01_REYALONA ACADEMY

251 23 9
                                    

CHAPTER 1:
REYALONA ACADEMY


Mula sa pinaka-itaas ng bundok ng Reluna kung nasaan ang banal na templo ng rebulto nina Bathalang Reya at Bathalang Luna. Sumasamba kami rito tuwing sasapit ang panahon ng kapistahan at linggo bilang isang paniniwala at tradisyon na nakagawian naming mga naninirahan dito habang sumasamba at nagbibigay alay sa mga Bathalang namayapa na.

Maya maya, sa paghinto ko, na agaw ang pansin ko ng isang malaking prihesteryosong gusali ng Reyalona Academy. Ang lugar kung saan ayon sa mga sinaunang libro ay pinamamahalaan ito noon ng sinaunang bathala na isa sa mga sinasamba namin dito.

Tanaw na tanaw ko rito mula sa itaas ang ganda ng paaralan at ang mga nagniningning nitong mga gusali na gawa mula pa sa isang 'di karaniwang uri ng bato na sinasabing mula pa raw sa labas ng aming kalawakan.

Nang matapos ang aming pagdarasal at pag-aalay naming magpamilya ay huminto muna ako sa isang puno at sumandal dito upang magpahinga habang kaharap ang tawanin ng Reyalona Academy.

Kumuha ako ng malalim na hinga mula sa aking dibdib bago ako ngumiti at pinagmasdan ang lugar ng Reyalona Academy.

Reyalona Academy, ang sangradong lugar na nilikha ng pinakamalakas na bathalang si Reya noon noong nabubuhay pa siya.

Reyalona Academy ang prihesteryosong lugar na ang nakakapasok lang ay ang mga prihesteryosong pamilya gaya ng mga miyembro ng opisyales o kahit anong pamilyang maharlika at naka-aangat sa buhay.

Pinangarap ko rin noon na makapasok sa lugar na 'yon dahil kahit sinong bata noon na kalaro ko rito sa ilalim ng bundok ay tanging bukang bibig nila ay ang paaralan nga ng REYALONA ACADEMY. Tinanong ko rin sa sarili ko noon kung gusto ko ba talaga makapasok sa lugar na 'yon dahil gaya ng ibang mga bata, may parte sa 'kin na gustong-gusto makapasok sa lugar na 'yon, ngunit kahit na gano'n, nanaig pa rin sa akin ang normal buhay kaya mas pinili ko na lang ito. 

Ayos na rin kasi sa akin noon na makapag-aral sa kahit anong klaeng paaralan basta balanse ang takbo ng buhay na mero'n kami, gaya ng: hindi dapat kami kulangin sa aming pagkain ng dahil sa pansariling interes ko lamang. Taliwas man ang magulang ko para sa mga paniniwalang kinamulatan ko at pinaniniwalaan ko, mas higit ko itong ipinaglaban dahil ayoko talagang nakikitang nagugutom ang bunso kong kapatid at lalo na nahihirapan ang aking ina nang dahil lang sa akin. Hanggang sa dumating na nga rin lang talaga ang araw na kinailangan ko nga na tanggapin na hayaan na lang na mamatay ang pansariling kong mga kagustuhan lalong-lalo na ang makapasok sa Reyalona Academy.

Sa hirap kasi talaga ng buhay namin, malabong makapasok ako sa gaya ng paaralan ng Reyalona Academy. Pero kahit na ganoon, isa lang ang nanaig sa akin noon, hindi ko dapat ka inggitan ang buhay ng mga bata noon na nakakapasok sa paaralan na gaya ng Reyalona Academy dahil alam ko sa sarili ko na kagustuhan ko ang mga nangyayari sa akin ngayon at dapat kong tanggapin ito para makakain kami kahit papaano magpapamilya.

"Ate Rona nandito ka pala, uuwi na raw tayo sabi mama." Napatingin ako sa boses na nagsalita mula sa likuran ko.

Si Ella, si Ella ang bunso kong kapatid at pitong taong gulang pa lang siya. Nakasuot siya ng puting damit at brown na palda gaya ng suot ko.

Bata pa lang si Ella at malaki ang agwat ng edad namin, pero kahit na ganoon pareho kaming maprinsipyo.

Nasa edad dalawampu't isa na ako, hindi ko siya tunay na kapatid at hindi ko rin tunay na ina ang nanay namin na siyang tunay niyang nanay.

Ang kwento kasi sa akin ni mama noon ay nakita nila ako ng asawa niya malapit sa dagat ng Abyssus na balak daw sanang ilaglag doon. Isang grupo raw iyon ng mga hindi natural na tao na galing mula sa Melo-Aqua at mukhang kinuha raw ako nga mga ito sa mga tunay kong ina gaya raw ng mga usong napapamalita noon sa lahat ng mga nayon na tungkol sa mga pagkawala ng mga bata noon.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon