Chapter 9

35 10 4
                                    

"Kaito Pov"

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak sa akin ng mga tao nais kong iligtas si Ama at Yi. Natigil na lang ako ng marinig ko ang pangalan ni lara.

Lara Lara "tawag ni Ginang Meng kumawala ako sa hawak nila at dali-daling nilapitan si Lara.

Kapatid ko "Yun lang ang aking nabigkas binuhat ko na ito para dalhin sa manggagamot kaya napaisip ako paano sila Ama at Yi hindi ko kayang iwan sila napahawak ako ng mahigpit kay lara.

At may naalala ..........

--------------------
(Flashback)

Dahil sa hindi ako makatulog ay tumayo na ako nakita ko si Lara na mahimbing na natutulog inayos ko muna ang kanyang kumot bago lumabas. nakita kong nakaupo sa gilid ng pinto si Ama.

Oh anak bakit gising ka pa? "Tanong sa akin ni ama.

Hindi pa ako inaantok ama "Sagot ko.

Ganun ba may ikukwento ako sayo anak pero ito ay isang mahalagang misyon at ito ay sekreto wag mo itong ipagkakalat kahit kanino kahit kay lara wag mong sasabihin "Sabi ni Ama. Napakunot ang aking nuo.

Ano yun Ama? "Tanong ko gusto ko malaman kung ano anong sekreto at misyon na yun.

Mangako ka muna "Sabi ni Ama napangiti naman ako sigurista rin parang si lara magama nga talaga sila.

Pangako Ama "Sabi ko sabay taas ng kamay. huminga ito ng malalim.

Kaito mahalagang tao si Lara gusto kong protektahan mo si lara kahit anong mangyare wag na wag  kang magtitiwala sa nakapaligid sa inyo---

Teka Ama nalilito ako anong ibig niyong sabihin hindi ko maintindihan totoo ba itong sinasabi niyo o nagbibiro lang po kayo? "Nalilitong mga tanong ko kay Ama.

Kaito ito ay hindi isang biro malalaman mo rin ang dahilan sa tamang panahon sa ngayon protektahan mo ang iyong kapatid kahit anong mangyare wag na wag kang lalayo sa tabi niya "Sabi ni Ama.

May gusto bang manakit sa kapatid ko? "Tanong ko kay Ama tumango lang si Ama.

Marami ba sila? "Tanong ko.

Sobrang dami "Sagot ni Ama nanlaki ang aking mga mata.

Bakit? paano po nangyare yun ama wala naman po akong maalala na may kaaway si Lara imposible yang sinabi mo ama "Sagot ko kay Ama.

Kaito Anak tulad ng sabi ko sayo mahalagang tao si Lara gusto kong protektahan mo siya tulad ng pagprotekta ko sa kanya wag na wag mong pababayaan si Lara. Mangako ka sa akin Anak "Sabi ni Ama kitang kita ko sa kanyang mga mata ang seryosong mukha nito.

Pangako Ama "Sagot ko sa kanya.

(End of Flashback)
------------------------------

Bigla kong naalala ang sabi sa akin ni Ama kagabi. Pumatak ang aking mga luha.

Pangako Ama poprotektahan ko si Lara kahit anong mangyare.

Kaito ako na ang bahala sa kapatid mo "Napalingon ako kay Manong Rey

Ako na po ang bahala sa kapatid ko Manong Rey "Sabi ko at dali-dali ko siyang sinakay sa kabayo upang dalhin sa manggagamot.

Napansin ko na may kakaiba kay Lara namumutla ito at pinagpapawisan.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon