22_THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING

32 9 2
                                    

CHAPTER 22:
THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING


Nagising na lang ako nang dahil sa bigat at sakit nang nararamdaman ko, ngunit nanatili lang akong nakahiga dahil hindi ko pa nga rin kung tutuusin kaya pa talagang gumalaw.

Nang una kong makita ang dalawang kamay ko, may mga bendang nakabalot dito at medyo may mga dugo-dugo rin ito, punong-puno rin nang ilang mga benda ang bahagi ng mga katawan ko. Sa pagkaka-alala ko nga kasi ay naglaban nga kami ni Rozi at pareho nga kaming napuruhan, tapos ang huling naalala ko na lang ay alam kong nasaksak ko siya gamit ang nga ang  kapangyarihan ko pero ang labis kong ipinagtataka kung bakit ako nawalan rin ng malay, pero siguro nga ako ata ang talo sa naganap naming laban kaya ako ang naririto.

Nang iikot ko ang katawan ko, nakita ko ang isang miyembro nang medikal team na siya ring umasikaso sa akin noong napunta ako rito.

"Oh hi Ms. Amon, welcome back hahaha suki ka nang pasyente dito sa medical team ah, how's your feeling?"

"Ayos lang po," tipid kong sagot. "Dapat po ba ako maging masaya dahil pabalik-balik ako rito?"

"I'm a not necessarily saying that but it is actually fun right, sa ilang days mo na rin dito nakakatuwa rin 'yon para sa 'yo im sure, right?" natatawang tanong niya.

Napangiwi naman ako. "Huh? Paano?"

Anong masaya do'n?

"Never mind, anyway I'm Dr. Jelix Esgerij, I am a license doctor and healer under the blue palace and department of condition, I am also graduated here in Reyalona Academy 2 years ago. And I assigned to help you and your team for uncertainties and unexpected emergency to your quest in Abyssus Island, but allegedly, I also your doctor now," anito habang nakangiti sa akin.

"Hmm... Thank you rin po and it's such an honor. Anyway, I'm Ronalette Amon po and fro—." Maikling pagpapakilala ko pero pinutol niya.

"No need to introduce, I know a lot of you Ms. Amon, I'm just... You know, a little bit curious kung kaano-ano mo ba itong si Ms. Rozilyn Amon, as far as I know, you don't have any siblings or relatives here pero, look, hindi ba't kamukhang-kamukha mo? Are you sure that you don't have any twins?" tanong nito nang iangat niya ang kurtina kung saan nakahiga si Rozi na walang malay.

"Hindi 'no!" Pasigaw kong sagot. "I mean, hindi po," nahihiya kong sagot, halata kasing nagulat siya sa reaksyon ko.

Paano ko ba naman kasi magiging kapatid 'yang malditang babae na 'yan, napakahalang kaya ng ugali niyan.

"By the way, you have tons of major bruises and scrape to your body, some of your skin are very sensitive that is why I'd use my powers to at least clean your bruises and ease some virus and bacteria na sakaling mamahay dyan sa sugat mo. I advise rin na magpahinga muna kayo dahil gaya mo, malala rin ang dinaranas niyang kaibigan mo," paliwanag niya.

"Kaibigan?" Pairap kong tanong.

"Ok fine... But, I really have to go,  papupuntahin ko na lang ang mga kasamahan niyo rito kasi kailangan ko umaattend sa meeting ng mga opisyales dito. Kapag nagising siya, paki sabi 'wag muna kayo gumalaw-galaw ok? Babye..."

"T-Teka!" Pagpipigil ko dahil hindi ko nga kinakausap 'tong babaeng 'to.

"Babye..."

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon