32_GAME OF LIFE

38 9 1
                                    

CONTENT WARNING:

This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.
______________________________________

CHAPTER 32

Rozi P.O.V

       "Noah?"

       Tila pareho kaming gulat nang makita namin ang isa't isa ni Noah, bakas sa mukha niya ang pagkagulat at animo'y punong-puno pagtataka.

       "Anong ginagawa mo dito?"  tanong ni Noah sa 'kin.

       "Wala ka nang pak— sa likod mo!"

       Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ni Noah nang matanaw ko sa likuran niya ang kakaibang kinang ng isang paharurot na makakapal at matutulis na transparent na kristal kaya naman dali-dali ko siyang sanabihan upang maka-iwas.

       Sa tulong ng kapangyarihan ni Noah, nilamon ng mga kapangyarihan niya ang sandamakmak na mga kristal na akmang bubulusong sa kanya. Matapos iyon, nagkita na nga sila ni mama, hindi ko alam kung natukoy niya na si mama 'yon ngunit nang mag-iba ang direksyon ng tingin ni Noah pa tungo roon sa bata, bakas ang gulat sa mukha niya nang makita niya ang batang nakahandusay sa kamay ng isang Abyssus Beast.

      "Ella?" Rinig kong sambit ni Noah nang maka-ilag siya.

      Tumitig sa akin si Noah na parang nagtatanong.

      "Ate Rona..." Sabay kaming napatingin ni Noah sa direksyon ni Ella.

       Tila hapo na hapo ang itsura ni Ella, para bang bawat minuto ay kakapusin siya ng hininga kaya lalo akong nakakaramdam pagka kaba.

       "Kailangan natin iligtas 'yang bata..." pilit kong sabi kay Noah.

       "Teka— Naguguluhan ako bakit Rona ang tawag niya sa 'yo?"

      "Hindi ko alam, pero obvious naman 'di ba, kamukha ko ate niya?" irita kong sabi sabay irap.

      "O ba't parang napilitan ka?" tanong niya

      "H'wag mo akong kausapin, unahin mo 'yang nanay ko nang matapos na tayo dito!" sunod-sunod kong sigaw.

      "Nanay?" Nagtataka niyang tanong.

      Akmang magsasalita na ako nang biglang napalingon kami sa isang makapal na usok nang dahil sa isang anino ng isang babae na papalabas.

      Mula sa makapal na usok nang dahil sa kaunting pagsabog na nangyari kanina, iniluwa nito ang ina kong si Riza, tinanggal nito ang kulay asul niyang maskara habang papalabas siya sa usok. Nakasuot siya ng dark blue na victoral era empiral dress na may loose sleeve na may logo na itsura ng isang 'di pamilyar na uri ng  isang tao o hayop na may anim na tentacles. 

       "M-Ms. Riza?" gulat na tinuran ni Noah nang makita niya si mama.

       Bakas sa mukha ni mama ang kapiranggot na tawa kaya bago niya punasan ang namuo niyang mga dugo sa palad niya ng dahil sa sobrang pagpapalabas ng mga kapangyarihan, isang ngiti ang huli niyang ginawad kay Noah bago muling  magsalita.

      "Ano't iisang estudyante lang ang naririto na mula sa alyansa ng Reyalona, hindi ba't marami kayo?" tanong ni mama kay Noah.

       "Pakawalan niyo ang bata Ms. Riza, a-at a-ano't naririto kayo?" Naguguluhan na tanong ni Noah. 

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon