05_REQUEST GRANTED

79 15 4
                                    

CHAPTER 5:
REQUEST GRANTED

Lagi kong tinatanong bawat oras ang sarili ko kung ayos lang ba ang kapatid ko, kung kumakain ba siya ngayon, kung pinapahirapan ba siya ng mga dumukot sa kanya— basta nag-aalala ako. Lahat ng mga bagay na maaring pumasok sa utak ko sa oras na ito ay pinahintulutan ko na nang dahil sa dala ng takot at labis na pag-aala.

Nakaupo ako ngayon sa loob ng sira-sira naming bahay habang pilit pinagmamasdan ang namayapa kong ina. Maging ang mga kasamahan ko ay hinayaan lang muna akong manahimik at magluksa. Hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon dahil sa dami kong iniisip. Yung tipong kapag sumang-ayon agad ako sa isang plano ay alam kong may masasaktan pa rin ako at 'yon nga ang hindi ko gusto. Sa oras na mabigyan ko nang maayos na libing ang katawan ng namayapa kong ina, ang susunod kong gagawin ay hindi pa rin nag p-proseso sa utak ko. Animo nga'y bawat pag-iisip ko ay may kaakibat na lahat na kapakanan. Nakakahilo.

Hindi ko alam kung ano magiging takbo ng desisyon kong ito ngayon pero hangad ko na sana dalhin ako nang mga taong ito sa tapang desisyon dahil mas hindi ko na kakayanin kung ang sinasabi nilang proteksyon upang mapangalagaan ako para lang mapakinabangan nila, kung 'yon lang naman ang pakay nila, hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin rin sila. Oo hanggad ko ay kapayapaan at makuha muli ang kapatid ko kaya ko ito susubukang tanggapin, pero hindi iyon nangangahulugan na porke sa pinili ko ang nakakarami ay hindi ko na gagampanan ang papel ko bilang isang kapatid lalo na't ang kapatid ko ngayon ay hawak ng mga masasamang nilalang.

Huminga ako nang malalim saka ko tinakpan ang mukha ni Mama. Kinuha ko rin ang nag-iisa kong makapal na jacket na nakasabit sa dingding.

"Ayos na ako," saad ko habang nakatitig sa bangkay ng akin ina. Ramdam ko ang mga titig nila sa 'kin kahit hindi ako naka-tingin sa kanila.

Awang-awa man ako sa sarili ko ngayon pero d-dedmahin ko 'to sa ngalan ng mga naka-atang na mga responsibilidad sa 'kin ngayong wala na ang aking ina.

_

Napansin kong naglakad si Noah at si Iryll papunta sa direksyon ng bangkay ni Mama. Marahan at maayos nila itong binuhat. Pinuntahan naman ako ni Janelyn at Jane para makiramay. Nginitian ko lang sila na akto sa pagpapasalamat at pagiging ilang pa.

Lumabas kami ng bahay upang ayusin ang libing ng namayapa kong ina. Kapansin-pansin pa rin ang ibang kulay ng langit dala nang sinasabing liwanag na galing sa Dagat ng Abyssus. Kulay asul na may halong kulay itm pa rin ang kulay ng langit at matinding kilabot pa rin ang dala nito sa akin.

Nilagyan ko nang magagandang natitirang klaseng bulaklak ang ibabaw ng lupang pinaglibingan namin kay Mama. Wala nang reaksyon na lumabas sa mukha ko habang pinagmamasdan ang libingan niya ngunit ang nga mata ko, patuloy lang sila sa pag luha hanggang sa huling pagkakataon.

Kung nandito lang si Ella hindi ganito kabigat ang problema ko ngayon at paniguradong mag aalalayan kami sa ganitong sitwasyon dahil kahit bata pa lang siya, alam kong bukas ang isip niya na ang lahat ng problema ay nasusulusyonan.

Pinunasan ko ang luha ko saka ngumiti. "Babalik ako dito Ma, na kasama na si Ella. Pasensya na rin po Ma kung hindi ko na protektahan ang aking kapatid pero pangako ko sa inyo Mama na hindi ko siya pababayaan." Yumuko ako saka ko nilagyan ng bulaklak ang himlayan ni Mama.

"Tara na?" nakangiting nakatitig sa 'kin si Iryll. Sana talaga tama itong desisyon kong sumama sa kanila.

Nginitian ko siya bilang pagsang-ayon.

"Naks! Don't worry sagot kita kapag may nang away sayo do'n pero sa tingin ko wala namang mang-aaway sayo do'n, tapang mo kasi e, hehehe," aniya habang kumakamot-kamot sa batok niya.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon