15_RESET

41 12 2
                                    

CHAPTER :
RESET

"So, as we all know, we set the new line up of our team past few days ago. And now there's a same thing that would be happen, like we did in our last lining up." pagtatagubilin ni Prof-T habang pa ikot-ikot sa harap namin na nagsasalita.

"What is it Prof?" pangungunang tanong ni Iryll.

"We decided to reset the line up and make anew outline of this." Panimula ni Prof-T.

"What do you mean 'reset'?" tanong ni Iryll.

"I supposedly think to make a two team," nakangiting sambit ni Prof-T.

Napahinto ang lahat sa mga sinabi ni Prof-T dahil kahit maging ako rin ay naguguluhan.

Kung hahatiin kasi ni Prof-T ang team namin sa dalawa, walang kaso sa akin dahil pantay ang bilang, pero dahil nga may mga makakasama kaming tatlong bago, there's a possibility na hindi mag tugma.

Hindi sa bilang nang magiging kasama ko ako nangangamba dahil kung sakaling ang teorya ko ang mangyari. Teorya na kung saan, kung hindi magiging angkop ang isang miyembro sa makakasama niyang mga miyembro, madali kaming matutugis ng mga kalaban naming mga Abyssus Beast sa oras na puro lang kami kapangyarihan sa grupo.

Ang teoryang iniisip ko ngayon ay sumasalamin na sa oras na maubusan kami ng mana o lakas, maaring hindi namin makuha ang solar orb na sa tingin ko ay labis na ginagamitan pa ng napaka-lakas na kapangyarihan na sa oras na magkamali sa pagpili ng mga makakasama, ay siyang hindi namin makukuha at siya ding maaring ikamatay namin at higit sa lahat ay ang pagkalugmok ng mga mamamayang umaasa sa amin.

"No sir, you cannot make a two team. There's a chance na kung sakaling hatiin mo kami sa dalawang grupo, maaring hindi ito tumugma sa lakas na na-aayon sa grupong dapat kinabibilangan ng bawat isa sa amin. Ang kapangyarihan at dami ng mga makakalaban, ay maaring tumapos sa isang maliit na grupo," pagsasalita ko na siya namang kinagulat nila.

"lamebrain..." Napatingin naman ako kay Rozilyn na siyang nagsalita habang tumatawa.

"Did I ask your opinion?" Pagtataray ko kahit gustong-gusto ko na ibato itong babasagin na basong nasa harap ko sa kanya.

"Please stop! Don't make an argument again, please!" Hampas ni Prof-T sa lamesa.

Bumubulong pa siya pero hindi na lang ako pumatol dahil medyo natakot ako sa itsura ni Prof-T habang tinitignan niya kami.

Sa tuwing nagsasalita talaga ako, hindi maiwasang hindi sumabay nitong bunganga ni Rozi, nakapang-iinit talaga siya ng ulo.

"I know what you mean Ms. Rona. I've already think about that, but if you must think deeper than that and also you'll study about all your individuality strengths, you might be know what I've already mean," aniya at saka na nga bumukas ang virtual board.

Increaser
Enchanter
Fighter
Manipulator
Di​vin​i​ty.

'Yang mga 'yan ang nakasulat sa virtual board na kung saan naka-pa-diagram ang apat at may kung ano-anong nakasulat.

"These categories simplify the division within the classification of a system of every essential rules that we made. This system is well known in the other world— I mean in our era because it  is very useful classification system and it will help you to learn more about your ability and also to recognized other additional adjustment to know what was the the thing that your ability can do alot," saad ni Prof-T.

"I'm just wondering, remember, Rona gave us her opinion about she's against the plan about having a two team. At matapos niyang sabihin 'yong mga bagay na 'yon, umintrada naman itong si Ms. Rozilyn na kesyo 'lamebrain' ang opinyon ni Rona, so it means Ms. Rozi that have an idea about this old system na hindi naman ata pasok sa bracket ng edad niya para malaman iyon, unless..."  Nagtatakang tanong ni Iryll kaya naman na patingin ang lahat sa kanya.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon