Chapter: 7

58 2 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 7

Para siyang nabibingi sa mga nadidinig na ingay, halos lahat yun ay nadidinig lamang niya.Ramdam din niya na parang may ginagawa sa katawan ngunit walang lalas ang kanyang talukap na imulat ang mga mata para tingnan kung anu ang nangyayari.

"Lumaban ka!"

Isang tinig lamang ang nadidinig niya ng mga oras na yun, ang tinig na nadinig niya kanina.



****



"Teka? Hindi ba siya lumabas?" Bulong ni Axel at balak na sana katukin sa kwarto si Alicia ng makita niyang may lalaking pumasok duon, kilala niya ang lalaking iyon. Ito na ang Chairman ng kumpanya ni Don Russo. 

"Ibig sabihin, siya ang asawa ni Alicia?" Bulong niya at pinakinggan ang kabilang kwarto.

Wala siya masyadong madinig dahil sa ingay na madidinig sa kwarto nito, ang musika nito na laging pinatutugtog.

Hindi pa din siya mapakali, hanggang sa napili na lamang niyang lumabas ng kwarto.


Wala ang loob niya sa party kaya naglakad-lakad siya, hanggang sa makita niya muli si Ariel Estrada na may dalang malaking kahon, na-curious ng husto si Axel lalu ng sumakay na ito sa kotse. Mabilis niyang sinundan ito, hanggang sa makarating sa ibang bahagi ng dagat. 

Napalunok siya ng makita niya na katawan ang kinuha nito, katawan ni Alicia hindi siya maaring magkamali. Nilagyan pa ito ng pampabigat, tatawag na sana siya ng pulis, kaso ay wala ang kanyang cellphone. Bumaba siya at nagtago hanggang sa itapon na nito ang katawan ng babae.

Nang makaalis na si Ariel ay mabilis siyang tumalon, mabilis niyang nilangoy ito. Hanggang sa makuha ang babae, tinanggal na muna niya ang nakatali sa paanan at mabilis na binuhat paahon.

"Alicia!" Gising niya dito, pero agad niyang napansin ang dugo na nagmumula sa tiyan nito, hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na sinira ang damit nito.

"My god, Alicia."

Napamulat pa siya ng mga mata at nakita ang mukha ni Axel,

"A-axel."

"Alicia, Lumaban ka!" 

"Wag, wag mo ipapaalam. Na-na buhay ako. Pakiusap." At tuluyan na siyang nawalan ng malay 

Agad na niyang binuhat ito at nagmamadaling dinala sa Hospital.


***



Hindi siya mapalagay, pabalik-balik siya ng lakad. Wala pa siyang sinabihan na kahit na sino, kahit ang mga Doctor, malayo ito sa lugar kung saan ang resort. At tulad ng hiling ni Alicia, wala siyang sinabihan.

Napaupo siya at sumandal, bumabalik-tanaw sa kanya ang mga nasaksihan.

"Pinatay niya ang asawa niya, para saan? Para sa kayamanan? " halos mapasuklay siya sa kanyang buhok, nasasaktan siya sa nangyari para kay Alicia. 

Muli siya napabuntong-hininga.

"Dr. Axel?" 

Napatayo siya nang makita ang Doktor na umasikaso kay Alicia.

"Kamusta po doc?"

"Mabuti na lang at nadala mo agad siya, may malalalim na sugat din natamo ang mukha niya, mukhang isinubsob ito o may inihampas sa kanyang mukha."

Naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Natanggal na din namin ang buo niyang dugo sa sinapupunan."

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon