Chapter: 20

63 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 20

"Talagang iniwan mo ako, sa gitna ng party na yun?" 


Hindi lumingon si Ariel at kumuha ng maleta, binuksan din niya ang kanyang cabinet at kumuha ng mahahalagang gamit at damit.

"Anung ginagawa mo?" Tanong ni Garret, pero hindi siya pinapansin nito.

"Ariel!"

Lumingon si Ariel,

"Napapagod na ako sayo, sumusobra ka na!" Sigaw niya.


"Ako, sumusobra? Sige nga, bigyan mo ako ng magandang paliwanag kung bakit hindi mo ako pinakilala sa babaeng yun?" 


"Pwede ba Garret, iniisip ko dito ay ang negosyo hindi ang kung anu-ano!"

"Talaga lang ha, sa totoo lang ganyan ka noon nakilala mo ako!"


"So, anung pinapalabas mo? Na may gusto ako sa babaeng yun?" 

"Oo Ariel, Oo! Nakikita ko sa mga mata mo, sa mga titig mo sa kanya!"


"Enough, Garret. Pagod na ako, nagseselos ka ng wala sa lugar. Kailangan ko muna ng space." Sagot nito at sinara na ang maleta sabay bitbit.


"Ariel!" Pinigilan ito ni Garret

"Saan ka pupunta, huwag mo akong iwanan dito!" 


Pero pumiglas lang ito at bahagya siyang naitulak, natumba si Garret sa sahig at nakita niyang tuluyan ng lumabas si Ariel.

"Hindi, hindi mo pwedeng gawin sa akin ang ginawa mo kay Alicia!" Sigaw nito.



***


"Nakita ko kanina ung galit ni Garret, sigurado ako sasabog ang ulo niya sa kakaisip." Natatawang sabi ni Sia

Natawa na lang din si Dasha, umiinom sila ng redwine habang nasa terrace. Hindi naman siya masyadong nag enjoy kanina dahil maaga umalis ang mag asawa.


"So, anung next mong gagawin?" Tanong ni Sia


"Bukas, pupunta na ako ng Russo. Pero hindi pa ako pipirma sa kontrata, gusto ko muna gamitinbang Anderson para mas lalung bumaba  ang sales niya, at siya mismo ang magmama-kaawa sa akin." 

"Grabe ahh,  kung titingnan maigi parang hindi ka si Alicia dahil sa mga ginagawa mo ngayon. Pero ang totoo, ikaw pa din yan."

Lumingon siya kay Sia at ngumiti

"Hindi naman ako magiging ganito, kung hindi nila ako tinuruan. Sila ang nagturo kaya natuto akong lumaban, pero maganda na din na nawala ako sa piling ni Ariel. Dahil may isang tao talaga, na tapat at totoong nagmamahal sa akin."

"Asus, siguro kapag nadinig yan ni kuya kikiligin yun."


"Loka." Natatawang sagot ni Sia, 

"Pero ang totoo masaya naman na ako sa piling ni Axel, kaso kailangan ko pa maghiganti." Sabay inom ng wine.


***


Sa condo niya sa Makati si Ariel dumiretso, dito na muna siya habang nag iisip ng magandang plano. Ayaw din niya na sirain ni Garret ang mga plano niya dahil nakakagalit lang talaga, pero totoo naman ang mga hinala nito.

"Nagkaka gusto ako kay Dasha, may nararamdaman ako." Bulong niya at naupo sa sofa.


Naalala na naman niya ang pagsasayaw nito kanina, ang pag giling ang katawan nito. Ang maalindog nitong katawan na nagbibigay init sa kanya, lalu ang simpleng pag lagok nito kanina ay parang boltahe sa kanyang katawan.

"I need her, wala na akong pakielam kay Garret. Si Dasha ang kailangan ko. Kailangan ko siya." Bulong niya 



****

"Gising ka pa pala?"


Ngumiti lang si Dasha at sinalubong si Axel ng halik sa labi.


Ngumiti ang binata at tinugon iyon, na miss niya din ito at kanina ay talagang pinanuod niya ang pagsasayaw nito.

Agad na itong kumalas at pinagmasdan siya.


"Akala ko, hindi ka uuwi." May himig na pagtatampo ang boses ni Dasha.

"Pwede ba na hindi ako umuwi, na miss kaya kita." Sabay pisil sa kanyang baba.

"Kanina, ang galing mong sumayaw." 


"Talaga.  Gusto mo ba na, sayawan kita." Sabay kindat nito.

Natawa lang si Axel at muling niyakap ito.

"Kakaiba na ang titig sayo ni Ariel, mukhang nabibighani na talaga siya sayo."


"Uh, oo. Pansin ko nga, hayaan mo lang siya. Hanggang mabaliw sa akin.."


Muli siyang kumalas sa pagkakayakap at tinitigan si Dasha.

"Ipangako mo sa akin, mag iingat ka. At kung anuman ang mangyayari. Tatawagan mo ako."


Tumango si Dasha at pinilig ang ulo niya, matangkad si Axel kaya sa dibdib nito idinantay ang kanyang ulom

"Alam ko na di mo ako pababayaan, kaya wag ka mag alala mag iingat ako para sayo." Tugon niya

Ngumiti na si Axel at niyakap muli ito.





#AuthorCombsmania

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon