Chapter 57

107 6 0
                                    

~Soobin's P.O.V~

Hindi ako pumasok ngayon sa school dahil kailangan kong tulungan si Jisu sa pag-aalaga kay halmeoni. Madalas na kaming mag-absent nina Yeji, Beomgyu, Ryujin at Taehyun dahil sa iba't ibang dahilan. Nag-aalala tuloy si Yeonjun hyung sa'min but we tried to assure him na we can still pass our grades. Pagabi na at naglalakad ako ngayon sa Han River. I need some fresh air. Actually, kasama ko ngayon si Beomgyu after ko siyang sunduin sa park. Pareho kaming di pumasok at nagkita pala sila ni Chaeryeong kanina.

"Anong ginawa niyo ni Chaeryeong?"

"Nagsulat lang ng lyrics." -Beomgyu

"Natapos niyo?"

"Almost. Ako nalang magtutuloy sa huli." -Beomgyu

"'Di ko alam na nagsusulat pala kayo ng lyrics."

"Yeah... It's ahh... Our secret." -Beomgyu

"Well ngayon hindi na." *chuckle*

*Chuckle* -Beomgyu

Naglalakad pa rin kami hanggang ngayon. Nakita kong wala na ang araw at ang mga ilaw nalang ang nagpapaliwanag sa lugar. Umalis sandali si Beomgyu para maghanap ng makakain namin. Tinitingnan ko lang ang mga tao rito, ang saya saya nila. Parang walang problema sa buhay. May mga batang naglalaro sa tubig. Sana all di takot sa tubig.

Sa di kalayuan ay may nakita akong babae na naglalakad. She looks familiar to me. Tinitingnan ko lang siya until nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa tubig. Is she trying to drown herself? Tumayo ako at tinatawag siya pero hindi niya 'ko pinapansin. Walang masyadong tao sa spot na 'to at ako lang ang pwedeng makaligtas sa kaniya. Pero takot pa rin ako sa tubig.

"Ms! Ms! Bumalik ka rito!!"

"..." -

'Bingi ba siya?'

"Ms! Malulunod ka!!"

"..." -

'Gusto ba niyang malunod?'

"Ms! Aish!"

Malayo-layo na siya at ilan pang lakad ay malulunod na talaga siya. This is it. Kaya mo 'to Soobin. You need to face your fears. You need to beat your phobia or it'll scare you for life. Naglakad rin ako papunta sa tubig. Nang maramdaman ko na basa na ang paa ko ay bigla akong nanghina. Bumalik sa'kin ang memories ko kung paano namatay ang family ko noon.

~Flashback~

"Eomma! Appa! Anong nangyayari???"

"Soobin anak, makinig ka sa'kin. Lumulubog na ang barko, and I want you to survive by following your hyung ok?" -Eomma

"Eomma..." *sniffle*

"Soobin sumama ka na kay Minhyuk hyung mo, bilis!" -Appa

"Soobin tara na!" -Minhyuk

"Eomma! Appa!" *crying*

Binuhat ako ni Minhyuk hyung at iniwan na namin ang parents namin sa isang side ng barko. Sumasakay na kami ngayon ng isang maliit na bangka. Mauuna raw ang mga bata at kababaihan pero hindi ko maintindihan kung bakit naiwan pa si eomma.

"Pasensya na pero isa nalang ang pwedeng sumakay." -Sailor

"Hyung..."

"Soobin sumakay ka na." -Minhyuk

"Pero hyung!"

"Soobin sakay ka na. Don't worry, you'll be fine." -Minhyuk

"Paano ka hyung?"

"Don't think of me. Basta be safe pls." -Minhyuk

*Nod*

Sumakay ako ng bangka at palayo na ito sa lumulubog na barko. Hinahanap ko ang family ko at tinitingnan kung sumakay na ba sila sa ibang bangka. Pagkatapos ng ilang minuto ay sumabog ang barko.

"Eomma! Appa! Minhyuk hyung!" *crying*

Pabalik na kami sa mainland ng Korea nang lumulubog ang barkong sinasakyan namin. Ako lang ang nakaligtas sa'min dahil sumabog na ang barko habang nandun pa ang pamilya ko. Simula noon, takot na'ko sa tubig. I was so lonely until nakilala ko si Jisu.

~End of Flashback~

'Malapit ka na Soobin. Kaya mo 'to.'

Natakpan na ng tubig ang katawan ko at ang ulo ko nalang ang nakalitaw sa tubig. Muntikan nang malunod ang babae pero buti nalang at nailigtas ko siya. Binuhat ko ang katawan niya at bumalik sa may buhangin. Nakita ako ni Beomgyu at ng ilang mga tao kaya tinulungan nila ako.

"Soobin! Anong nangyari sa kaniya???" -Beomgyu

"Gusto yatang magpakalunod."

Natatakpan ng buhok ang mukha ng babae kaya inalis ko ito para malaman kung buhay pa ba siya. To my surprise- I mean, to our surprise, kilala namin ang babae.















































"Chaeryeong?!"

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon