41

946 33 1
                                    


Chapter 41
3rd Person's POV;
"Ang gwapong bata."

"Mukhang anak mayaman."

"May lahi."

"Hihi Crush ko na yata siya ate."

"Myka manahimik ka nga ang bata-bata mo pa ang harot mo na."

"Ihh ate naman tingnan mo kasi ang pogi-pogi."

Kanya- kanyang komento ng mga taong nasa paligid ng kama kung saan natutulog ang batang nasa sampung taon na gulang na bata at puro galos.

"Jusmiyo por santo lumayo kayo sa bata nakikita niyo ng pinapawisan." Ani ng ginang matapos lapitan ang kama at punasan ang mukha ng batang lalaki.

"Inay saan niyo ba napulot ang batang yan? Naiintindihan po namin na gusto niyo ng anak na lalaki pero hindi kayo pwede mangidnap ng bat--- aww! Inay!" Reklamo ng dalagita matapos hampasin siya ng ginang nang pamaypay.

"Hindi pa ako loka-loka para mangidnap ng bata." Ani ng ginang bago pinaypayan ang batang lalaki na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.

"Gina dapat hindi natin iniuwi yan dito sa bahay, mamaya anak pala yan ng rebelde nadamay pa tayo." Ani ng lalaki na nakaupo sa upuang kahoy at nakatingin sa batang lalaki.

"Ato nakikita mo ba kung gaano kapogi ang batang ito? Mukha siyang anghel tapos anak ng rebelde?" Ani ng ginang.

"Oo nga itay pano magiging anak ng rebelde ang batang yan mukhang mayaman."

"Inaalala ko kasi yung mga patay na nakita natin hindi kalayuan sa bata, mga dayo lang sila baka---."

"Ato ayan ka nanaman eh kapapanood mo yan ng mga patayan sa t.v, pag nagising ang batang ito siya ang tanungin natin baka kasi mamaya kaso yun ng kidnapping at biktima ang batang ito kawawa naman."

"Ano kaya pangalan niya?"

---
Halos mabato si Arkhon sa kinatatayuan ng pagpasok niya sa opisina ng ama lumingon sakanya ang kamukha ng lalaking ilang araw niya na nais makita.

"Kuya Caster." Salubong nina Archie at Iver na pumasok sa loob at sinalubong ng yakap ang estranghero.

"Nabalitaan ko ang nangyari Iver ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaki matapos akbayan ang kapatid at tingnan si Arkhon.

"Arkhon anak pasok ka." Ani ni Sandara na nakatayo sa gilid ng ama na ngayon ay nakatingin sakanya.

"Familiar ang mukha niya ... sino ka?" May angas na tanong ni Arkhon matapos makabawi at naglakad palapit sa lamesa.

"Kapatid mo din siya Arkhon, he's name is Caster Fre---."

"Caster." Putol ng lalaki sa ama.

"Stop adding that's fucking last name, Allen." Giit ng lalaki na bigla na lang nagbago ang expression.

"Caster, your word." Diin ng ina sasagot ang binata ng---.

"Kuya tama na, look kararating mo lang wag mo ng sirain ang momentumn dapat tayo magcelebrate diba?" Sabat ni Archie matapos tingnan si Arkhon na nakatingin pa din sa lalaki.

His's POV;
Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang pagkakaiba nila kahit magkamukha sila. Pero ang tanong bakit kamukha ng Caster na ito si Cross kung isa siyang Freya?

Kuhang kuha niya ang mukha ni Cross pero ang habit nito sa fashion, height, at build ng katawan magkaiba. Hindi mapagkakailang mas nakuha niya ang pagiging Acosta kaysa Freya pero pano?

Hindi ako naniniwalang isa siyang Freya dahil aaminin ko may dugo akong Freya at hindi mapagkakailang mas nakuha ko ang physical features ko kay Allen Freya kahit sa mga Asuncion ako lumaki.

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon