+LOVE&CARE+
Makalipas ang isang linggo, nakauwi na rin ako sa aming balay.
Sinalubong agad ako ni manang Celia at kinuha ang mga gamit ko.
"Hi anak! Welcome home,. Sorry if di ako nakadalaw sa hospital ha..?" Sambit ni papa sa akin.
"you know naman anak. Very busy ng dad mo." Dugtong ni mama at niyapos ako.
"Ok lang po. Masaya po akong makauwi ngayon dito." Sambit ko ng nakangiti.
"Tara na sa dining area madami akong ipinahanda para sayo hija." Pagyakag saken ni papa.
Pagpasok namin sa dining area ay napakaraming putahe ang nakahain.
"Andami naman po ng pagkaen papa." Pagtaas ko ng kilay.
"Anak minsan lang kasi tayo magkasama saka alam kong walang lasa ang pagkain sa ospital." Pagtawa ni papa.
"Saka anak blessings ang pagkakaroon ng panibagong buhay at may bonus pa." sambit naman ni mama.
Napatawa rin si papa at manang Celia. Kumain kami ng masaya at nagkuwentuhan.
Namiss ko yung ganitong sitwasyon. Magkakasama kami ng family ko.
Pagkatapos naming kumain agad na akong nagpaalam at nagtungo sa aking silid upang magpahinga.
Knock!!!-Knock!!!
Malakas na paglagabog ng pinto ng kwarto ko. Isa lang naman ang alam kong ganoon.
"Oi Marie!" Masayang sambit ni Daina.
Dina nya inantay na pagbuksan ko sya ng pinto.
"Hi best. Dimo man lang ako tinext na nakauwi ka na galing hospital." Pacute nyang sabi.
"Sorry. Wala kasi akong cp. Nawala ata." Nakayuko kong sabi.
"Hahaha. Ok lang yun. Wag ka ng mag inarte dyan. Makakasama sa baby yan." Masiglang sabi ni Daina.
Naalala ko na naman may bata nga pala sa tiyan ko. Bata na nabuo dahil sa kalasingan.
Bigla na lang akong napayakap kay Daina at napaiyak.
"Masyado kang insecure sa mga pinaggagawa mo. Ok lang yan. Nangyari na." Positibong sambit ni Daina na lalong nakapagpaiyak saken.
"Mahal ko pa si Jolo. Mahal na mahal ko sya!" Naiiyak kong sabi.
"Mahirap ipaglaban ang pagmamahalan nyo kung ikaw lang ang lumalaban." Matigas tono ni Daina.
"Pero...." naputol ang sinasabi ko dahil niyapos nya ako..
"Laban ka ng laban tungkol sa pag-Ibig nyong dalawa. E ikaw ba ni minsan naipaglaban ka niya sa pamilya nya? Hindi di'ba? Osige angal ka pa?" Nakaismid nyang sabi.
mapait na ngiti ang sinukli ko.
Natahimik kaming dalawa ngunit wala pang ilang minuto ay binasag nya ang katahimikan.
"Oi babae. Puntahan mo yung nakabuntis sayo." Nakangiting sabi nya.
"Natatakot ako." Nakayukong sabi ko.
Paano kung di nya tanggapin yung bata?ayokong umasa! Pero ayoko ding mabuhay ang anak kong walang ama.
"Kapag di tinanggap ang bata. Hayaan mo na. Madami kaming nagmamahal sayo, sa inyo ni baby." Ngiting sabi nya at tinapik ako sa likod.
"I need to go best, you need to rest na din. Saka may date pa ako e bye." Niyapos nya akong muli bago umalis.
Nahiga na ako at pilit na kinalma ang sarili ko sa panibagong hamon ng buhay.
+BULLSHIT+
Kinabukasan maaga akong umalis sinunod ko ang payo ni Daina na puntahan ang ama ng batang dala dala ko.
Sumakay ako ng taxi at nagbigay ng address.
Madami akong dapat gawin at asikasuhin. Babalikan ko ang ama ng batang ito.
Pagkababa ko ng taxi agad kong nakita ang lalaking iyon. May kasamang babae sa veranda.
Natakot ako bigla.
Tutuloy pa ba ako? Ngayong nakikita ko sya sa piling ng iba. Pero hindi pwede kaylangan ko sya at ng magiging anak namin.
"Kelvin!" Tawag ko sa kanya.
Dipa ako nakakalapit ng pinuntahan ako ng babae. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Don'T worry di ako manggugulo." Mapait kong ngiti.
"Sino ka ba? Bakit nandito ka?" Pagmamataray ng babae. Si Kelvin naman ay nakatingin lang.
"Si Kelvin ang sadya ko." Akma ko syang lalampasan para makaharap si Kelvin ngunit hinawakan nya ako.
"Ano ba nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ko.
"Then tell me. Anong kaylangan mo kay babe?" Pairap nyang sabi.
Babe? May pag-Asa pa kaya ang batang dala-Dala ko....?
Tumikhim ang babae at diko namalayang nasa harap ko na si Kelvin at nakahawak sa beywang nito.
"Anong kaylangan mo?" Walang emosyong sambit nito saken.
"Kelvin. I'm pregnant. Ikaw ang ama." Nakapikit kong sabi.
Nabalot ng tensyon ang buong paligid ng ilang sandali.
"Wag ako iba na lang oy!" Sagot ni Kelvin.
"Totoo ba ang pinagsasabi ng babaeng yan Kelvin?" Pag alog ng babae sa kaniya.
Humarap si Kelvin sa babae at sinabing...
"Wala babe . Ano ba? Ikaw lang!"
sabay tuon sa akin ng tingin...
"hahaha Oo may nangyari sa atin Marie pero di kita nabuntis. Please leave. " napakayabang nyang sabi.
"Pero kaylangan.... " napatigil ako dahil sa sinabi nya.
"You can'T make me fall dahil lang dyan sa dinadala mo." Galit nyang sambit.
Tumalikod na ito at umalis. Naiwan akong umiiyak.
Tumikhim ang babae sa harap ko.
"Back off! Leave my boyfriend alone SLUT!!" Madiin nyang sambit
"Ipalaglag mo! Bullsh*T " at pinatikim ako ng kambal na sampal bago nya ako iwang nagdurusa.
i am not a slut! Di na lang sana ako nagpakita sa kanya. Kawawa naman tong bata nadadamay sa katangahan ko. Ipalaglag? No! I am not insane.
~yourdearestloveone
love&care
bullshit
BINABASA MO ANG
Sex-Love-Happens
RomanceMake love tawag kapag nagmamahalan kayo. Sex kung wala lang trip lang. ang kalibugang nauwi sa pagmamahalan. ang tunay na pag ibig bigla lang dumarating kaya wag piliting dumating huwag antayin . kusa nga e.^_^