Chapter 22

107 4 0
                                    

~Yeonjun's P.O.V~

Lumabas ako ng bahay para makita si Yeji. Pero di lang siya ang nasa labas. Akala ko ba si Soobin ang palagi niyang kasama? Sino yung lalaking nakita ko?? Kamukha niya si Yeji, parang magkambal. Pero sa pagkakaalam ko, walang kakambal si Yeji, kaya sino siya?

"Yeji..."

"Hmm?" -Yeji

"Sino yung lalaki sa labas?"

"Ahh, si Hyunjin yun, kaibigan namin ni Soobin tsaka kaklase." -Yeji

"Ahh..."

'Kaklase pala nila, pero bakit parang kailangan ko siyang protektahan?'

"May problem ba oppa?" -Yeji

"W-wala. Anong name niya?"

"Hwang Hyunjin." -Yeji

"Hwang?! Weh??? 'Di mo ba kapatid??"

"Nope." -Yeji

"A-alright..."

Nagpalit na ng pambahay na mga damit ang ilan na pumasok sa school. Kumain ulit kami na magkakasama. Gusto kong sabihin kay halmeoni ang tungkol sa store namin. Pero ayoko rin siyang mastress dun. Meron lang akong one week to decide. At magiging busy kami for one week dahil may pagathering pang naiisip si halmeoni. 'Di ba siya napapagod?

"Halmeoni..."

"Yes Yeonjun?" -Grandma Jihyun

"W-wala po."

I glanced at Lia at nakita kong nacucurious rin siya. No, hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya. I wanna prove na kaya kong iligtas ang store namin just by myself. Yeah, I can do this. Pagkatapos ay natulog na kami and it's another new day. Inaayos ko ang pocket bag ko habang nagbibihis ng school uniform ang iba. Napansin kong nakapambahay pa rin si Chaeryeong.

"Chaeryeong, di ka papasok?"

"Hindi muna oppa. Nasabi ko na rin sa teacher ko ang kalagayan natin." -Chaeryeong

"Ahh ok..."

Tiningnan ko si Taehyun at mukhang nakikinig siya kanina. Cold pa rin siyang tingnan hanggang ngayon. Paano agad nahawa ni Kai ang pagiging cold niya sa lalaking 'to? Eh nasa China siya ng ilang taon.

"Yeonjun, ok lang ba kung sasama si Yuna?" -Grandma Jihyun

"Ha? Bakit po??"

"Gusto kong makatulong sa store." -Yuna

Nagsalita si Yuna na parang nahihiyang mag-ask ng permission sa'kin kung ok lang ba na sumama siya. Ano namang magagawa ko? Nauna na siyang mag-paalam kay halmeoni.

"Eh sino pong magbabantay sa inyo dito?"

"Ako na oppa." -Lia

'Tsk! Bida bida ka rin...'

"S-sige."

*Smiling* -Lia

"Yey!" -Yuna

*Sigh*'Paano ko ba aalagaan 'tong si Yuna?'

Hinintay ko muna siya na magbihis at umalis na kami. Napakaingay niya talaga. Sobrang daldal, ang daming sinasabi. Namention na niya lahat ng mga friends namin except for me. She never said a word about me kahit na simpleng magandang bagay lang na ginawa ko o isang minor mistake from the past. She just never mentioned me. Malayo pa kami sa store at naglalakad lang ako papunta doon everyday. Buti nalang at hindi nagrereklamo si Yuna sa haba ng lakad. Bago pa kami pumasok sa isang kanto ay tumunog ang phone ko.

*Ring*"Yeoboseyo."

"Yeonjun! Pumunta ka na dito sa store, dali!! Bumalik si Jisung!!!" -Changbin

"Ha?! Eh diba may one week pa tayo??"

"Yun na nga eh!" -Changbin

Binaba ko na ang phone at nagmadali kami ni Yuna sa pagtakbo. Athletic rin pala siya, akala ko matalino lang.

"Ano bang meron oppa?" -Yuna

"Basta, bilisan na natin."

Pagkarating namin sa store ay nakita ko kung gaano kakalat ang nasa loob. Nasira rin ang ibang binebenta namin. Walang hiya ka Jisung!

"Yah! Anong ginagawa mo dito???"

"Ahh! Nandito rin pala ang may-ari ng store." -Jisung

"Umalis ka na bago pa kita suntukin."

"Tsk! Ba't ako matatakot sa'yo? Kahit suntukin mo'ko, ikaw ang magmumukhang masama." -Jisung

"You literally gave us a week at nandito ka ulit?? Umalis ka na!"

"O-oppa..." -Yuna

"I can't keep my patience. Haven't you made a decision yet?" -Jisung

"Hindi ko ibebenta ang store kaya umalis ka na!"

I pushed this stubborn rich kid palabas ng store. Yeah, I called him kid cuz he's younger than me. Sumosobra na siya! Hindi ba niya maintindihan na ayaw kong ibenta 'tong lugar na 'to? Are spoiled people really like this?? Nang makalabas na siya ay sumakay na siya sa maganda at mahaba niyang kotse. Pumasok na ulit ako at tinulungan si Changbin sa pagliligpit.

"Sorry pare, di ko siya napigilan." -Changbin

"Basta, ligpitin nalang natin yung kalat."

Galit na'ko sa sitwasyon na 'to pero ayoko pang ipakita. Ito namang si Yuna, gusto pang tumulong, eh may mga babasagin sa floor. Kapag 'yan dumugo kamay niya, lagot ako kay halmeoni.

"Tulungan ko na po kayo." -Yuna

"Hindi na Yuna, umuwi ka nalang."

"Hindi, tutulungan ko na kayo." -Yuna

"Yuna sabing umuwi ka na eh!!!"

Napasigaw na'ko sa galit at nagulat si Changbin. Nakita kong dumudugo na ang index and thumb finger ni Yuna at umiiyak siya. Tumakbo siya pauwi habang tinatakpan ang tainga niya. Such a sensitive kid.

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon