REYALONA: SIMULA

211 23 10
                                    

CONTENT WARNING:This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CONTENT WARNING:
This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.

__________________________________

SIMULA


Handa ka pa rin bang pasalamatan ang mundo dahil sa binigay nilang buhay sayo kapag nalaman mong ikaw pala magiging sanhi ng pagkamatay ng napakaraming tao nang dahil sa hinihinging tulong sa 'yo ng mga taong umaasa sa 'yo.

Ang buong pag-aakala na parte lang ng normal na buhay ang buhay na mero'n ka ay biglang nagbago sa isang propesiyang lumitaw at ikaw mismo ang tinuturo na solusyon sa hindi mo alam na problema.

-

Sa pangangalaga ng Magic Council at ilang opesyalis kabilang na rin ang mga ilang kilalang makapangyarihang pamilya, nakatanggap siya ng espesyal na paglilingkod mula sa kilala at napakamakapangyarihang lugar sa RELUHEMI at 'yon ay ang Reyalona Academy nang dahil sa isang aksidenteng siya mismong tinuturong makakasolusyon.

Ang lahat ng pangarap ng bawat mahihirap at walang kakayanan na makapasok sa isang sagrado at pinaka ginagalang na paaralan gaya ng Reyalona Academy ay nakamit ng isang dalagang walang ka alam-alam kung bakit siya naroroon.

Siya si Ronalette Amon o mas kilala bilang Rona. Isang ordinaryong dalaga na nakitaan ng propesiya ng kung anong pangitain kaya maging ang masasamang nilalang ay naging sabik sa gaya niyang isang relehiyosong babaeng naninirahan lang sa gitna ng gubat sa ilalim ng bundok ang dalaga ng mag-umpisa ang sigalot sa buhay niya. Nagkaroon ng banta ang kanyang buhay at apektado dito ang pamilyang kinabibilangan niya. Sa pagtanggap ng proteksyon mula sa Reyalona Academy dahil sa takot na may mangyaring masama sa pamilya niya ay siya ring nag iba nang landas niya nang unti-unti niyang malaman ang tunay niyang papel sa mundong kinabibilangan niya... Samu't saring magugulong ideya, hindi alam na prensipyo, komplikadong problema at hindi kilalang mga tao ang makaksalamuha niya sa pagtanggap niya ng karangalan para iligtas ang mga nasasakupan niya sa hindi niya alam na dahilan.

Ang mga problemang dumating sa kanya ang lalong nag-udyok sa kanya na pasukin ang isang bagay na hinihingi sa kanya ng marami. Sakripisyo ba ang papel niya sa sinasabing tulong ng iba o mas malalim pa. Walang umpisa sa kuwento niya at wala ring kongkretong katapusan ang binanggit as kanya ng mga humingi sa kanya ng tulong. Ang alam niya lang ay karapatang niyang protektahan ang pamilyang kinabibilangan niya na sa ngayon ay nasa kapahamakan na nang dahil sa hindi niya maintindihan na kinakaharap niya

Halina't tayo'y tumuloy sa mundo ng Reluhemi kung saan handang magpatayan ang kasamaan at kabutihan makuha lang ang kani-kanilang inaasam.

REYALONA

PAMILYA, NASASAKUPAN, KAIBIGAN, KAPANGYARIHAN, PANINIWALA O KASINTAHAN. ANO BA ANG MAS HIGIT NA KAILANGAN.

_____

-KUMPARENGMILBEN

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon