Chapter 24

106 8 5
                                    

~Yuna's P.O.V~

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay ay pumunta sa room si Kai oppa habang dumiretso naman si Chaeryeong unnie sa kitchen. Umupo nalang ako sa sofa at naghintay ng gagawin. Kadalasan, ang routine na sinusundan ko ay maglilinis ng bahay, kakain at mag-aaral. Pero dahil wala akong homework, hinihintay kong utusan ako ni halmeoni. Kaya nilalaro ko nalang ang mga daliri at buhok ko, which is what I do kapag wala akong ginagawa as a person with autism.

"Magdidilig po kayo halmeoni?"

"Ahh oo, gusto mong samahan mga unnie mo?" -Grandma Jihyun

"Sige po!"

Kinuha ko ang sprinkler sa likod ng bahay at pinuntahan sina Lia at Chaeryeong unnie sa may labas. Napansin kong nag-uusap sila at na malungkot pa rin si Chaeryeong unnie.

"San po ako magdidilig?"

"Dyan sa side." -Lia

Pumunta ako sa tabi ni Lia unnie at nagsimulang magdilig. Nakikinig ako sa usapan nila at tungkol ito sa nangyari kanina. Nalulungkot pa rin ako para sa'ming magkakaibigan.

"Anong sinabi ni Kai?" -Lia

"Wala, hayaan mo na unnie." *smiling* Chaeryeong

Kapag nakatingin sa'min si Chaeryeong unnie, palagi siyang nakasmile. Pero kapag tumalikod na siya, nakikita kong malungkot ulit ang mukha niya. Parang di talaga siya masaya.

"Unnie, ba't di mo binalikan si Taehyun oppa?"

"A-ahh..." -Chaeryeong

"Chae?" -Lia

"Nag-stay ako sa ibang bansa... Yeah, yun yung dahilan hehe..." -Chaeryeong

"Saang bansa?" -Lia

"S-sa..." -Chaeryeong

Palaging nagsu-stutter si unnie. Nagsisinungaling ba siya? Parang ganun eh... Pero hinayaan ko nalang siya at hinintay na makasagot.

"Sa L.A! Dun..." -Chaeryeong

"L.A?? Nagbakasyon ako dati dun! Sayang di kita nakita..." -Lia

"O-ok lang yun unnie. Palipat-lipat rin naman kasi kami eh." -Chaeryeong

Tinapos na namin ang pagdidilig at pumasok sa loob. Wala ulit akong magawa kaya nilalaro ko ang mahaba kong buhok. Hindi pa rin lumalabas ng room si Kai oppa. Baka nakatulog na siya. Nakita kong may kausap sa telephone si halmeoni at sinabing pauwi na si Yeonjun oppa. Ugh! Ayoko siyang makita. Kaya umakyat na'ko papunta sa room. Pero bago ako pumasok, sumilip ako sandali sa room ng mga boys.

'Ano kayang ginagawa ni Kai oppa sa laptop niya?'

"Oppa..."

Mabilis na sinara ni Kai oppa ang laptop niya na parang may tinatago siya. Ano kayang nasa screen? At bakit nanginginig katawan niya??

"Oppa anong ginagawa mo?"

"W-wala. Ba't ka pala nandito?" -Hueningkai

"Nakita lang kitang gumagamit ng laptop kaya sumilip ako."

"Yuna, respect other people's privacy. Knock first before entering ok?" *smiling* -Hueningkai

Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti ni oppa. Sa'min lang ni Taehyun at Soobin oppa siya ngumingiti, namiss ko talaga yun.

"Sige, sorry po."

Palabas na sana ako ng room ng pinigilan ako ni Kai oppa. Gulat na gulat ang mukha niya. May nakakatakot ba? Natakot tuloy ako kaya nanginginig na rin katawan ko.

"Y-Yuna, did you just... Say the word 'sorry'?" -Hueningkai

At dun ko narealize na for the first time, nasabi ko ang word na sorry. Pero paano nangyari yun? Kadalasan kasi, kapag mag-sosorry ako, di ko masabi. Kaya palaging galit sa'kin si Yeonjun oppa.

"Baka nasasabi mo lang yun when you're calm..." -Hueningkai

"Baka nga oppa, sige, matutulog na'ko sa kabilang room."

"Sure! Sleep well." -Hueningkai

Paglabas ko ng room ay narinig kong sumisigaw si Yeonjun oppa. Nakarating na pala siya, di ko napansin. *Sigh* Ayan nanaman tayo. Mag-aaway nanaman sila niyan eh. Kaya bumaba na'ko at baka may mangyari pang masama kay halmeoni. Talagang sumosobra na si Yeonjun oppa.

"Ano ba... Tama na..." -Grandma Jihyun

"Puro nalang ikaw! Ikaw na yung may-kaya!! Ikaw nalang yung mabait!!!" -Yeonjun

"Ano ba oppa??? Gusto ko lang naman makatulong!!" -Lia

"'Yan ang problema sa'yo eh! Pabida ka!!" -Yeonjun

"Oppa tama na..." -Chaeryeong

"Yah Yeonjun! Tumigil ka na!!"

"Aba nawala na respeto mo?? Walang hiya kang bata ka!!" -Yeonjun

Yeonjun oppa pushed me too hard at natamaan ako sa isang knife na hindi maayos ang pagkakalagay. Dumudugo ngayon braso ko at nagsimula na'kong umiyak. He's so mean...

*Crying*

*Slap*"How dare you!!!" -Lia

Bumaba na si Kai oppa at tinulungan ako. Dumudugo pa rin ang braso ko at nagsimula na'kong magpanic. Never ko pa nakita ang sarili ko na dinudugo ng ganito. At dahil sa sharp memory ko, maaalala ko 'to hanggang sa pagtanda ko.

"Yuna!... Hyung!! Ba't mo siya sinaktan???" -Hueningkai

"S-sorry Yuna..." -Yeonjun

"Bad ka! Bad ka!! Bad bad ka!!!" *crying*

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon