35_END QUEST

43 9 2
                                    

CONTENT WARNING:

This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.
______________________________________

CHAPTER 35

Third Person P.O.V

        Natatawang pinagmasdan ni Riza ang itsura ni Rona nang matigil ito sa pagnanais na patayin siya, marahan silang bumaba sa lupa gaya ng gustong mangyari ni Riza ngunit kahit na ganoon naroroon pa rin ang pang gagaliti ni Rona na tapusin si Riza dahil sa bawat pag sugod nito, hindi man niya gustuhin na patayin ang nanay ng kaibigan niyang si Rozi, pero mismong kaibigan niya ang nagtutulak sa kanya na gawin ang nararapat upang matigil na ang ganitong uri ng pangyayari.

         Kahit na hindi nagsasalita si Rozi, ipinapahiwatig ng mga titig nito kay Rona na tapusin na ang dapat tapusin ngunit nagtatalo sa isip ni Rona ang kagustuhan niya at ang awa. Awa na kung saan mararamdaman niya kay Rozi kung sakaling gawin niya ang bagay na hindi dapat kahit na gusto pa nito.

          "Kahit na hawak mo ang malakas na kapangyarihan, walang kuwenta iyon kung nasa antas ka na kung saan pinapahina ka ng mga nararamdaman mo. Pero alam mo maganda 'yon, mabilis tayong magkakasundo, as long as na gagawin mo rin ang mga ayaw at gusto kong mangyari, tahimik natin itong matatapos. Give and take ika nga nila, pareho tayong makikibang sa mga bagay na nais natin." pangungumbinsi ni Riza kay Rona.

         "Bagay na kung saan hindi ko hahayaan na mangyari? Umasa ka na lang." Mariin na sabi ni Rona

          Natawa si Riza ng bahagya, "Tama 'yan 'wag mo pansinin ang dalawang oras na natitira na lang sa pamamalagi natin dito. Makaka-alis kayo dito kasama 'yang orb na 'yan  at maiiwan ako dito gaya ng nais niyo, ngunit hindi ako papayag na ako lang ang lalamunin ng dagat na 'to," aniya ni Riza. "Gusto ko kasama ang anak ko at masaya siya, at mangyayari lang, 'yon kapag kasama niya ang batang lagi niyang inaalala at isang naging kaibigan niya na sa paaralan na pinanggalingan niya bago siya mamatay. O 'di ba, ANG SAYA SAYA!"

         Napatingin ang lahat sa ibabaw kung saan naroroonan na ang dalawang maharlikang pamilya at kasama si Pro-T gamit ang sinasakyan nilang alaga ng pamilya Vazquez. 

         "Ibigay mo sa akin ang tatlong hawak mong 'yan at makakalabas ka dito ng buhay kasama namin," sambit ni Rona na ikinahalakhak naman ni Riza.

        "Hindi ako gaya mo Rona na walang utak. Lahat ng mga pakulong 'yan ay alam ko na bago pa ako sumabak dito."

        "Kung gano'n hayaan mong patayin kita gaya ng gusto mo." daretcho punto ni Rona.

         "Gawin mo. Pero sisiguraduhin ko na hindi lang ako ang mamatay sa gagawin mo." sarkastikong sambit ni Riza pero pansin sa kanya ang pagkabalisa.

       "Rona, isang oras at apatnapu na lang ang natitira nating oras!" aniya ni Iryll na busy pa sa pakikipaglaban gaya ng iba pa nilang mga kasamahan.

       Kahit na napapalibutan si Rona ng sandamakmak na mga Abyssus Beast, pinanatili niya pa rin ang itsura na dinala niya simula nang pag-ahon niya mula sa ilalim ng lawa, pinanatili niya maging seryoso at matapang sa mata ng lahat.

       Pinagmasdan niya muna ang tatlong taong malalapit sa puso niya, pare-pareho ang mga ito na hikaos at nanlalaban na lang sa mga sakit na nararamdaman nila. Tanging si Rozi lang ang may malay ngayon at ang dalawa ay nanatili pa ring walang malay.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon