16_QUESTION. QUESTION. QUESTION.

45 11 7
                                    

CHAPTER 16:
QUESTION. QUESTION. QUESTION.

Habang pinagmamasdan ko ang suot kong damit, na ginagamit namin kapag nag-t-training kami. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit nga ba sobrang bigat nito sa pakiramdam kapag ito'y suot na namin. Tapos kapag hindi naman namin ito suot, para lang itong isang ordinaryong damit na sobrang gaan kapag hinawakan, pero tila kapag suot naman namin ito, sobrang bigat nito sa pakiramdam. Sa sobrang intriga ko, kung ano-ano na nga kung minsan pumapasok sa isip ko.

Habang tina-tock-in ko ang suot kong puting sleeveless sa suot kong cargo pants, naisipan kong alamin ang pa tungkol sa damit na ko kung ba't nga ito ganoon na lang kabigat. Gaya kasi ng tinuro ni Ms. Mica sa amin noon tungkol sa kung papaano gamitin ang mga aura-ng meroon kami upang makita namin ang isang hindi maipaliwanag na bagay na gawa lang naman pala sa aura, sinubukan kong pumikit at mag concentrate para dahan-dahan ko ngang mailabas ang aura na mero'n ako at makita ang sagot kung bakit mabigat sa pakiramdam ang damit na 'to.

Inumpisahan kong kalkulahin ang sapat na kapangyarihan na aura-ng gagamitin ko, at habang nag c-concentrate nga ako, para bang naramdaman ko na parang unti-unti ko ngang nagagawa ang itinuro sa amin ni Ms. Mica noon.

"Sa pagtukoy nga ng mga bagay na gusto niyong makita o alamin, ang unang hakbang para maisakatuparan ito ay matinding pagsasanay sa pagiging masuri sa lahat. At sa kung tinatanong ninyo kung papaano niyo magagawa iyon, ay iyon nga ay ang paglalagay ng sapat na aura sa inyong mga mata upang sa gayo'y makita niyo nga ang mga kapangyarihan na hindi kalimitan nakikita ng iba dahil sa pagtatago ng gumamit nito upang pandaya o panlito, ang kaniyang aura na mero'n siya para sa abilidad na ginamit niya, madali niya lang na maitatago kung may sapat nga siya na kaalaman patungkol dito."

Habang inaalala ang mga sinabing iyon ni Ms. Mica sinubukan ko nga gawin ang ilang mga tinuro niya at nilagay ko nga ulit ang sarili ko sa sitwasyon na gaya ng tinuro niya saamin noon.

Naka-angat ang dalawang kamay ni Ms. Mica na may layo sa isa niyang kamay na 'di aabot 100 centimeter. Nakatutok ito sa taas doon sa isang taong lumulutang na ginawa niyang example sa amin para paggamitan namin ng aura.

Ang taong ginamit na example ni Ms. Mica ay nakalutang at base sa itsurang kinalalagyan niya, ang p'westo ng katawan niya ay: naka-angat ang dalawang bahagi ng kanyang kamay sa layo ng 100 centimeters sa isa't isa at gaya ng sa paa niya ay gano'n din ang pagkaka-puwesto nito.

Sa pagkaka-alam ko sa sitwasyon namin na iyon, ay ang taong ginamit ni Ms. Mica sa amin bilang example noon ay sadyang nakalutang gamit ang sarili niyang kapangyarihan, ngunit dahil nga sa paliwanag na nabanggit niya, napatunayan ng tinuro niya sa amin, na ang lahat ng maaring makita ng mata namin ay pawang illusyon lang na ginagamitan ng pangkaraniwang aura.

Sa labis na pagsasakatuparan namin ng ninanais mangyari at malaman namin ni Ms. Mica, pinilit namin na lumabas ang aura sa mga mata namin at nang magawa na nga namin at makita ko nga ang buong sitwasyon nagulat ako na posible nga ang mga sinabi ni Ms. Mica.

Kitang-kita ko ang mata ni Ms. Mica na nababalutan ng aura at nang makita ko ng kung papaano lumilipad ang taong nakalutang ngayon, ay namangha ako, gamit ang dalawang hinliliit ni Ms. Mica sa kanyang mga dalawang kamay, nag uumapaw ito sa aura at mero'n nga itong koneksyon na kung saan dinadaluyan ng aura pa dikit sa isang naka-usling bakal sa may kisame patungo sa pagitan ng pala pulso-an ng taong pinag gamitan niya nito na kunektado rin naman sa mag kabilang gilid ng paa ng tao.

Labis ang pagkamangha ko no'ng mga araw na 'yon sa mga nasaksihan ko, dagdag kaalaman na kasalukuyan kong hindi inaasahan na matutunan ko nang dahil sa pagpasok ko dito, ibang iba talaga kapag napasok ka sa paaralan na ito, lehitimong matututo at matututo ka ng mga bagay na hindi mo kalimitang makikitang tinuturo sa labas ng paaralang 'to o sa kahit anong mabababang antas ng paaralan.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon