Chapter 59

108 6 0
                                    

~Lia's P.O.V~

Pagkatapos akong tawagan ni Kai ay dumating si Yeonjun oppa galing sa store. Kaming dalawa lang ang nasa hospital room para bantayan si halmeoni. Hindi man niya pinapakita pero alam kong siya ang pinakanasasaktan sa kalagayan ni halmeoni ngayon. Sa'ming lahat, siya ang pinaka-unang kinupkop at inalagaan ni halmeoni. Siya ang pinaka-unang minahal niya bago pa kami nakarating sa orphanage. And seeing the person who took care of you when you're parents are gone, slowly dying on a hospital bed, it just really hurts.

"Uminom na ba siya ng gamot?" -Yeonjun

"Hindi pa. Ilang araw na siyang hindi umiinom ng gamot."

"You know what Lia, I feel useless." -Yeonjun

This is the first time na mag-open up sa'kin si Yeonjun oppa. Kadalasan na he keeps his burdens to himself dahil gusto niyang ipakita na malakas siya at kaya niya kaming alagaan.

"Bakit oppa?"

"I'm the eldest among us pero, hindi ko man kayo kayang alagaan. Gusto ni halmeoni na magkasama-sama tayo pero hindi yun nangyayari dahil sa'kin." -Yeonjun

"Don't blame yourself oppa. Hindi lang ikaw ang may kasalanan."

Nagkaroon ng maikling katahimikan sa loob ng room. Ang paghinga lang ni halmeoni ang naririnig namin hanggang sa magsalita ulit si Yeonjun oppa.

"Alam mo Lia, sa totoo lang, inggit ako sa'yo." -Yeonjun

"Huh? Ba't ka naman maiinggit sa'kin??"

"Kasi you have a decent job sa Canada. Ikaw mostly ang nagpoprovide sa kanila ng mga pangangailangan nila, mas lalo na si halmeoni. And me with my store? Tsk! Nalulugi na'ko..." -Yeonjun

"Alam mo oppa, hindi rin madali ang magtrabaho sa Canada. I even have to stop college para lang makahanap ng trabaho."

Ikinuwento ko kay Yeonjun oppa ang side ko with what's really happening when I'm away from them. At ngayon ay nagkaintindihan na kami kung bakit he sees me as the 'pabida'.

"One more thing, alam mo ba kung bakit ko ginagawa lahat ng 'to?"

"Bakit nga ba?" -Yeonjun

"Cuz I never had a mother. My real mother died after giving birth to me. Namatay rin ang step-mother ko nung inampon ako ni Mr. Choi. I told myself na maybe the mother I'm looking for my whole life is me. Kaya gusto kong makatulong sa pag-aalaga sa inyo."

Nagulat si Yeonjun oppa sa sinabi ko. Nahiya yata siya kaya tumingin siya kay halmeoni na hanggang ngayon ay natutulog. Minsan lang siya gigising at pagkatapos ay ipipikit ulit ang mga mata niya.

"You know what Lia, you did become the mother you never had." -Yeonjun

"Huh?"

"Sa mga kilos mo, sa pag-aalaga mo, and the way na you scold me when I'm being too much. Kita ko na you really care and love us, just like a mother." *smiling* -Yeonjun

Naiyak ako sa sinabi ni Yeonjun oppa. I'm so glad na nakita niya ang pagsisikap ko na maalagaan sila. That's how much I love them. Kahit na di ko sila nakita ng ilang taon, alam kong ang mga pagsisikap ko will really pay off.

"Now that we're ok na, may I ask you something?" -Yeonjun

"Ano yun?" *sniffle*

"I know na hindi ko kayang harapin ang mga problema ko ng mag-isa. Kaya Lia, pls help me with the store. Ayokong ibenta yun dahil sa simula palang ay kay halmeoni na ito. It's very precious to her." -Yeonjun

"Don't worry oppa. I'll do my best to help you. Walang makakakuha sa store ni halmeoni."

*Smiling*"Thank you." -Yeonjun

Finally! After years of separation and holding a grudge on me, nagkabati na kami ni Yeonjun oppa just like Soobin. Pero may ibang feeling ako na hindi pa talaga kami ok. I think we should also have a heart-to-heart talk sometime.

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon