Chapter 44

101 6 0
                                    

~Third Person's P.O.V~

"And the winner, of the Summer Dance Contest is... Itzy!" -Host

Nagpalakpakan ang lahat nang i-announce ang winner ng dance contest. Never inexpect ng lima na mananalo sila. Basta makapagperform lang sila sa harap ni grandma Jihyun ay ok na. But things became better nang manalo sila sa contest. After makuha ang award, bumaba na ang lima sa stage at pinuntahan ang mga kasama nila.

"Ang galing ninyo mga apo!" -Grandma Jihyun

"Thank you po halmeoni! Para po sa inyo ang award." -Yuna

"Thank you Yuna but keep it. You did your best." -Grandma Jihyun

"Talaga po??" -Yuna

*Nod* -Grandma Jihyun

"Yey! Ryujin unnie! Taehyun oppa! Kai oppa! My trophy na'ko!!!" -Yuna

*Chuckle* -Everyone

Bumalik na sa table ang sampu kasama si grandma Jihyun. Ang ilan na nanood kanina ay cinongrats ang lima nung makasalubong nila sila. Masaya sila ngayon after magperform sa harap ng maraming tao.

"Grabe! Kinabahan ako dun!" -Lia

"'Di man halata. Tsaka magaling ka ngang sumayaw eh Jisu." -Soobin

"Thanks Bin." -Lia

"Ang galing mo Ryu! Sabi ko na nga ba at mananalo kayo eh!" -Beomgyu

"Wala kang sinabi." -Ryujin

"Sinabi ko sa utak ko." -Beomgyu

"Hahaha!" -Everyone

Hueningkai and Yuna are actually looking at the award. 'Di sila makamove-on na nanalo sila kanina. Kahit na hindi nagperform si Hueningkai, feeling niya, siya ang nanalo sa award at ganun siya kasaya. Pero syempre, tinatago niya ang ganitong excitement. Pagkatapos ay nagswimming ulit ang ilan. Magkakasama ngayon sina Taehyun, Hueningkai at Yuna. Naiwan ulit sina Chaeryeong, Soobin at grandma Jihyun. Takot pa rin si Soobin sa tubig. Beomgyu and Lia tried to help him again just like before, pero ayaw pa rin ng lalaki.

"Sige na Soobin! Ang laki-laki mo na! Ikaw nga pinakamatangkad, takot ka pa rin sa tubig??" -Lia

"Oo nga! Are you a coward?" -Beomgyu

"'Di ako coward! Basta! Ayoko sa tubiiig!" -Soobin

*Sigh*"Iwan nalang natin." -Lia

"Bahala ka dyan." -Beomgyu

Naglibot nalang si Lia habang pinuntahan ni Beomgyu si Ryujin na naglalakad sa sand. Si Yeonjun naman ay nakatingin lang kay Yeji sa malayo habang gumagawa ng sandcastle ang dalaga. Hindi siya makapaniwalang kayang i-pull off ni Yeji ang facial expressions na pinakita niya kanina. It was new to him and he thinks he's falling in-love. Problem is, di pa rin siya makamove-on kay Ryujin.

"Anong binabasa mo Chaeryeong?" -Soobin

"Sci-fi story." -Chaeryeong

"Ohh..." -Soobin

"Gusto mong magbasa? Meron rin akong mga love stories dito sa bag ko." -Chaeryeong

"Wow, mahilig ka palang magbasa?" -Soobin

*Nod* -Chaeryeong

"Sige, hiram ako ng isang book. Share tayo sa earphone?" -Soobin

"Sige." -Chaeryeong

May kaniya-kaniyang ginagawa ang bawat isa sa kanila. Gumagawa na ngayon ng sandcastle ang tatlong magkakabarkada. Nagmomoment ulit sina Beomgyu at Ryujin. Yeonjun and Yeji are taking a swim. Nakabalik na si Lia sa pwesto nila kasama sina Chaeryeong at Soobin na nagbabasa ng libro at nakikinig ng music. Nagkukwento naman siya ngayon sa kaniyang grandma Jihyun.

"Kailan po namin babasahin yung letters halmeoni?" -Lia

"Mamayang gabi. May pacamp fire daw sabi ni Yeonjun." -Grandma Jihyun

'Camp fire? Mamayang gabi?? When did Yeonjun oppa had the money to stay here until night??' -Lia

Ilang oras ang lumipas at nagsiswimming pa rin ang iba. They're just enjoying their time right now na nasa beach sila. Pero syempre, di nila kinakalimutan ang kanilang grandma Jihyun. They would sometimes go back to their table and talk to her. After ng moment ng mga girls sa kanilang performance, it's time for the boys to have fun.

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon