+START AGAIN+
Pagdating ko sa aming bahay agad nila akong sinalubong especially ng kakambal ko.
"Sobrang namiss kita kambal. In fairness hiyang ka manganak ha, sexy mo HAHAHAHA! " pagbungad ni kambal sa akin.
"Wag mo ng bolahin yan Mary.hahaha!" Pagsuway ni Daina ng pabiro.
"Ayan na naman kayong dalawa." Pabirong suway din naman ni mama sa amin.
Ako namay nakangiti lang sa kanilang lahat.
I miss going back home! Kumpleto na kami at may bonus pa.
"Tara na sa garden. Dun ako nagpahanda ng hapunan." Pag aya ni papa.
Tumango ako at matamang sumunod sa kanila. Masayang masaya sina mama at papa.
Sobrang the best talaga sila.
Maghahanap ka pa ba ng nobyo kung yung lahat ng flaws mo tinanggap at minahal na ng mga magulang mo?
Magarbong hapunan ang nakahanda sa garden. As usual lagi namang espesyal ang pagkain sa bahay. Kainan na akala mo wala ng bukas ang nakahain. Pero hindi rin naman nauubos. Buti na lang mabait pa din sina mama lahat ng tira binabalot ang pinapadala sa mga homeless people na nasa around ng village namin.. Haaaaysss napakabait talaga ng mga magulang ko.
May ilang bisita na pawang mga katrabaho nina papa. May masaya ring tugtugin.
Sa di kalayuan ay may nakaagaw ng atensyon ko. Isang lalaking nakakatunaw kung makatingin. May hawak na beer at nakangiti sa akin. Biglang tumigil panandalian ang tibok ng puso ko.
si Jolo? Kalma lang kalma lang dapat masaya ka. Wag panghinaan.
Lumapit ito sa akin at nginitian ko.
Iginaya nya ako sa may veranda. May pag uusapan daw kami.
Kinakabahan ako. Ano na naman to? Baka kung ano lang.
"Chill ka lang Marie." Nakangiting sabi nito.
"What.. . . . . " naputol ang dapat sanay sasabihin ko dahil niyapos nya ako ng mahigpit.
"i miss you so much!" Pabulong sinabi niya.
Sinuklian ko naman ang hug nya at ngumiti. At kumalas na din.
"Marie did you missed me?" Pagyuko nya dahilan upang magtama ang mga mata namin.
kahit alam kong nagtatatalon na ang puso ko sa kagalakan ay ngiti lang ang pinakita ko.
"Marie?" Masuyong boses nya.
"Hmm?" Tugon ko at tumingin sa di kalayuan.
Alam kong namumula na ang magkabilang pisngi ko kaya napayuko ako.
"ninong ka nga pala ng anak ko." Nakangiti kong sabi.
"Ayoko nga..." sabi nya habang nilalagok ang beer.
Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit ayaw nya? Hindi niya pa din ba tanggap na may anak na ako?.
Napagdesisyunan ko tuloy na umalis sa tabi nya ngunit agad niya akong hingit pabalik sa tabi.
How i miss the touch of yours.
"O bakit?" Medyo mataas na tono.
"I don't want to be his ninong. Ask mo naman kung bakit." Nakangiti nyang sabi.
"then why?" I arched an eyebrow.
"Because.. . . . " pagputol nya at nganga akong nag aantay. ^o^
"Tell me why or else ipapa ban kita dito sa mansion!." Pagtaas kong muli ng boses at nakahalukipkip.
"Because i want to be a tutubi na walang tinatagong bato LaLaLa " ♪♪♪
"Puro ka naman biro Jolo e" may halong asar at kinurot ko sya sa tagiliran.
Nagharutan kaming dalawa na para bang kami pa rin. Naghabulan at masayang masaya. Namiss talaga namin ang isat isa.
Tumigil kami dahil pagod na ako.
"Marie, i don't want to be his ninong." Nakatingin sya sakin at seryoso.
"Paulit ulit na naman." Nakangiti ko namang tugon.
"Ayoko talagang maging ninong niya kasi alam mo bang i want her?"
"What? Bata pa anak ko no."nasabi ko dahil sa gulat.
Tumawa siya at sabay sabing...
"I want to be his dad." Tugon nya at nakahawak sa muka ko. Seryoso siya ako naman walang imik my heart were beating so fast.
"Gusto kong simulan muli ang naputol nating relasyon. Handa ako sa consequences bilang ama ni Ania." Pagsegunda nya sa sinabi.
Hindi na ako nakaimik dahil naglapat na ang mga labi namin. Gentle and passionate, ilang sandali lang iyon at agad na rin akong nagpaalam.
"Please Marie pag isipan mo sana. Handa na ako." At hinalikan nya ako sa pisngi.
Gusto ko ng magpakain sa kinatatayuan ko natataranta na naman ang utak ko.
Kinikilig ako sa sobrang saya. Bakit naman ganern? Haba na naman hairlalu ng lola ninyo...
+FAMILY+
Nagpaalam na ako kina mama at umakyat na ako sa kwarto. Masayang masaya at mahimbing akong nakatulog.
Sa pag uwi kong iyon e wantusawang pamamasyal kami ng aking anak kasama ang kakambal ko at si Daina.
Walang humpay na tawanan at kwentuhan kami habang naglilibot sa mall. Kilig na kilig sila about sa pagpo propose ni Jolo na maging ama ng anak ko.
Nandito na kami ngayon sa parking lot mg may dumating na lalaki.
Shit! Not again! Si Kelvin nandito para ano? manggulo? Hay nako.
"Is that our baby?" Masuyong tinitigan si baby Ania.
"Not ours but mine." Tugon ko at pasakay na ng kotse.
Hinawakan nya ako sa isang braso.
"Come on, let's talk." Pag aya nya sa akin.
Inihabilin ko muna si baby Ania kay kambal.
"Ano pa bang pag uusapan?" Mataas na tonong tugon ko.
"That baby is mine,too. I want her na makilala nya ako as her father. Please!" Malumanay at nagmamakaawang boses.
Tang ina. Eksena na naman. Ok na e lume-Level up na ako. Tapos langya epal talaga to kahit kaylan e!!!!!
"Marie please. May karapatan din ako at gusto kong maging buo tayo para matawag na totoong pamilya ." Matigas na tono niya..
"F*Ck! Nung nagmakaawa ako sayo, lumuhod sa harap mo para panagutan ako.? Pinakinggan mo ba? nilait at pinagtawanan mo lang ako! Tapos ayan ka? Babalik na parang ako pa ang nagkakait ng anak? Tangna Kelvin!!!" Panunumbat ko.
"Sorry." Tipid nyang sagot.
"Sorry? Gag* ka pala e! I don't want to hear that paawa moves na yan. Don't beg dahil walang patutunguhan.. . . . . " naputol ang sinasabi ko dahil hinalikan nya ako.
Nagbalik ang ala alang nakasama ko sya nung gabing may nangyari.
PPpaaaakkk!
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya dahilan upang magdugo ang gilid ng labi nya sa sobrang lakas ng impact.
"Kulang pa ang sampal na iyan para sa katangahang ginawa mo." Pagtalikod ko sa kanya at agad na tumalilis patungong kotse.
Tinanong agad ako nina kambal sa nangyari.
Para akong nabunutan ng tinik. Ayoko ng magpaloko at magpaapi. Malakas na ako at diko kailangan ng isang gag*ng Kelvin sa buhay ko.
~yourdearestloveone
start again
family
BINABASA MO ANG
Sex-Love-Happens
RomanceMake love tawag kapag nagmamahalan kayo. Sex kung wala lang trip lang. ang kalibugang nauwi sa pagmamahalan. ang tunay na pag ibig bigla lang dumarating kaya wag piliting dumating huwag antayin . kusa nga e.^_^