24_FINAL READY

31 9 2
                                    

CHAPTER 24:
FINAL READY

I supposedly enjoy the view of the sunset while seeing every detail of these glossy and gorgeous garden here in Reyalona Academy. I've also felt the fresh air touching to my skin.

The opulent of this place together with a good sight seeing are such big stress reliever but, when I remember Rozi, and what was happened to our conversation last night, it gaves me a lot of trigger and anxious. It caused me a lot of physical and mental discomfort.

Lumabas lang ako nang paaralan para sana magpahangin, 8 o'clock pa lang naman at maaga ako na gising. 2 days na lang bago kami umalis dito at hindi ko namamalayan ang takbo ng oras sa bawat araw, para bang ang bilis lahat ng pangyayaring naganap sa buhay ko rito sa loob ng paaralang 'to, but other than that, napaka-worth it naman nang lahat, marami akong natutunan. Pero ka akibat nga lang ng mga 'yon, matinding pressure at nerbiyos ang lumalamon sa akin sa tuwing naiisip ko na ang laki pala talaga ng tungkuling ko nang dahil sa mga taong umaasa sa akin at sa amin tungkol a misyong 'to.

Akmang tatayo na  ako nang biglang may umagaw sa atensyon ko nang dahil sa mga narinig ko.

"Sa tingin mo makakaya nila ang mga Abyssus Beast? Napakaraming sabi-sabi na napakahirap matalo ng mga gano'ng na klaseng ka laban dahil kumpara raw sa mga nakatira sa bahaging kanlurang timog ay hindi nila ito ka uri dahil 'di hamak na mas delikado daw ang mga Abyssus Beast."

"Ah, yung mga bestia ang tinutukoy mo? Yung mga kalahating tao na may pagka-kalahating halimaw din na katauhan? Oo siguro, pero kasi mahirap mang husga. Kahit din kasi ako nangangamba na baka hindi nila makuha ang solar orb. Pero tiwala na lang, ayon lang naman sa ngayon ang pinanghahawakan natin e."

Nang marinig ko ang lahat ng 'yon, para ako muling kinain ng matinding pressure at takot. Kahit naman kasi na umaasa sila, nakikita ko pa rin sa mga itsura nila na parang no choice sila. Hindi ko alam kung sila ba talaga ang nagpapasama sa mga iniisip ko o sadyang ako lang talaga.

Ewan, siguro nga hanggang ngayon hindi ko pa rin kaya hawakan ang pangambang nararamdaman ko kahit na maraming nag titiwala sa akin. Masyado kong pinagtutuunan ng pansin ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko. Pero ano rin bang magagawa ko? Tao rin ako.

"Rona!" Napatingin ako sa harap ko, at nakita ko si Jane na tumatakbo pababa sa hagdan papunta sa 'kin.

Hingal na hingal siya nang makababa siya mula rito sa puwesto ko.

"Rona! Be, ang hirap daw ng magiging training natin!"

Hindi ko alam kung masaya siya, takot, kinakabahan o sobrang excited. Naka ngiti naman siya pero— ewan. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya ngayon.

"Bakit ano ba magiging training natin?"

"Be, tinawag 'to nila Prof-T na 'FINAL READY' dahil mga professor at mga professional ang lalaban sa atin! Mula raw sila sa iba't ibang kaharian ng kabisera! Nakaka-excite 'di ba!?" Tuwang-tuwa niyang sabi

"Ilan ba sila lahat?" tanong ko.

"Pito?" 'di niya siguradong sagot.

"Ok... Mag uumpisa na raw ba?" tanong ko at tumango naman siya. "O edi tara na."

"Hindi, samahan mo muna ako. Kukunin ko lang ang ispada ko."

"Saan mo kukunin? Wala ba sa kuwarto mo?"

"Wala do'n," aniya at saka ako hinatak.

Sumama na lang ako at hindi na ako nag salita. Malalaman ko rin naman dahil sasama ako sa kanya.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon