Chapter: 23

56 3 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 23

"Gusto mo talaga lumayo? Kaya ba naisip mo na, dito muna tayo sa korea?" Tanong ni Axel.


Lumingon siya at ngumiti sa nobyo.

"Masyadong memorable sa akin ang lugar na ito, at gusto ko na kasama kita." Sabay yakap sa braso ni Axel.

"Masaya ako, dahil natagpuan ko ang isang tulad mo. At mas lalu akong masaya, dahil ngayon kasama kita." Dagdag niya

Napangiti si Axel at inayos niya si Dasha, pinagmasdan niya ito maigi.

"I love you."


"Sasabihin mo pa din ba yan, kahit na panget ako?" 


Hinaplos niya ang mukha nito sabay ngiti.

"Hindi naging hadlang sa akin ang itsura mo noon, minahal kita dahil sa totoong pagkatao mo. At hindi sa panlabas na anyo."


"Axel... I love you too." 


 Lumapit ang mukha ni Axel at hinagkan siya sa labi, napayakap naman si Dasha at dinama ang halik nito.



***

Una silang namasyal sa Donggung Palace and Wolji Pond, kung saan na madalas makikita  sa mga koreanovela lalu kung mga pang Dynasty. 


Natatawa siyang lumabas, habang suot ang korean Hanbook, ganuon din si Axel at nagpalitrato sila.


"Bagay na bagay pala sayo ang ganyang mga damit."


"Talaga?" Tanong niya at umikot-ikot pa siya para ipakita ng husay kay Axel ang kanyang suot.


"Para kang Prinsesa."


Napahinto siya at naalala niya noong bata pa sila.

"Ako ang Prinsesa ng Villa na eto!" Pagmamalaki niya at umikot-ikot.


Bigla siya napangiti at lumapit kay Axel.

"Salamat."


Nilapit naman ni Axel ang labi sa kanyang noo, hinagkan niya ito sa noo.

"Mahal na mahal kita." Bulong niya.


"Ako din, sa ngayon mamasyal na muna tayo. Para masulit natin ang bakasyon." At hinila na niya ang kamay ni Axel

Natatawang napasunod si Axel.


***

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon