Chapter 44
3rd Person's POV;
"Cut!"Ani ng director matapos ilapit ni Cross ang mukha kay Tyra para sa pagtatapos ng scene na yun.
"Good job everyone, binabati ko kayong lahat." Ani ng director na kinahinga ng maluwang ng ilang staff at artist sa set na yun.
"Nasaan kaya si Arkhon sabi niya pupunta siya ngayon." Bulong ni Bright matapos niyang abutan si Cross ng tubig.
"Nag-aalala na din ako dahil andio si Tobi pero si Arkhon wala." Ani ni Cross matapos makita si Tobi na hindi mapakali habang hawak ang phone at kinokontak ang alaga.
"Cross." Napatingin ang binata ng lumapit sakanya ang babae na kapartner niya sa project.
Cross Acosta's POV;
"May kailangan ka ba?" Tanong ko ng pumasok kami sa isang restaurant matapos ang taping namin sa araw na ito."Kumain muna tayo." Nakangiting sambit ni Tyra nang makaupo kami at may lumapit na waiter.
Dahil sa wala ako sa mood st may mga taong kumukuha samin ng litrato hindi na lang ako nagsalita.
"Gusto ko lang sabihin na nung highschool pa lang tayo tagahanga mo na ako, siguro hindi mo na naalala pero ako yung highschool student na nagbigay sayo ng chocolate at tinanggap mo." Nakangiting sambit ni Tyra.
'Yung babae?'
Biglang nagpop sakin yung scene nang nerd na nagbigay sakin ng chocolate.
"Great ibang iba kana ngayon." Casual na sambit ko dahil ayokong maoffend siya sa mga sasabihin ko lalo na at isa siya sa mga bigating cast ng company, kahit medyo naiirita ako sa pagbibigay niya ng motibo sakin.
"Oo nga at dahil yun sayo." Ani ni Tyra na kinatingin ko.
"Binago ko ang sarili ko para sundan ka hanggang dito o balang araw makasama ka sa isang set nakakatuwa kasi dream come true andito kana at kaharap kita." Ani ni Tyra bago bahagyang ngumiti at tingnan ako.
Mukhang alam ko na kung saan ito pupunta kaya bumuga ako ng hangin at magsasalita ako ng---.
"Alam ko din ang relasyon niyo ng isa sa main lead pero wag kang mag-alala wala naman ako balak makigulo." Ani ni Tyra bago maglabas ng isang box at binuksan yun.
"Gumawa ulit ako ng chocolate don't worry wala yang peanuts." Ani ni Tyra pero dahil mukhang paiyak na si Tyra kumuha ako ng isa at kinain.
"Masarap ba?" Tanong ni Tyra hindi ako sumagot at binigyan lang siya ng konting ngiti.
Ayoko talaga sa sweets.
*riiing*
Napatingin ako sa phone ko ng magring yun.
'Roqas Calling...'
Nang mabasa ko ang call name nagexcuse ako sandali kay Tyra at lumabas ng restaurant para sagutin ang tawag.
["Where the fuck are you Acosta tapos na ang taping at pupunta pa tayo ngayon kina Tita Trinity na siguradong ikaw ang unang hahanapin.]
Mahabang litanya ni Bright sa kabilang linya.
"Papunta na ako kinausap ko lang si Tyra may konti lang nili---."
Naputol ang sasabihin ko at napahawak sa hood ng kotse nang makaramdam ako ng hilo at antok.
["Cross anong nangyari sino kasama mo? Si Tyra?"] Ulit ni Bright.
"N-Nahihilo ako." Bulong ko matapos ko mabitawan ang phone ko ng makaramdam ako ng panghihina.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Devil
General Fiction●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Prologue "You'll a fucking devil Acosta hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa buhay ko ha?!" Bulyaw ng binata habang nasa loob sila ng i...