13_FRUSTRATION/PRESSURE

56 13 10
                                    

CHAPTER 13:
FRUSTRATION/PRESSURE


Ikaw ang tagapangalaga na kukuha sa Solar Orb."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mae sa akin noong araw na dapat kukunsultahin ako ng isang mata. Ang sabi ay meroon daw akong marka sa mukha at nang malaman ko 'yon, saka nga lumabas ang isang impormasyon na kung saan na sinabi ni Mae, na isa akong tagapangalaga.

Halu-halong emosyon at pagtatanong ang naglalaro sa isip ko ngayon, hindi ko alam kung papaano ko hahawakan ang mga impormasyon na nabubuo sa utak ko ngayon.

Muli kong pinagmasdan ang dalawang babae na sentro ngayon ng atensyon ng lahat ng tao dito sa loob ng piging. Hindi ko alam kung mag kapatid sila pero mukha silang mag ina dahil hindi nalalayo ang itsura nila, pinagtataka ko lang, ano't nakikita ko ang sarili ko sa babaeng halos kasing edad ko na may marka rin sa mukha ng bulaklak. Para bang hindi nalalayo ang itsura namin sa isa't isa, sino siya... Sino sila?

Halos mag tama ang paningin naming dalawa ng babaeng nakasuot ng black dress, kaya naman napahinto kami pareho ng magkatitigan kami.

Hindi ko alam pero parang iisang katauhan lang ang nakikita ko sa kanya sa akin. Para bang hindi ko mailawanag ang dapat kong sabihin sa oras na ito. Animo kasi'y hawig na hawig ang aming mukha at sobrang detalyado ang bawat parte ng mga mukha namin. Tila sa pananamit lang kami nagkaiba at sila naman ng mga kaibigan kong sina Janelle at Yumi ang ka pareha niya sa pananamit, sadyang halos lumuwa lang ang kaluluwa ng babaeng 'to sa suot niya.

Para siyang Bitchesang ako.

"Is she's your twins?" Maarteng tanong ni Janelle at umiling naman ako. "Well then good, iba ang naamoy ko sa babaeng 'yan sa totoo lang." Saka muling uminom ng alak si Janelle.

"Ang ganda niya 'no guys? Sarap maging jowain," natawa naman si Iryll sa sinabi ni Billy.

"Lul!" aniya ni Iryll

"Gagi hindi Bro, I'm serious, she looks Rona but interms of outfits and appeal she's too far. Sorry Rona," paliwanag ni Billy.

"It's fin—"

"Wow, feeling masarap Billy? 'Di mo gayahin itong si Ralph na kapatid mo, tahimik lang!" Pagtatanggol naman ni Jane.

"Pero Rona are you sure na wala kang kapatid?" tanong ni Billy

I nodded, wala naman talaga.

"Sort of. Paka ingay niyo." Napatingin kaming lahat kay Noah nang mag salita ito, "We are in the middle of important event, patapusin niyo muna ang event bago kayo magdaldalan." Tumahimik naman ang lahat, masasabi kong takot talaga sa kanya ang mga tao dito.

Muli kong binalik ang atensyon ko sa mga kilalang pamilya mula sa iba't ibang kabisera. Hindi ko alam pero sa tuwing nahahagip ng mga mata ko ang dalawang babaeng papalapit sa amin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Lady Riza Amon Silvaticus at kasama ang kanyang anak na si Lady Rozilyn Amon Silvaticus na mula sa timog kabisera ng Melo-Aqua."

Napatingin sa 'kin ang mga kasamahan ko sa Reya's Alliance at maging sina Prof-T at Headmistress Coline maging sina Ms. Mica at Sir. Aljun ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung papaano pero ang apelyido ng Amon ay ang apelyido ng namayapa kong ina na si Estella Amon at ano't Amon din ang apelyido nila e wala namang nabanggit sa akin ang ina ko na may ka-anak sila.

Nanatiling magkatitig kami sa isa't isa noong Rozilyn habang tamad niyang tinititigan ang mga tao dito sa loob.

"Mawalang galang lang po, ngunit kayo ba ang kinatawan ng kabisera ng Melo-Aqua?" tanong ni Prof-T

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon