Chapter: 10

66 3 0
                                    

You Made Me Live Again

Chapter: 10

"Axel, dumating ka na pala ulit?" 

"Oo, Doc Olsen, kamusta si-?"

"Si Dasha!" Putol nito sa sasabihin niya.

"Dasha?" Takang tanong niya,

"Oo, yun ang hiniling niya na pangalan niya.. And congratulations, kung hindi din dahil sa mga pag aaral mo sa cosmetic hindi mabubuo ang ideya." 

Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan.

"Nasaan pala siya?" 

Lumingon ito,

"Kanina naririto lang siya, baka nasa garden. Tamang-tama, full recover na siya ngayon. 8 months na nakakalipas kaya pwede na siya makauwi." Sabah tapik sa balikat ni Axel.

"Hanapin mo lang siya."  At iniwan na siya nito.

Napa-buntong-hininga si Axel, hindi siya agad nakabalik dahil madaming naging project ang kumpanya na hawak ni Ariel, isama pa na nagpakasal na ang dalawa kaya lalu siyang naipit.

Nagpalinga-linga siya sa Garden hanggang sa mapansin ang isang babae na nakaupo, nakatalikod ito at tila pinagmamasdan ang mga bulaklak.

Napalapit na siya bahagya, hanggang sa madinig niya ang boses nito na kumakanta.

I was lost in the dark

With my lonely, broken heart

Then you came along

You took me home

And made me your own

"You made me live again?" 


Napahinto siya ng madinig ang boses nito, kaya mabilis siyang tumayo at lumingon.

Hindi agad nakapag salita si Axel ng makita ang kaharap, ang mala hazel green nito mga mata, ang matagos na ilong na naging pointed. Ang mga labi nito na mapupula, at ang balat nito na animo'y nawala ang pagkakadikit gawa ng mainit na bagay.

"A-alicia?" 

Ngumiti siya at agad na sinugod ng yakap si Axel.

"Axel, ang tagal kitang hinintay." 

"Nagbago pati, ang-ang boses mo." 

Kumalas siya at muling ngumiti,

"Simula ngayon ako na si Dasha, Dasha Anderson."

Ngayon lang siya nawala sa pagkabigla kaya agad na ngumiti sa kaharap.

"Dasha, ang ganda ng... Naisip mong pangalan aah?" 

Ngumiti lang ito.

Mas lalu lamang siya napatitig sa mga ngiti nito,

"Siya nga pala, iuuwi na kita sabi ng Olsen, full recover ka na."

"Talaga? Hayss, sa wakas." Masaya niyang sagot at humawak na sa braso ni Axel.

"Madami akong iki-kwento sayo."

"Ako din, madami akong ibabalita sayo."

Nagtaka siya sa mukha ni Axel,

"Bakit?" 

"Naibenta na ang Villa, ninyo. Hindi ko pa alam kung kanino, madami nawalan ng trabaho at nagpakasal na last month sila Ariel at Garret."

"Talagang, nagpapaka-saya sila sa kayamanan ko." 

You Made Me Live Again (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon