Chapter 7

128 8 8
                                    

~Soobin's P.O.V~

Pagkatapos kong basahin ang isang book tungkol sa aquaphobia, napansin kong ako nalang mag-isa sa dining room. Wala namang problema sa'kin yun. Paalis na sana ako nang dumating si Jisu. Yung ngiti niyang hindi ko maiwasan. Ito yung dahilan kung bakit nag-kacrush ako sa kaniya. Sa bestfriend ko. Kilalang-kilala niya 'ko. Same goes to me. Pero dahil sa mahiyain kong personalidad, hindi ko magawang mag-confess sa kaniya.

"Kumain kana Bin?" -Lia

"Oo, heto, may natirang bread."

"Puro nalang bread. Wala na bang ibang pagkain?" -Lia

"Ayaw mo na ba ng bread?"

"Hindi naman, parang gusto ko kasi ng ice cream." -Lia

"Edi bili tayo sa labas. May ipon naman ako ngayon."

"Uyy huwag na, nakakahiya." -Lia

"Anong nakakahiya? Binili mo'ko ng bread noon kaya bibilhan kita ng ice cream ngayon."

"Sure kang hindi mauubos ipon mo?" -Lia

"Oo sige, tara. Anong flavor gusto mo?"

"Tingnan ko muna kung anong meron sa labas." -Lia

Lumabas kami ni Jisu at hinanap ang nagtitinda ng ice cream. Pagkatapos naming bumili, umupo muna kami sa isang upuan sa may store at dun namin kinain ang ice cream namin. Si Jisu lang ang nakakakita sa mga ngiti at dimples ko. Siya lang ang nakakarinig sa mga tawa ko. Wala ng iba.

~Hueningkai's P.O.V~

Nasa school ako ngayon dito sa Korea. Simulang iwan ako ng pamilya ko, feeling ko, nag-iisa ako. Napakacold ko sa ibang tao. Except kay Soobin hyung. Sa kaniya ko lang pinapakita ang mga aegyo ko. Nagiging close ako ng konti kina Chaeryeong noona, Taehyun at Yuna. Pero feeling ko pa rin na lonely ako.

Pinanganak at lumaki ako sa Hawaii. Pero kaya ko ring magsalita ng ibang language at hindi puro english. Being a foreign student dito sa Korea, marami ang ayaw sa'kin dahil sa pagiging half American ko. And I'm used to it. Naglalakad ako ngayon sa hallway, hinahanap ang music room ng school. Ang tagal ko ng hindi nag-papiano at namiss ko yun.

'San ba yung music room nila dito?'

"Excuse me po sir, alam niyo po kung san yung music room ng school?"

"Ahh oo, diretso ka lang diyan sa hallway tapos sa left side, may nakasulat sa pinto na music room." -Teacher

"Ahh thank you po."

Hindi ko kayang maging cold sa mga teacher dahil kailangan silang respetuhin. Buti nalang at mabait ang nakausap ko. Sinunod ko ang sinabi niya at nakarating ako sa music room. Nakita ko ang napakagandang piano sa harapan ko. I started playing it and got lost in my own world.

Napansin ko na matagal na pala ako sa loob ng music room at hinahanap na'ko ni halmeoni niyan. Kaya bumalik ako sa classroom at kinuha ang backpack ko.

~Taehyun's P.O.V~

Kasalukuyan kong ginagawa ang mga assignments ko. Nahihirapan ako kahit na iniisip ng iba na matalino ako. Tapos na'kong turuan ni Jisu noona kaya ako nalang mag-isa ang sumasagot nito. Humingi na rin ako ng tulong sa iba pero di rin nila maintindihan. Habang inaayos ko ang mga notebook ko, nakita ko si Chaeryeong noona. She's secretly a nerd at baka matulungan niya 'ko sa mga assignments ko.

"Chaeryeong noona!"

"Yes Taehyun?" -Chaeryeong

"Pwedeng patulong sa english? 'Di ko kasi masagot..."

"Sure!" -Chaeryeong

Pinakanahihirapan ako sa english. Ok naman ako sa math kaya natapos ko na yun. Umupo sa tabi ko si Chaeryeong noona habang tinuturuan niya 'ko ng english. Sabi na nga ba at matalino siya eh. Ang galing niyang mag-english. Napapa-wow ako kapag may sinasabi siyang english word. Hindi rin ako maka-focus sa sinasabi niya dahil tinitingnan ko lang siya. Ang ganda niya talaga.

"... Kaya ginagamit natin ang 'under' kapag nasa ilalim ang isang bagay." -Chaeryeong

"..."

"Tae, ok ka lang?" -Chaeryeong

"A-ahh... Opo."

"Huwag ka namang masyadong formal. One year lang ang gap natin haha." -Chaeryeong

"S-sige po... I-I mean, sige."

"Oh 'yan, nagets mo na yung assignment mo?" -Chaeryeong

"Konti..."

*Sigh*"Uulitin ko ba?" -Chaeryeong

*Nod*

"Sige." -Chaeryeong

Habang ine-explain ni Chaeryeong noona ang instructions, nakauwi na si Kai. Tinawag siya ni noona since marunong rin siyang mag-english. Half American eh.

"Kai! Sama ka dito!" -Chaeryeong

"Sumama ka na Kai." -Grandma Jihyun

*Nod* -Hueningkai

Lumapit sa'min si Kai at sabay na kaming natuto sa aming teacher na si Chaeryeong noona. Bago niya cinontinue yung explanation, may sinabi siya na nakalungkot sa'kin.

"Ayos! Parang may dalawa akong batang kapatid!" *chuckle* -Chaeryeong

'Kapatid lang ako noona?'

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon