APAT NA KABISERA

268 27 9
                                    

      ANG APAT NA KABISERA

Sa mundong ginawa ng apat na magkakaibigan, umusbong ang mga prensipyo at pananaw na kung saan mero'ng baluktot at tuwid na adhikain na handa pa ring panigan kahit mali ang nakaluloklok at kahit na mali ang pamamaraan at pawang binabase sa dami ng mga taong sumasang-ayon ang pagsasatupad ng batas nang dahil sa kapangyarihan na meroon ang nakaluluklok.

Kasabay ng mga 'yon, namuhay ang mga taong may iba't ibang mga kapangyarihan, lakas at higit sa lahat, magkakaibang pagnanais sa buhay na kinakaharap nila, at dahil dito, nagsimula na nga ring mag-usbungan ang mga taong hanggad lang ay ang pansariling interes.

Nagkaroon ng apat na kabisera ang mundo at ang bawat kabisera ay may palasyo at ang palasyong iyon ang nag bibigay proteksyon sa dalawang bayan na nasasakupan nila. Nasa saktong hilaga, kanluran, silangan at timog ang apat na kabisera at ito nga sila:

HILAGANG BAHAGI:
KABISERA NG REYALONA

REYALONA

    
Sa hilagang kabisera matatagpuan ang palasyo ng Reyalona kung nasaan ang reyna na si Reyna Reofana na binigyan ni Bathalang Reya ng mga karapatan upang pangalagaan ang lugar gamit ang kapangyarihang binigay din sa kanya ni Bathala.

Sa kabisera ng Reyolana matatagpuan ang kaharian ni Reyna Reofana Enoinea na sa ngayon ay ginawa na itong paaralan at tinatawag na Reyalona Academy, ang Reyalona Academy ay ang paaralan ng mga salamangkero at salamangkera o kahit na anong may kakayahan o abilidad na gustong matuto at maging mas malakas gamit ang mga kakayahan na mero'n sila. Sa lugar na ito ay marami ang mga bihasa sa mahika at pakikipaglaban. Ang iba dito ay guro at opisyales na miyembro at kontrolado nang council kung kaya't lehitimong nakakapaghain sila ng mga kaalaman at karunungan na kung saan magagamit nila sa oras ng pangangailangan.

Ang Reyalona ay pinapangalagaan ngayon ng Hetophia at Lutophia nang dahil sa pagkamatay ni Reyna Reofana nang dahil sa panganganak ng kambal na sina Riza at Riva ngunit nang lumaki ang dalawang kambal ay hindi rin ang nagkasundo at tanging si Riva lang talaga ang tumaguyod sa Reyalona na siyang tinaguyod ng ina niya noong nabubuhay pa ito, hanggang sa kalaunan ay namatay rin nang dahil sa hindi malaman na kadahilanan.

Kasama rin sa Hilagang Silangan bahagi ng Reyalona ang bayan ng Uteriyala na kung saan matatagpuan ang Tore ng Utera kung saan naroroon ang mga miyembro ng Magic Council at mga senior na nakakaalam ng mga history ng mundong mero'n sila, kulungan din iyon ng mga may salang salamangkero't salamangkera at iba pa.

Ang lugar din na ito ay masyadong pribado at prestihiyoso dahil puro opisyales at makakapangyarihan na tao lang ang nakakapunta at may karapatan dito na hindi maaring baliin ng kung sino man.

Nasa Hilagang Kanluran naman ang bayan ng Relunaphia. Nasa lugar na ito ang bundok ng Reluna na kung saan ang tunay na p'westo ng Buwan noong nilikha ito ni Luna. Sa p'westo rin ng Bundok ng Reluna matatagpuan sa ang templo nang mga sumasamba kay Reya at Luna, sa baba naman ng bundok naroon ang bayan ng Relunaphia at sa kabilang bahagi ng bundok na iyon ay tagos naman ang Disyerto ng Forlorn na sakop na ng Lutophia.

KANLURANG BAHAGI:
KABISERA NG LUTOPHIA

Forlorn Desert

Ang lugar na ito ay kadirit lang ng Relunaphia ngunit ang bayan na ito ay isang madilim na disyerto na kung saan may mga ilang tao lang na nakatira. Naka p'westo ito sa Kanlurang Hilaga kaya sobrang dilim din dito kapag Buwan na ang nasa ibabaw ng langit nila.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon