sa kanya.

"Maaga pa ang taping bukas bakit gising ka pa?" Tanong ni Arkhon ng makita si Cross na naglalakad palapit sa kanya.

"Hindi ako makatulog, may beer ba sa kwarto mo inuman tayo." Yaya ni Cross na kinangiwi ni Arkhon.

"A-Ano hindi pwe---."

"Hindi ako tumatanggap ng 'no'." maangas na putol ni Cross na kinapokerface nang binata.

"No monkey business Cross." Ani ni Arkhon na kinataas nang gilid ng labi ng binata.

"Kanino mo ba sinasabi yan? Sakin o sa sarili mo?"

"Acosta." May diing sambit ni Arkhon na kinailing ni Cross bago nakapamulsahang tumalikod.

"Turo mo na sakin ang room mo." Bored na sagot ni Cross.
---
"Uubusin mo ba ang mga beer ko sa ref? Hindi ka pa lasing?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arkhon habang nakaupo sa carpet at sa harap niya si Cross na pinalilibutan ng bote ng alak.

"Mataas ang tolerance ko sa alak kaya don't worry." Sagot ni Cross, lalaklakin nito ang boteng hawak nang pigilan siya ni Arkhon.

"Tama na, pampaantok lang hanap mo diba ... nagpapakalasing kana." Ani ni Arkhon na kinapokerface ni Cross bago agawin ang kamay niya sa binata at patuloy na inumin yun.

"Anong relasyon niyo ni Lucas?" Tanong ni Arkhon na kinaubo ni Cross.

"S-Sinasabi mo *cough.*

"Lagi kayong magkasama diba? Kagabi nakita ko siya lumabas ng room mo." May inis na sambit ni Arkhon na kinatingin ni Cross habang hawak ang bibig.

"And? Kung ano mang meron samin ni Lucas wala kana dun." Sagot ni Cross na kinakunot noo ni Arkhon.

"Ganun na lang yun? Ano ba ako para sayo Cross? Fuckbuddy? Enemy with benefit---."

"Sa ating dalawa ako lang umiinom dito? Bakit mukhang mas may tama ka pa sakin." Putol ni Cross bago tumayo hawak ang bote at aalis ito ng hawakan siya ni Arkhon sa braso na kinatigil ni Cross.

"Sagutin mo ako Cross." May diin na sambit ni Arkhon na kinapokerface ni Cross bago tiningnan ang binata.

"Asawa kita at kasal tayo, ano bang gusto mo  mangyari?"

"Teka nga bakit parang bumaliktad? As far as I know ikaw ang deny ng deny sakin tapos itatanong mo kung ano ka para sakin?" Kunot noong sambit ni Cross matapos duruin sa dibdib si Arkhon.

"Ikaw ang paulit-ulit nagsasabi na hindi mo ako kilala at ikaw ang galit diba? Dahil sinusulsulan ka ng mga putangina mong pamilya."

"Wag na wag mong mumurahin ang pamilya ko Cross." Nagdidilim ang mukhang sambit ni Arkhon matapos hilahin ang panga ni Cross at hawakan ng madiin.

Nanatiling nakatingin si Cross hanggang sa mabitawan ito ni Arkhon nang narealize na sobrang higpit ng pagkakahawak niya at hahawakan ni Arkhon ang pisngi ng binata nang tabigin yun ni Cross.

"Cross." Tawag ni Arkhon ng walang imik na lumabas si Cross dala ang bote ng beer.

"Fuck it!" Mura ni Arkhon matapos sipain ang mga bote na nagkalat.

Hanggang sa---.

"Arghh!" Daing ni Arkhon habang sapo ang ulo at mapaluhod ng makaramdam nanamam siya ng sakit.

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon