Chapter 27

107 5 0
                                    

~Third Person's P.O.V~

Nagising ang karamihan dahil sa sigaw ni Ryujin. Nakita niya ang sulat ni Yuna na para kay grandma Jihyun. Patuloy siya sa pag-iyak knowing na lumayas ng bahay si Yuna na mag-isa. Nag-aalala siya para sa kaniya dahil alam niyang hindi sanay sa matataong lugar ang pinsan niya at baka magtantrum nalang siya bigla. Nagpapanic na ang dalaga habang patuloy na pinapakalma siya ni Beomgyu. Again, hindi pa rin napapansin ni Ryujin ang affection niya.

"Anong nagyayari?" -Grandma Jihyun

"S-si Yuna po... Lumayas halmeoni." *sniffle* -Ryujin

"Ano?!" -Taehyun and Hueningkai

Pinakita ni Beomgyu sa kanila ang sulat ni Yuna. At alam nila ang dahilan kung bakit siya umalis. Lahat sila ay tumingin kay Yeonjun. Siya lang naman ang pinaka-hate ni Yuna sa kanilang lahat.

"Oo na! Ako ng may kasalanan!" -Yeonjun

"Huwag ka nang sumigaw Yeonjun..." -Grandma Jihyun

"Sorry po halmeoni." -Yeonjun

"Paano natin siya hahanapin?" -Lia

"Hindi ko alam eh..." -Grandma Jihyun

"San ba siya pwedeng mag-punta?" -Soobin

"Dito lang siya palagi sa bahay. Siguradong kahit san niyan siya mapapadpad." -Beomgyu

Lahat sila ay nag-aalala na sa kanilang maknae na si Yuna. 'Di lang dahil sa autism niya kundi, dahil na rin siya ang pinakabata. Nagagalit na si Taehyun kay Yeonjun at gusto na niya siyang suntukin. Pero para sa peaceful na paghahanap sa kaibigan nila, pinipigilan niya ang sarili niya. Hindi pa nga naghiheal ang sugat niya sa labi eh. Sa kabilang banda naman, nagtitrigger nanaman ang anxiety ni Chaeryeong. Ayaw niyang ipakita 'to kaya nahihirapan siya ng konti.

'What if may mangyaring masama sa kaniya? What if hindi na siya makabalik?? What if hindi namin siya mahanap ng ilang taon???' -Chaeryeong

"Chaeryeong, ayos ka lang?" -Lia

"O-oo unnie." -Chaeryeong

"Yeji, ang tahimik mo naman diyan." -Lia

"Hindi ka pa ba sanay?" -Yeji

Nag-iisip na ang lahat ng paraan kung paano nila hahanapin si Yuna. Pati na rin si Yeonjun ay tumulong. Kahit na galit siya palagi kay Yuna, nag-aalala pa rin siya para sa kaniya. Hindi naman siya ganun kasama gaya ng iniisip ni Yuna. It's just his anger that makes him a monster.

~Yuna's P.O.V~

Nakasakay pa rin ako sa bus papuntang Busan. Malapit na kami dun nang mag-stop kami sa side ng daan. Hindi naman ganito ang nangyayari sa mga bus. Meron bang problema? Tiningnan ko ang paligid ko at nakitang nagtataka rin ang ibang passengers.

"Sir, ano pong nangyari? Ba't po tayo tumigil??"

"Pasensiya na po. May nasira sa engine ng bus, hanggang dito nalang po tayo." -Driver

Nagalit ang ilang pasahero dahil tumigil ang bus kung san mahirap makahanap ng taxi papuntang Busan. Binalik ng driver ang mga pera namin habang ang iba na gumamit ng card ay nangongroblema. Lumabas na kami at naghintay ng masasakyan. Ilang oras na ang lumipas pero ilan lang sa'min ang nakahanap ng taxi. Nagsimula nang maglakad ang iba pero naghintay pa rin ako.

"Ms. Maglakad-lakad ka na. Mahirap ang makahanap ng taxi dito." -Driver

"Ahh ganun po ba? Sige po."

Sinunod ko ang sinabi ng driver at naglakad-lakad na rin ako. Totoo ang sinabi niya. Ni isa mang taxi eh wala akong nakitang dumaan. Pero malakas naman ako kaya patuloy lang ako sa paglalakad. Dahil malapit lang ang lugar kung san huminto ang bus, hindi ko namalayan na nakarating na nga ako sa Busan. Syempre masaya ako, pero sana kasama ko si Ryujin unnie. Gusto rin niya kasing makarating ng Busan noon.

'San na niyan ako pupunta?'

Naglakad-lakad pa rin ako at naghanap ng mga karinderya. Nagutom ako dahil hindi na'ko nakakain ng breakfast. Madaling araw rin akong umalis ng bahay at naghintay sa bus station bago pa'ko nakaalis. Sa isang banda ay may nakita akong isang lalaki na sumisigaw. He reminds me of Kai oppa. Noong bata pa kami, palagi niyang ginagawa ang dolphin scream niya, kaya naisipan kong dun na kumain.

"Welcome! Welcome! Welcome! Dito na kayo kumain sa Bangchan's Cuisine!!!" -

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon