Chapter: 12

63 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 12


Nakangiti si Dasha habang nagpi-pictorial, merong seryoso, meron na mapang akit. Lahat yun ay ginawa niya para lang mapasikat ang Anderson at malugi ang kumpanya ni Ariel.


Sa ngayon, naka pokus muna ang lahat sa mga mata niya. Ito ang hiniling ni Axel, para maging misteryoso muna ang kanyang pagkatao.


"You look great, Dasha!" 

Ngumiti siya Photographer niya at tiningnan ang mga litrato.

"Parang di ako makapaniwala." Bulong niya 

"Dasha." 


Lumingon siya at agad na ngumiti nang makita si Axel, binigay na muna niya ang camera at lumapit na dito.

"Kamusta?" 

"May maganda akong balita."


Tila nahuhulaan na niya ang gustong sabihin ni Axel, pero gusto pa din niya na dito manggaling ang sasabihin.



***

"Coffee lang inorder mo?" Tanong ni Axel.

"Busog pa naman ako." 

Ngumiti si Axel

"Hihingi sila ng proposal sa Anderson, nakita nila ang improvement ng company mo. Pati na din ng mga products."

"May idea ba sila, kung sino ako?"

Umiling lang si Axel

"Clueless sila, lalu at mata mo pa lang priority. Iisa-isahin natin ang bawat parte ng mukha mo, hanggang sa magpakilala ka." Sabay muling ngiti nito.

"Hindi ka ba nila, pinag iisipan?" Nag aalala niyang tanong.


"Nope, ang alam ko. Pagpapahingain muna ni Ariel si Garret. Gusto ka niya makuha."


"Yun ang maganda, gusto ko na manabik siya ng husto. Dahil mahihirapan siya na makuha ako." Naramdaman niyang hinawakan siya ni Axel sa kamay, napatingin siya dito.


"Mag iingat ka, kilala mo na si Ariel."

"Kilala ko na nga siya, pero hindi niya ako kilala. Sila nagturo sa akin maging ganito." Ipinatong na din niya ang isang kamay sa kamay nito.

"Alam ko na nariyan ka, hindi mo ako pababayaan di ba?" 


"Hinding-hindi."

Ngumiti na si Dasha.

"Bakasyon si Garret, ito ang maganda." Bulong niya 

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon