Chapter 13

123 7 3
                                    

~Yeonjun's P.O.V~

Nasa loob ako ng room naming boys. Fineface time ko ngayon si Soobin para sabihin ang tungkol kay halmeoni, pati na rin ang hiling niya. Ayokong mamatay si halmeoni. Siya ang naging magulang ko simula nung bata ako. Ayaw ba niyang tumagal pa kahit konti ang buhay niya?

*Ring*"Yeonjun hyung, napatawag ka." -Soobin

"Oo, busy ka ba ngayon?"

"Konti, pero di masyado. Ano ba yun?" -Soobin

"Eh kasi, si halmeoni... May cancer. Ayaw niyang magpa-chemotherapy or something..."

"Ha?! May cancer si halmeoni??" -Soobin

*Nod*

"Paano na niyan?" -Soobin

"Actually, meron siyang wish bago daw siya pumanaw."

"Ano yun?" -Soobin

"Gusto niyang magsama-sama tayong sampu ulit. Pakisabi na rin kay Yeji 'to."

"So you mean, uuwi kami diyan ng madalas?" -Soobin

"Oo, di naman ganun kalayo yung university sa bahay natin."

"Sige hyung, sabihan ko nalang si Yeji." -Soobin

"Sige thanks."

Inend ko na ang call at pagkatapos ay finace time ko naman si Lia. Ayaw niyang tawagin namin siyang Jisu dahil nasanay na siya sa english name niya since nakatira na siya sa Canada. Pero hindi ganun kay Soobin. He still calls her Jisu. Isang beses man umuwi dito si Lia, nacocontact pa rin namin siya. 'Di tulad kay Chaeryeong.

*Ring*"Yeoboseyo." -Lia

"Hello Lia, busy ka ba?"

"Kakagising ko lang oppa. Umaga dito." -Lia

"Ayy sorry, oo nga pala. Gabi na kasi dito."

"Bakit ba oppa?" -Lia

"Si halmeoni kasi... May cancer siya at gusto niya sana, makauwi ka dito. Reunion daw."

"May cancer si halmeoni?? Pero di kasi ako sure kung makakauwi ako ngayon. Pero I'll try." -Lia

"Sige. Nakausap mo na pala si Soobin?"

"'Di pa nga eh. Ayaw niyang sagutin mga calls ko." -Lia

"Gusto niya kasing umuwi ka, hindi yung sa phone lang nag-uusap."

"Eh busy kasi akong nag-tatrabaho para sa college niya." -Lia

"Osige sige, bye na."

"Bye oppa." -Lia

'Kung alam mo lang ang nangyari sa lalaking yun Lia. His life became a mess since you left.'

~Felix's P.O.V~

"Tama ba 'tong lugar na 'to hyung?"

"Oo, dito ko iniwan si Chaeryeong noon." -Minho

Para sa inyong kaalaman, ako si Felix, kapatid ni Minho hyung at pinsan ni Chaeryeong. Matagal na panahon nang may narinig kaming balita sa pinsan namin. Nag-aalala na kami ngayon, baka nahanap na siya ng pamilya niya. Cinocontact namin si Chaeyeon, kapatid ni Chaeryeong, pero di nag-riring phone niya. Nandito kami ngayon sa isang orphanage kung saan iniwan daw ni Minho hyung ang pinsan namin.

*Knock* *knock*"Tao po!" -Minho

*Creak*"Ano yun?" -Pamangkin ni grandma Jihyun

"Ako po si Felix, kapatid ko po itong si Minho hyung. Tanong lang po namin kung nandito po ba si Lee Chaeryeong?"

"Ayy, matagal ng wala yun dito. Nahanap na ng magulang niya." -Pamangkin ni grandma Jihyun

"N-nahanap po?" -Minho

"Oo, actually, di lang kayo yung naghahanap sa kaniya." -Pamangkin ni grandma Jihyun

"Sino po yung iba?"

"Kaibigan niya dati dito. Mukhang close sila, sabi niya di na raw siya nagpapakita." -Pamangkin ni grandma Jihyun

"Ahh, ganun po ba? Thank you po sa info."

"Welcome." -Pamangkin ni grandma Jihyun

"Nahanap na siya." -Minho

"Paano na niyan hyung? Baka minamaltrato siya sa bahay. Baka sinasaktan nila siya!"

"Yun na nga, pero nung huli nating punta sa kanila, iba na yung may-ari ng bahay..." -Minho

Naglalakad kami ngayon ni Minho hyung pabalik sa bus stop. C'mon... Where are you Chae? So tama hinala namin, nahanap na nga siya. May nakita kaming isang matangkad na lalaki na papunta sa orphanage. Tumigil muna kami at hinintay siya. Baka hinahanap rin niya si Chaeryeong. Umalis na siya at sinundan namin para magtanong.

"Excuse me, sinong pinuntahan mo dito?"

"Kaibigan ko, bakit po?" -

"Kilala mo ba si Lee Chaeryeong?" -Minho

"Opo, kaibigan ko siya, ako si Taehyun. Kilala niyo si noona?" -Taehyun

"Oo, pinsan namin yun."

"Talaga?! Nasan na si noona??" -Taehyun

"'Di rin namin alam..."

"Ano pong pangalan niyo?" -Taehyun

"Ako si Felix, siya si Minho hyung, kapatid ko."

"Felix hyung, Minho hyung, kung makita niyo man si Chaeryeong noona, pakisabi sa kaniya na gusto siyang makita ni halmeoni. Siya yung nag-alaga sa kaniya dito sa orphanage dati. May sakit kasi siya." -Taehyun

"Sige, sasabihin namin yun 'pag nahanap namin siya." -Minho

"Thank you." -Taehyun

Nag-hiwalay na kami at pumunta sa bus stop. We decided to go back to Chaeryeong's old house sa hometown namin. Baka sakaling makita namin siya. Pero hindi. May ginawa muna si Minho hyung bago kami umuwi.

"Anong ginagawa mo hyung?"

"Nagsusulat. 'Di ba obvious?" -Minho

"Para saan?"

"If ever na pumunta dito si Chaeryeong sa old house nila, makikita niya 'to." -Minho

"Ahh..."

Iniwan namin ang papel sa side ng gate para di makita ng bagong may-ari ng bahay. Umuwi na rin kami pagkatapos. Hoping na mahanap pa rin namin si Chaeryeong.

Summer Home☀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon