Chapter 17

112 5 0
                                    

~Yeonjun's P.O.V~

Nagising ako mula sa ingay sa labas ng room. Hindi ba nila kayang mag-usap ng mahina? Palagi nalang ako napupuyat eh. Gusto ko pang matulog. Pero parang hindi nila ako pinagbibigyan.

"Yeonjun hyung! Gising na!" -Soobin

"Gusto ko pang matulog..."

"Hyung, kailangan mo nang buksan yung store mo." -Soobin

'Ugh! Wala ba akong day off??'

Pinilit kong buksan ang mga mata ko at tumayo sa bed. Pagkalabas ko ay nakita ko silang lahat kasama si halmeoni na masaya. Nagatatawan ang karamihan sa kanila na parang walang nangyari sa'min noon. Tbh, namiss ko 'to.

"Yeonjun hyung, kain na tayo." -Beomgyu

Kumain na kaming lahat sa table. Naalala ko ang nangyari kagabi. Naging uncomfortable tuloy ako.

"Papasok pa rin kami ni Yeji kahit na dito kami mag-sestay." -Soobin

"I see... Kumusta pag-aaral mo Taehyun?" -Grandma Jihyun

"Everything's going pretty well. My grades are still high." -Taehyun

"Nag-improve english mo oppa!" -Yuna

"I know." -Taehyun

Tsk! Napaka-cold naman. Nandyan na nga si Chaeryeong noona niya, ayaw pa niyang makipag-bati. Bahala na nga siya. 'Di ko na alam kung paano ko pa siya tutulungan sa problema niya.

"Ikaw Kai? Nabalitaan kong di mo na tinapos high school mo." -Grandma Jihyun

"Yes." -Hueningkai

'Ang tipid namang mag-salita nito.'

"Chae, paano ka papasok niyan? Malayo hometown mo dito." -Lia

"Kaya ko namang magcommute ng malayo. May ipon naman ako." -Chaeryeong

Napapansin ko na parang fake lang ang pinapakita na emotion ni Chaeryeong. Yung forced smile lang siya ganun? She's also wearing her autumn uniform. 'Di ba siya naiinitan? Summer ngayon at ang init-init dito. Pagkatapos kumain ay aksidenteng nagkalat si Yuna.

"Yun- Ugh!"

'Control your anger Yeonjun.'

"S-s..." -Yuna

"Hayaan mo, ligpitan mo nalang 'yan."

"O-opo." -Yuna

Nag-ayos na'ko at kinuha ang pocket bag ko. Bago pa'ko makaalis ng bahay, nakita ko si Chaeryeong na naglalakad.

"Chaeryeong!"

"Hmm?" -Chaeryeong

"Heto, kunin mo na 'tong pera ko. Baka magkulang ipon mo."

"S-sure ka oppa?" -Chaeryeong

"Oo, kunin mo na."

"Thank you Yeonjun oppa." -Chaeryeong

"You're welcome. Mag-ingat ka ha?"

*Nod* -Chaeryeong

Humiwalay na kami ng nilalakaran at dumiretso na'ko sa store. Nasa malayo palang ako pero nakita ko na si Changbin na hinahanap ako. Ano bang meron?

"Pare! Dito bilis!" -Changbin

Tumakbo ako at pumasok kami sa loob ng store. Siya na yata ang nagbukas nito. Nanginginig ang katawan niya. May multo ba dito at takot siya?

"Pare, narinig mo na ba?" -Changbin

"Ano yun?"

"Yung may-ari ng parking lot malapit dito, gusto niyang bilhin store natin." -Changbin

"Ha?! Bakit naman??"

"Ewan ko." -Changbin

Naghintay-hintay muna kami at may mga customer naman na bumibili. Pero compare noon, kumonti na ngayon. 'Di ko na alam kung paano pagkakasyahin ang perang naiipon ko. Habang nagcocompute ako ay may isang mayamang lalaki ang pumasok sa store.

"Excuse me, ito ba ang Kyung's Store?" -

"Oo, bakit?"

"Ikaw siguro si Choi Yeonjun, at ikaw naman si Seo Changbin. Hindi ba?" -

"Oo, sino ka?" -Changbin

Nakashades ang lalaki kaya tinanggal niya 'to na parang artista. Tiningnan pa niya ang gold watch niya na parang pinapakita niyang mayaman talaga siya. Tsk! Ang yabang. Siya ba ang may-ari ng parking lot malapit dito? Ano bang gusto niya??

"Ako si Han Jisung, I am the son of many companies and I want to buy your store." *smirk* -Jisung

" *smirk* -Jisung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(For reference)

"Ikaw? Gustong bilhin ang store ko??"

"Yes, gagawin ko 'tong parking lot so I can make more money. It's business my man." -Jisung

"Ayoko, now you may leave."

"Aba! Kumokontra ka? Well, I don't have the time para makipag-away. So Yeonjun, I'll give you a week to decide." -Jisung

And with that, umalis na ang mayabang na Jisung. Nakakainis! Kapag binili niya ang store na 'to, mawawalan kami ni Changbin ng trabaho. Bakit kailangan pang mangyari 'to??

"Tsk! Yabang... Narinig kong mas bata pa 'yan sa'tin. Tingnan mo na! Walang respeto. 'Di man tayo tinawag na hyung!!" -Changbin

"Oo nga. Pero di ko hahayaang bilhin niya ang store."

"Pero Jun, nalulugi na tayo, sure ka dyan?" -Changbin

"Changbin, mawawalan tayo ng trabaho 'pag binili niya ito."

"May point ka." -Changbin

Buong araw akong nag-iisip ng paraan kung paano ko 'to sasabihin kay halmeoni. Ayokong mastress siya. May taning na nga ang buhay niya, bibigyan ko pa ng problema. Buong araw, iilan lang ang bumili sa store ko. Malaking problema talaga 'to.

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon