33_REYA'S SOUL

37 9 2
                                    

CONTENT WARNING:

This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.
______________________________________

CHAPTER 33

ThirdPerson P.O.V

       Kasabay ng matinding pagsabog ng kinalalagyan ng lugar ng lahat malapit sa kinaroroonan ng solar orb ay kasabay rin ng pagdagsa ng mga trahedya sa grupo nila Noah, animo nga'y sa pagdating ng mga kalaban ay siya namang pagdating ng pinakahihintay ni Rona... Ang mga kasagutan sa mga katanungan na kung saan walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay ba ang quest sa pagitan ng mga nag-aasam ng katahimikan.

        Kasabay ng pagkawala sa sarili ni Noah nang dahil sa matinding galit at inis, ang pagpapakawala niya ng isa sa mga napaka-delekado niyang kapangyarihan nang dahil sa mga nangyari kay Ella at Rozi, ay siya namang kasabay rin ng tuluyang pakikipagkita ni Rona bilang tagapangalaga sa solar orb na siyang pangangasiwaan niya.

       Sa nangyaring pakikipaglaban sa mga Abyssus Beast at sa mga Hera nitong sina; Syndra, Ysyndro, Yhuniko, Syntasha na siyang mga Hera ni Riza na kung saan tapat at masusugid na kawal ng hari ng Melo-Aqua noon na si Aquiruz, hindi naging madali ang lahat.

       "RONA!" 

      Sabay-sabay na napasigaw ang buong grupo nang makita nilang lahat ang dahang-dahang pagkalaglag ni Rona sa pinanggalingan ng matinding liwanag.

       Sa mga nangyaring iyon, tila walang nagawa ang lahat nang dahil sa dagsa-dagsang mga kalaban sa loob ng espasyong ginagalawan nila. Naka kulong silang lahat ngayon sa iisang matingkad na asul na bilog na mahika na likha ni Ms. Riza. Nasa loob ng malaking bilog na mahika na 'yon ang mga pagod na pagod na grupo ng Reyas Alliance at ilangdating tagapangalaga.

      Magkasamang pinalibutan ng hukbo ng mga Abyssus Beast nila Ysyndro at Syndra sina Janelle, Yumi, Janelyn at si Jane na hindi pa ganoon ka galing sa iniinda niya.

      Samantala, hawak rin ng mga Abyssus Beast sina Ralph at Billy na sugat-sugat na rin nang dahil panay ang pakikipaglaban, ganoon rin si Iryll na hawak na ng mga Abyssus Beast na nasa malapit naman ng kinalalagyan ng binagsakan ni Rona sa may tabi ng maliit na lawa kung saan nagmumula ang matinding liwanag.

      Higit sa lahat, ganoon rin ang kinahinatnan nina Noah, Pollux, Mae at Athena. Si Rozi naman ay pinuprotektahan pa rin ang batang si Ella ngunit bakas sa itsura ni Rozi ang matinding panlalamya ngunit kahit naman na ganoon ang itsura niya, bakas pa rin ang pagiging determinado niyang protektahan ang batang si Ella.

       Walang magawa si Noah ngayon kahit na kating-kati na siyang sundan ang kinaroroonan ni Rona dahil marami talaga ang bumabantay sa kanya, tila bumagsak ang aura niya ng dahil sa matinding panghihina kaya naman bumalik na ang ulirat niya. Nakaluhod siyang naghahabol ng hininga habang inaalalayan nila Pollux. Bantay sarado sila ng sandamakmak na Abyssus Beast at nina Yhuniko, Syntasha at higit sa lahat ni Ms. Riza.

        "Nararamdaman ko na dumadaloy na ang matinding kasiyahan na dibdib ko nang dahil sa mga nakikita kong nalalapit na tagumpay, ito na ata, ito na..." Bakas sa itsura ni Riza ang matinding saya kaya naman inis na nakatitig sa kanya ang buong grupo.

        "Ano bang pakay mo!? Hindi ba't kakampi ka ng grupo!? Narito ang anak mo!" sigaw ni Athena.

       "Anak na kung saan hindi marunong sumunod sa ipinapapagawa, kaya naman ngayon ay kayong lahat ang nagdurusa!?" Galit na lumingon mula sa kinaroroonan ni Rozi si Ms. Riza.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon