35

1K 37 0
                                    


Chapter 35
3rd Person's POV;
"Sina Cohen?" Ulit ni Cross matapos makausap ang tinuturing nito na pangalawang ama na si Alcide.

"Yeah sumunod sila kay Cadmus matapos namin matanggap ang email ni Bryle tungkol kay Caster na ilang taong nilalaban ang kaso ni Adele."

"Anong meron sa Caster na yun at kailangan pang lumabas ni daddy ng bansa?" Nakakunot ang noong tanong ni Cross dahil nagtataka ito sa biglang pag alis ng ama.

"Sumunod si Caster kay Arkhon biological son ng dating guardian ni Cadmus pero---.

"Hindi siya anak ni Allen."

Napatingin si Cross at Alcide nang nakitang naglalakad palapit sakanila si Venedict na may dalang envelop.

"Akala ko apat lang ang succesor ng mga Freya." Ani ni Cross.

"Yun din ang akala namin Cross dahil honestly hindi din namin alam na may anak si Sandara." Sagot ni Venedict.

"Bakit ngayon lang ito nilabas at anong connect ng identity ng taong yun sa mga Acosta at kinailangan pa ni daddy umalis." Nakakunot ang noong tanong ni Cross.

"Naghinala si Bryle sa identity ni Caster lalo na na't hindi sumusuko sa pag apila sa kaso ng kapatid na ilang taon niya din pinaglalaban." Sagot ni Venedict.

"Naghire ng private invesitigator ang mga Zaffiro at nagtaka sila dahil walang pagkakakilanlan si Caster parang ikaw kaya mas lalong naghinala ang mga Zaffiro inabot din ng ilang taon ang pag iinvistigate nila at dun nalaman nina Trinity na anak ni Sandara si Caster pero hindi si Allen ang ama." Dagdag ni Venedict.

"Nalaman din namin na 14 years old pa lang si Caster tinalikuran na nito ang mga Freya at bumalik lang ng malaman ang nangyari kay Adele." Ani ni Alcide.

"At dun naman sa pangalawa mong tanong ... posibleng isa si Caster sa nawawalang succesor ng mga Acosta."

"Iniisip niyo bang anak ni daddy si Caster?" Nakunot ang noo na tanong ni Cross.

---
Matapos magising ni Arkhon napatigil ang binata at napabangon bago bahagyang tiningnan ang sarili.

"Arkhon."

Napatingin ang lalaki ng pagbukas nang pinto niluwa nun si Cross na nag-aalalang nakatingin sakanya.

"Diba sabi mo kahapon nawawala ang ala-ala ko pag natutulog ako?" Ani ni Arkhon.

"Naalala ko ang lahat kahapon at wala akong nakalimutan." Ani ni Arkhon na kinabuga ng hangin ni Cross.

"That's good then." Ani ni Cross bago binaba ang hawak na tray sa kama.

"Pagpatuloy mo lang ang pag inom ng gamot na binibigay ni Tita Cherry." Ani ni Cross.

Hindi umimik si Arkhon at tahimik na kinain ang mga dalang pagkain ni Cross.

"Papa! Daddy."

Napatingin ang dalawang binata na tumatakbong lumapit sakanila ang anak dala ang may kalakihan na box.

"What is it Cass?" Tanong ni Cross ng makita ang dalang box ni Casspian.

"Kanina po kasi may lalaking lumapit sakin at binigay ito para daw po ito sayo." Ani ni Casspian hanggang sa mapatingin si Cross sa ibabang bahagi ng kahon at---.

"Casspian bitawan mo yan!" Sigaw ni Cross matapos tabigin ang kahon at iikot ang anak para takpan ang mata.

"Fuck!"

Mura ni Arkhon at napatayo ng bumagsak ang kahon at mahulog ang laman nun.

"Hzeck!"

"Tito Venedict!"

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon