Chapter 19

106 5 0
                                    

~Lia's P.O.V~

Finally! Sa tagal ng panahon at pagtatrabaho ko sa Canada, nakabalik na rin ako dito sa Korea. Pero ang namimiss kong samahan naming magkakaibigan, ay nawala na pala. Yung mga ngiti at tawa namin noong bata pa kami, hindi ko na nakikita. Mas lalo na si Soobin, hindi niya 'ko masyadong kinakausap. Dahil wala akong trabaho dito, ako ang nag-aalaga kay halmeoni sa bahay.

"Oh Lia, ba't malungkot ka?" -Grandma Jihyun

"Wala po 'to halmeoni."

"Apo, alam ko 'yan. Ano bang iniisip mo?" -Grandma Jihyun

"Namiss ko lang po yung bonding namin dati..."

"Ako nga rin apo. Namiss ko yung takbuhan ninyo sa beach. Yung mga pasimple-simpleng jokes niyo..." *sigh* -Grandma Jihyun

"Gutom po ba kayo halmeoni? Gusto niyo pong kumain?"

"Hindi na, kakakain ko lang." *smiling* -Grandma Jihyun

Mga hapon na at nandito lang ako sa bahay. Sa Canada, siguradong nasa trabaho ako. Pareho kami ni Yeonjun oppa, di na nagcollege para makatulong sa pag-aaral ng mga friends namin. Hinihintay lang namin na dumating ang teacher ni Yuna dahil nabalitaan kong homeschooling siya.

"Yuna, nasan si Kai?"

"May pinuntahan lang unnie." -Yuna

"Ahh."

Wala akong magawa ngayon. Talagang nabobored ako. Ayaw rin ni halmeoni na tulungan ko siya sa anumang ginagawa niya ngayon. Naalala ko tuloy si Soobin, mag-bake kaya ako ng bread? Marunong naman ako.

"Lia, anong ginagawa mo?" -Grandma Jihyun

"Mag-bebake po ako ng bread para kay Soobin. Baka magkabati kami nito."

"Magandang idea 'yan." -Grandma Jihyun

Habang nag-bebake ako sa kitchen, nakita kong nakauwi na si Kai. Paano pala siya mag-aaral? 'Di daw niya tinapos high school niya. Mahirap para sa kaniya ang maghanap ng trabaho.

"San ka nagpunta?"

"May dinaanan lang. Para kay Soobin hyung?" -Hueningkai

*Nod*"Gusto mong tumulong?"

"Sige." -Hueningkai

Tinulungan ako ni Kai sa mga gamit at ingredients. Napansin kong walang expression ang mukha niya kagaya nina Yeji at Soobin. Bakit ba ganiyan sila?

"Ok ka lang Kai?"

*Nod* -Hueningkai

"Sure ka? Parang hindi eh."

"I-it's just..." *sigh* -Hueningkai

"Ok lang na sabihin mo sa'kin."

"N-noona, inabanduna nanaman ako ng pamilya ko." -Hueningkai

"Ha?? Bakit??"

"Palagi nalang akong pumapalpak. Muntik nang manakawan yung company namin dahil sa mga hackers." -Hueningkai

Kung ako si Soobin, makikita ko nalang siya na umiiyak sa sitwasyon niya. Pero dahil hindi ako si Soobin, hindi man nagawang umiyak ni Kai. He's still has an emotionless or cold face. Pero kahit na ganun ang pinakita niya, I still hugged him.

"Anong ginagawa mo noona?" -Hueningkai

"I'm hugging you. Baka kailangan mo. Basta Kai, if ever na may kailangan ka, just tell me, I'll help you."

"Ba't mo naman gagawin yun?" -Hueningkai

~Flashback~

"I'll be your father from now on." -Mr. Choi

~End of Flashback~

"I'll be your mother from now on. I'll give you the help you need."

"Thank you noona pero kaya ko na 'to. I'll do my best to help myself. I'll prove my parents wrong." -Hueningkai

Sa tono ng boses niya ay parang may intensyon siya na hindi ko matukoy. Parang hindi maganda or something. Pero hindi ako sure kaya ayoko muna siyang i-judge. Tinapos ko na ang pag-bebake at naglaro sina Kai at Yuna sa room. Kahit na naiirita pa rin siya ng konti, tinatry pa rin niyang makisama dahil sila ni Taehyun at ni Soobin lang siya mas close. Pagabi na at nakauwi na ang iba.

"Yeonjun oppa, baka nasa labas na si Yeji."

"Ahh sige." -Yeonjun

Nakita ko si Soobin at agad siyang tinawag. Excited akong ipakain sa kaniya ang bread na ginawa namin ni Kai. Sana naman at kainin na niya 'to.

"Bin!"

"Hmm?" -Soobin

"Try mo 'tong bread. Ginawa namin ni Kai."

Kinagat niya ang bread pero maliit lang. Parang tinitipid or parang pinilit ko lang siyang tikman ito.

"Ok lang." -Soobin

"Yun lang?"

*Nod*"May ice cream yata sa fridge, yun nalang kakainin ko." -Soobin

"P-pero..."

Binalik niya sa pinggan ang may kagat na bread at kinuha ang ice cream mula sa fridge. Hindi naman siya kumakain ng ice cream, except lang kapag kakain ako. Nagtatampo ba siya sa'kin?

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon