27_ABYSSUS ISLAND

24 9 2
                                    

CHAPTER 27:
ABYSSUS ISLAND


Rona P.O.V

Nang matapos ang pagpapaalam na naganap sa amin ng mga guro at ilang kawani at mga mamamayan, muli na kaming naglakad papunta sa napakalaking kuwagong ibon na mula sa pamilya ng Dark Dragon Eater o mas kilala bilang Drako Lord. Sa laki ng alaga nilang si Plu​to​ni​an Black Raven Uwila kinailangan namin ng matinding puwersa para lang maka-akyat lang sa likuran nito.

Nang maka-akyat na kaming lahat sa likod ng Plu​to​ni​an Black Raven Uwila, nakatayo kaming pinagmamasdan ang mga mamamayan ng Reyalona habang papataas kami ng lipad. Sa bawat pagkumpas ng pakpak ng Plutonian Black Raven Uwila, siya namang lakas rin ng sigawan ng mga tao sa amin para pa baunan kami ng matinding suporta.

"Babye! H'wag niyong kalimutan ang cute na gaya ko guys ha! H'wag kayong mag-alala uuwi pa ako!!" sigaw ni Iryll sa baba nang makalipad na kami.

Nang nang umpisa na kaming umabante papa-alis sa Reyalona Academy, mabilis ang naging lipad ng sinasakyan namin. Ang galing nga nila Mae, Noah at iba naming mga kasama dahil kahit ang bilis ng lipad namin e nagagawa pa rin nilang tumayo, tanging kami lang ni Janelyn kasi ang naka-upo dahil panay ang tawanan namin sa sobrang bilis ng lipad.

"Umayos kayo. Nasa seryosong misyon kayo. Tumayo kayo dyan." Napatigil kami sa pagtatawanan ni Janelyn nang sabihin iyon ni Lady Prima.

Napatingin naman ako kay Noah na sinisenyasan ako na tumayo.

Tama si Lady Prima, kaya naman nang tumayo kami, bakas sa mukha ng mga kasamahan namin ang pagsasarili na animo'y may kanya-kanyang iniisip. Siguro ito na nga talaga ang oras para maging seryoso.

"Malapit na tayo," sambit ni Rozi kaya naman napatingin kami sa harap ng binabagtas namin.

Isang pulutong nang mga maiitim na ulap at ilang mga malalakas na kidlat at kulog ang nakita namin kaya naman napa-ayos ako sa pagkakatayo.

Nawala ang takot ko sa mga matataas na lugar nang biglang makita ko ang mga bagay na nasa harapan ko ngayon, para akong sinampal muli ng reyalidad na ito na nga ang araw na pinakahihintay ko, at ito na rin ang araw na kung saan lahat ng mga planong binubuo ko sa paaralan ng Reyalona Academy noon ay maaring matupad at mangyari na ngayon.

Nang lingunin ko ang ibaba, isang isla ang nakita ko. Ayon ang islang nakita ko noon noong araw na tinanggap ko ang nais ng mga Reya's Alliance na sumama sa kanila. Hindi ko ako puwedeng mag kamali. Iyong isla na 'yong na kita ko at ito ay iisa.

"Oy Rona kala ko ba takot sa mga ganitong kataas na puwesto. Kaya mo naman pala oh!" aniya ni Janelyn pero hindi ko siya pinansin. "Rona... Huy!"

"Sorry," tangi ko lang nasabi.

Inikot muna ng alaga nila Lady Prima ang isla, habang nasa itaas kami, kitang kita namin ang isla na punong puno ng kakaibang itsura. Habang patuloy naming inililibot ang buong lugar mula dito sa ere. Isang hudyat ng ibinigay ni Lady Prima mula sa kausap niya sa telepono niya.

"Ang unang grupo, tumalon na kayo." utos ni Lady Prima.

"Babye guys! Kita-kita na lang!" aniya ni Iryll!

Nang makatalon na silang apat. Sa tansya ko, ang babagsakan nila ay ang matarik na maliit na bundok sa itaas ng isla, ayon kasi ang pinakamataas na bulubundukin dito sa maliit na islang ito.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon